Chapter: 19

1890 Words
"boss, napag alaman ko palang si Ms, Gray ay nag-aaral ng doctor at gusto nito maging Mentor ay si Cherry, isa sa mga pinaka magaling doctor sa buong bansa" sabi pa ni Andrew kay Tyron "hmm..hanapan mo ng paraan at ma papayag natin si Dr.Cherry na maging Mentor ni Stella" sagot naman nito sa PA niya. "boss, pano kong hindi ito pumayag? sa pagkaka alam ko never raw ito tumanggap ng mga student, at masyado itong Mysteriousong tao, wala ngang naka kita sa mukha nito." mahabang paliwanag ni Andrew sa boss niya. "gawan natin ng paraan yan, tanungin mo kahit magkano ang gusto niyang pera ibibigay natin, turuan lang niya si Stella" "sige boss akong bahala, hmm boss diretso naba tayo sa company? wala kana ba ibang daanan?" "wala na, dumiritso kana. marami pa akong gagawin sa office ko at bukas kailangan maaga ka. dahil ay kikitain ako isa sa mga investor natin" "copy" ayaw kong umiyak tama na yong mga luha ko na sinayang ko lang naman sa mga walang kwentang tao nangako ako sa sarili ko na hinding hindi na ako iiyak ng dahil sa kanila. "hello ma'am" sagot ng PA ni Faye sa kabilang linya "kamusta ang inutos ko sayo? yong bagong project na gagawin natin na ayos naba?" tanong nito sa kanyang PA "yes ma'am ok na lahat, at kailanga nga pala ng sign mo ang ibang papers ma'am medyo marami-rami narin ito" update sa kanya ng PA "ok, bukas padala mo nalang yan sa bahay at doon ko nalang yan asikasuhin, marami pa akong gagawin ngayong araw" "sige ma'am pa padala ko nalang sa driver bukas" "ok" sabay off ng call hmmm... malalim na buntong hininga ang pinapaka walan niya, saka siya nag maniho ng sasakyan at habang nag mamaniho ay may tinawagan ito. "hello, boss" sabi ng tao sa kabilang line "magkita tayo, send ko sayo ang address, yong mga kailangan ko dalhin mo narin . pa punta na ako doon. antayin nalang kita" Instruction ni Faye sa tao na kausap niya sa kabilang line at sabay naman putol ng tawag at nag send siya ng location sa lugar kong saan ito magkikita. habang sa kabilang banda naman sa bahay ng mga Gray ay nagsiyahan ang mag inang Sofia at Stella. hindi parin sila maka paniwala na isang malaking isda na mismo ang lumapit sa kanila "mom, hindi ako maka paniwala na pinuntahan ako ni Mr. Black, parang panaginip lang ang lahat" "kong panaginip ang lahat ay sanay hindi na tayo magising hahaha" biro pa nito sa anak. "pero, tika anak. anong pakay pala ni Mr. Black sayo? at talagang siya mismo ang pumunta sa atin" hindi maka paniwalang tanong nito sa anak. "hyst..mom, hindi talaga ako ang pakay niya, kundi si Faye. napagka malan niya ako ang babae na naikama niya sa hotel 3 years ago" paliwanag nito sa ina. "What? akala ko ba isa sa mga binayaran mong lalaki ang nakasama niya sa hotel ng gabing iyon" tanong nito sa anak "yan rin ang inisip ko mom, bakit mali ang tao na naka sama niya sa gabi na iyon, at ang swerte niya pa ahh, isang Mr. Black pa ang nakasama niya" "hmm..hindi ko talaga ma intindihan yong babaing iyon subrang swerte niya, kahit anong gawin nating masama sa kanya, siya naman ang laging naliligtas" "mom, kong alam ko lang na si Mr,Black pala ang makasama niya sa gabing iyon ehh..di sana ako nalang ang pumasok sa kwarto na iyon" "wag na natin yon isipin nangyari na ang lahat, ang tanging gawin mo lang ay kailangan mong mapa niwala na ikaw ang babae na nakasama niya sa gabing iyon" "mom, Faye is back paano kong magkita sila? anong gagawin ko?" inis na sabi ni stella sa kanyang ina "kung kinailangang mawala siya ulit gagawin ko, nagawa na natin noon. ngayon pa kaya? wagkang mag alala akong bahala" "ok mom, asahan ko yan lahat" "basta ang gawin mo lang ay ang mapa lapit sayo agad ang loob ni Mr. Black." "ako na ang bahala tungkol niyan mom, parang di mo naman ata ako kilala" " By the way anong balak mo sa mga Sandoval?" tanong sa kanya ng kanyang ina "mom, ako narin ang bahala kay Justine. sa ngayon ayaw ko muna siyang hiwalayan, saka na kong makuha ko na ang loob ni Mr. Black." at sisiguraduhin kong mapasakin siya, hindi ko hahayaan na masayang lang sa wala ang mga plano ko. at si Faye, sa kanya ko umpisahan ang lahaat kailangan kong mawala siya ulit sa bansang ito. kong kina kailangang may buhay ang mawala para niyan, ay gagawin ko yan ang nasa isip ngayon ni stella sa kabilang banda naman ay malalim ang iniisip ni Tyron, ni hindi na nga niya narinig ang sinabi sa kanya ni Andrew. "Boss" tawag sa kanya ulit ni Andrew, na mukhang nagpa balik naman sa diwa ng lalaki "yon lang?" tanong nito sa assistant na kina tango lang naman agad ni Andrew. "hmmm.." sabay tango-tango naman ni Tyron, halatang wala sa ganang makipag usap sa ngayon. "ahm, boss. wala ka nabang e uutos sa akin?" tanong naman nito sa kanya ni Andrew, kahit napapansin niyang wala sa mood ang boss nito. "wala na, balik kana sa pinapagawa ko sayo" sabay tutok ulit sa computer nito. umalis nalang si Andrew na may halong pag tataka kong bakit ang boss nito wala sa sarili, simula nong dumating sila sa office nito. habang si Tyron, naman ay walang gana mag trabaho. unang pagkaka taon ito nangyari sa kanya. iniisip nito ang una nilang pagkikita ni Stella. hindi niya alam kong bakit iba ang kanyang naramdaman sa dalaga, 3 years niya itong pinahanap dahil lagi niya itong iniisip ni minsan hindi ito nawala sa isipan niya. pero nong nakita na niya ang dalaga muli ay nag bago ang lahat, parang nawalan siya ng gana na kilalanin pa ito. 3 years ko siyang hinanap at ngayon ng nakita ko siya nawala lahat ang naramdaman ko para sa kanya, siguro sa ngayon tutulongan ko nalang siya sa lahat ng gusto niya kahit anong hilingin niya sa akin, ay ibibigay ko. sa luob ng tatlong taon hindi ko nagawa iyon sa kanya. tatawagan ko nalang si Andrew para pa contact si Dr. Cherry alam kong matagal na pangarap niya iyon, para naman sa pagkaka taong ito maka bawi ako sa ginawa ko sa kanya. malalim na inisip ni Tyron, habang naka sandal ito sa kanyang upoan at naka pikit ang mata "boss " tawag ni Andrew at agad namang namulat si Tyron at umayos na ito sa pag upo "tawagan mo si Dr. Cherry sabihan mong may kailangan tayo sa kanya" "copy boss" saka tumalikod na si Andrew para gagawin na niya ang pinag utos nito sa boss "Andrew" tawag muli ni Tyron bago pa ito lalabas sana ng office niya "boss may kailangan ka?" "sabihan mo kahit magkano basta para pumayag siya na maging mentor ni stella." "ok boss" sabay labas na nito habang sa kabilang banda naman ay na busy si Faye sa pamimili ng mga damit na para sa kanyang tatlong anak. pero wala pa siyang nagustuhan para sa mga bata, at biglaang kumalang ang kanyang tiyan, nagpapa hiwatig na nagutom ito. kaya pumunta muna siya sa kalapit na restaurant, at dahil hindi siya naka tingin sa nilalakaran niya ay may naka bangga siyang tao. "Sorry" pag hingi pa nito ng tawad sa kanyang naka bangga "Faye?" biglang tawag sa kanya ng tao, at agad naman niya itong tiningnan kong sino ito. at nong nakita na niya ay nag iba ang templa ng kanyang hitsura. agad itong umiwas sa lalaki at hindi na ito pinansin. ng papa talikod na sana siya ay bigla itong hinawakan ang kanyang kamay. "Faye, wait." sabi ng lalaki sa kanya "bitawan mo ang kamay ko Mr. Sandoval. nanggiliit na sabi ni Faye, sa lalaki. "S..sorry" pang hingi niya ng pa umanhin sa babae. "anong kailangan mo?" inis na tanong nito muli "kamusta kana?" hindi pinakinggan ng lalaki ang tanong nito "ito, ok na ok. buhay na buhay! ano happy kana?" sabay talikod nito sa lalaki pero hindi parin na tuloy dahil hinawakan na naman itong muli "ano ba Mr. Sandoval?" galit na nasabi ni Faye sa lalaki "hmm, kumain muna tayo, at mag-uusap tayo. pwede ba? " sabi ng lalaki sa kanya na hindi man lang nito binitawan ang kamay niya samantalang si Faye, walang imik itong tiningnan ang lalaki "Fine! pero pwede bang bitawan mo ako? dahil pag makita tayo ng fiancee mo. baka sabihin pa nong nilalandi ko ang fiancee niya." madiin na sabi ni Faye sa lalaki sabay talikod. habang sumunod naman sa kanya ang lalaki papasok sa loob ng restaurant. pag dating nila sa luob agad naman siya nitong pinag hila ng upoan pero sa kabila siya umopo at walang nagawa ang lalaki kundi umopo nalang rin. "waiter.." tawag ni Justine. habang naka tingin ito kat Faye. samantalang si Faye, ay malamig ang pakikitungo sa kanya. parang hangin lang siya na hindi man lang nito sinulyapan kahit saglit. "You've change Faye" sabi nito sa dalaga. "yeah, people change justine" sagot nito habang naka tutok lang ito sa kanyang phone. "mas lalo kang gumanda halos hindi na nga kita makilala" sabi pa nito sa babae. "cut the crap Mr. Sandoval, anong kailangan mo sakin?" malamig na sabi nito "wala na miss lang kita, lalo na ngayon nakita kitang mas lalong gumanda, parang gusto ko rin na araw-araw kitang makikita" sagot nito "ibahin mo ako Mr. Sandoval hindi ako ang tipo sa tao na makipag kita sa mga tulad mo." malamig na sabi ni Faye habang sumobo ito ng kanyang pagkain "hmmm, i know na galit kapa sa akin Faye, pero maipangako ko sayo na babawi ako." sabi nito sa dalaga "no, thanks! " walang nagawa si Justine sa sagot sa kanya ni Faye, hindi niya lubos akalain na ganon nalang ang ibibigay na sagot ni Faye, sa kanya at napa ka lamig ng pakitungo nito sa kanya. "here, it's your favorate Faye." sabay lagay nito sa pinggan ni Faye pero napansin niya na hindi ito kinain ng babae. "Faye, diba Favorate mo yang Beef steak?" tanong nitong muli "noon yon, pero ngayon hindi na." malamig nitong sagot sa lalaki habang busy ito sa pag kain. di nag tagal ay tumayo na si Faye, sa kina upoan nito. "saan ka punta?" pag tatakang tanong ni Justine "uuwi na, at ako na mag babayad sa kinakain natin ngayon, ayaw kong tumanggap ng libre galing sayo." sabay nito talikod habang si Justine ay naiwang naka awang ang kanyang bunganga dahil sa sinabi ni Faye. hindi ito maka paniwala na ganon nalang ang trato sa kanya ng dalaga, na parang hangin nalang siya. kong kinakausap man siya ito ay napaka lamig naman ng pag sasalita niya. huh, ganon nalang iyon pagka tapos ko siyang yayain at kamustahin? ganon nalang pakiki tungo niya sa akin? Faye, alam kong mahal mo parin ako nagpaka hard to get ka lang, pag bibigyan kita sa gusto mo, malabong mabago ka ka agad, samantalang patay na patay ka sa akin noon. Galit na napaisip si Justine dahil hindi ito maka paniwala na kong sino ang taong patay na patay sa kanya noon ay kabaliktaran naman sa ngayon. kong dati masaya ito makikipag usap sa kanya, ngayon ay napaka lamig na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD