Skylar
"Hi Cindy. " bati ko sa secretary ng pinaka boss namin na si Atty. Ashton, ayun din kasi ang gusto niyang itawag sakanya.
"Uy hi Sky, anong ginagawa mo dito? " tanong nito saakin, lumapit ako dito at nag halumbaba sa table nito, medyo mataas din kasi yun.
"Naandiyan ba si Attorney kulog? " Napatawa siya at inarapan ako ng pabiro.
"Shh ka nga, pag narinig ka diyan ni boss sige ka. Mawawala yung pag asa mong maging vice president. " ako naman ang napa irap, usap usapan kasi sa buong firm ni boss ay ako daw ang gagawin niyang vide president. Hindi lang dito, sa iba pa niyang Firm.
"Sus, wala pa nga akong masyadong experience e. "
Napapansin ko din kasi na lagi akong tinitignan nung ibang BOD, lagi din ako pinapasama ni Atty. Ashton sa mga lakad niya. Usap usapan din na inaakit ko daw kuno si Atty. Ashton kaya ganito, gusto ko daw ng mas mataas na pwesto. Hayy, mga tao nga naman oh kaya hindi umuunlad pilipinas e.
"Ayun nga e, ayun yung mga gusto ni Attorney. Ayaw niya nung mga matanda na sa industriya saka lahat ata ng hinawakan mo na kaso panalo! Kaya soon to be vp siya oh! " tukso nito saakin na iki na irap ko.
"Hindi naman totoo yun saka wala din akong interes dun, saan nga pala nag punta si Atty? "
"Ngayon daw kasi balik ng pinsan niya at ribbon cutting ng isang hospital. " napa tango tango naman ako, aalis na dapat ako nung higitin ako ni Cindy at tinuro yung flat screen TV.
"Ayun oh! "
"Miss Caela Savedra, welcome back! "
"The second daughter of Savedra's and Demonteverde's. "
"How's your life in America? "
"Caela Avery Savedra, one of the best doctors in America and soon to be here in the Philippines. "
"She's the BEST and YOUNG neurosurgeon. "
Fuck.
She's really back after 13 years.
Pinanood namin ni Cindy yung pag ikot ng mga bodyguards sa dalwang babaeng blonde, napakaraming reporters at cameraman ang gustong makalapit sakanila. Nagkakatulakan na ang iba kahit ganoon naandun pa din ang poise at confidence nung magkapatid, magkahawak kamay din yung dalwa.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, para akong nanghihina na at maiiyak pero at the same time nakakaramdam ako ng kasiyahan dahil bumalik na siya at nakamit na niya ang pangarap niya.
Simula dati kita ko na yung closeness nilang dalwa, wala pa rin pala nag bago.
Sinira mo nga lang yung isa.
Singit nung isip ko kaya napa taas tuloy ako nung kilay, parang hindi naman. Tamo siya ngayon. Isang sikat, napaka galing at napakabatang doctor. Kung hindi ko ginawa yun, mararating ba niya yung narating niya ngayon?
Wala ka bang tiwala sakanya? Ganyan ba kababa tingin mo sakanya? Baka nakakalimutan mo na isa siyang Demonteverde at Savedra? Idagdag mo pa na Sinaktan mo siya, winasak mo si–
Umiling iling ako at napa buntong hininga.
"Huy, okay ka lang? " tanong saakin ni Cindy at weird akong tinignan.
"Ha ah oo, sige una na ko sa room ko. " tumango siya at nag paaalam na. Pagkapasok ko ng room ko ay agad akong umupo at napa buntong hininga.
Bawat lawyer dito ay may sariling room for privacy lalo na pag nasa pwesto ka, sakto lang yung laki bawat room. Hindi din masikip at hindi rin maluwag. Saktong sakto lang talaga, ang bawat bagong lawyer dito ay dadaan muna sa 'Training ground' ni Atty. Ashton. Two years or more bago ka makalabas dun pero sulit din dahil magiging magaling ka talaga.
Dito muna tinetrain yung mga magiging lawyer niya lalo na yung mga newly graduate lawyers, katulad ko. Madami din ang gustong makapasok dun at maging lawyer ng DLF. One year na ko nag tatrabaho sakanya, mabilis daw ako nakapasa sa training ground ni
Atty. Ashton kaya ganun na lang ang pagka humaling niya saakin. Months lang kasi ay nakapag trabaho na ko sakanya.
Binuksan ko yung TV dito at pinag patuloy yung pinanood ko kanina sa tabi ni Cindy.
"Caela Avery D. Savedra, MD, Rph. The second daughter of Avniel and Cynthia Savedra finally owns a Hospital! "
Makikita sa TV yung masayang mukha ni Caela habang linilibot niya yung Hospital, hindi ko din maitatanggi na pinag gastusan iyon. Lupa pa lang ay umaabot na ng milyon, kung lahat lahat pag sasamahin ay aabot ito ng bilyon. May kumatok sa pinto ko at pumasok dito yung boryfriend ko.
"Hi babe. " hinalkan niya ko sa pisngi at umupo sa harapan ko. Tumingin din siya sa TV saka napa iling at singhap bago linipat yung channel. Para bang nananadya yung panahon at lahat ata ng channel ay naka focus kay Caela kaya napilitab siyang patayin ito. Kilalang kilala ko si Kevin, e pupusta ko lahat ng pera ko ngayon na naiinggit si Kevin sa narating ni Caela. Simula dati tinuturing ni Kevin si Caela na kakumpatensiya o kalaban pero wala lang ito kay Caela, wala siyang binibig deal.
Natataasan nga ni Kevin si Caela sa mga test, seat works, exams, at iba pa pero parang si Caela pa din ang panalo. Si Caela pa din ang masaya, ang huling halakhak at lahat. Sana ganun pa din siya.
Lahat din ng gusto ni Kevin ay napupunta dito kaya ganun na lang ata ang galit niya kay Caela. Gusto ko sana siya asarin kaso huwag na, baka mas lalong ma pikon.
"How's your promotion? "
"It sucks. Hindi approved sa BOD, other bosses of different lines/departments at of course to our very boss Architect Tyra Tuaxon–Savedra. "
Pasimple naman ako napa roll eyes at napa iling. Pang ilang beses niya na ba to at hindi nanaman siya umurong. To be honest sa age niya na 26 normal lang na nasa Senior architect pa lang siya, actually it's more than. Yung ibang ka age niya ay nasa Junior, masyado lang kasi siyang nagmamadali para may maipag yabang. Yes he's my boyfriend pero hindi ko tinatago na may attitude siya.
He's just being himself, that's why I love him.
"By the way, hindi na trainee architect si Skyell ah. " katulad dito saamin ay may training ground na din ang Tuaxon–Savedra Arch. Designs na dati ay Tuaxon Designs Arch.
Binago ito simula nung na engaged silang dalawa, months lang ang nakakalipas.
"Yup, mamaya kami mag celebrate. " sabi ko dito at ngumiti. Rookie Architect na ang bebe sis ko, katulad ko months lang ay nakatapos na siya sa training ground. Yung sample niya kasi ang napili nung boss niya para sa hospital ni Caela, yes she is the assistant of Mrs. Savedra nung time na yun.
"Gusto ko nga umalis sa company kaso huwag na lang. " for the nth time napa roll eyes nanaman ako.
"Bakit nanaman? "
"Duh, boss namin lesbian at isa pang Savedra nanaman nagkakalat talaga sila ng lahi. " nanahimik naman ako dahil biglang nag balik saakin ang dati. "Kaso that company is a dream of all architects, it's on top. Kahit anong pwesto mo dun, malaman lang nila na nag tatrabaho ka dun as a architect is a big respect at hahangaan ka talaga. "
That's true, even here. Pangarap ng mga abogado ay dito makapag trabaho, they offer everything and nakakatulong pa sila sa mga mahihirap pero bayad kami ni Atty. Ashton. Sa company din ng panganay nila at for sure ganun din ang hospital ni Caela. Nasa lahi na din ata nila yun, nasa lahi nila ang maging successful. Hindi ata papayag ang angkan nila kung yung magiging asawa nila ay hindi successful.
––