Chapter 8

3033 Words
NARARAMDAMAN ko na ang kamay ni Maximo na dumausdos pababa galing sa gilid ng dibdib ko,ipapasok nya sana iyon sa suot kong cover-up ng makarinig kami ng isang malakas na singhap at tikhim dahilan para matulos ako sa kinatatayuan ko at maghiwalay Ang labi naming dalawa. Did someone saw us? “B-bree?”parang nagugulat na tawag ni Madie sa pangalan ko. “S-sir?”si Mara naman. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang inangat ang mukha ko sa lalaking nasa harap ko na malawak ang ngisi. What’s with that face? Masaya ba sya dahil may nakakita sa amin?ahh,ako nga nahihiya na tapos sya naka-ngisi.Ano nalang ang sasabihin ko sa dalawang babae sa likuran ko. “It’s okay baby”nang-aakit nyang bulong. Inirapan ko ito at dahan-dahan na hinarap ang mga gulat Kong kaibigan.”N-naistorbo ba n-namin kayo?”nauutal na tanong ni Madie. “Obviously yes,Madie”si Mara na halata pa din ang gulat sa mukha. “No ladies,nag-uusap lang kami ni Bree”si Maximo ang sumagot dahil kahit anong buka ng bibig ko ay walang lumalabas na salita. “Yieeeeeee!!!”isang matinis at malakas na tili ang narinig namin mula sa likuran ni Mara at Madie dahilan para takpan naming tatlo ang tenga namin at si Maximo naman ay napangiwi,ang mga tao na naman na naglalakad malapit sa Amin ay napatingin sa pwesto namin. “My gosh,Michelle…my eardrums”maarteng sambit ni Madie. “Sorry”hingi nito ng tawad at hinawa sila ni Mara para makadaan sya “teka boss pogi ha?eh kasi nakita namin na naghahalikan kayo…tapos Sabi mo nag-uusap kayo,paano mo ipapakita sa Amin na nag-uusap lang kayo?”walang hiya-hiyang tanong ni Michelle,ang kapal talaga ng mukha! “Kanina pa kami nag-uusap Michelle…the three of you were late to notice that we talk,kaya yung kissing scene lang ang nakita nyo”at wala ding hiya-hiyang sambit ni Maximo dahilan para mamula ang pisngi ko. My gosh!lupa lamunin mo na ako at ‘wag nang ibalik dito kahit kailangan…utang na loob! “Hey,what happened?”biglang sumulpot si Brian sa harap namin at inispeksyon ang mukha ni Michelle, paniguradong narinig nito Ang matinis na tili ni Michelle. Tinabig naman ni Michelle ang mga kamay ni Brian na nakahawak sa pisngi nya at sinamaan ito ng tingin “ang OA mo…”pagtataray nito “doon ka na nga sa babae mo,kanina kinakausap kita hindi mo ako pinapansin…tapos ngayon susulpot ka dito,doon ka na”pagtataboy ni Michelle dahilan para mapanganga kami nila Madie at Mara dahil sa pinagsasabi ni Michelle kay Brian. The Brian Salvador,that very well-known as one of the business devil in business world ay pinagtatabuyan lang ng isang Michelle Sandoval. What the hell is happening in the world?gumugunaw na ba ngayon ang mundo? “Michelle?”nag-aalangang pagtawag ni Madie sa pangalan ni Michelle. “Yeah?”tugon nito. Bumuntong-hininga si Mara “Michelle,kilala mo ba ang pinagtatabuyan mo?”tanong ni Mara na agad namang tinanguan ni Michelle.”Michelle Sandoval,wala kang panama sa isang Brian Salvador.Kaya ‘wag mong ipagtabuyan ang taong nasa harap mo dahil baka may makarinig sayo at ikaw pa ang mapahiya dahil isang kilalang tao Ang nasa harap mo,baka mamaya nasa social media sites ka na at naka-scandal ka na…kaya kung ako sayo,kumilos ka nang-naayon”pagsuway ni Mara sa kanya. “Yeah I know”mataray na sambit ni Michelle at nagmamartsang umalis. Binalingan naman ni Brian si Maximo na naka-ngisi lang at nagkibit-balikat.”I should tell her”iiling-iling na sambit ni Brian kay Maximo at umalis na. “Una na kami”paalam ni Madie at umalis na sila ni Mara. Ako naman ay naiwang tulala at napaigtad lang ako ng maramdaman ko ang labi ni Maximo sa leeg ko at hinahalikan ako doon. “S-sir,ano k-ka ba!”saway ko dito at hinarap sya. Ngumiti naman si Maximo sa akin at hinawakan ang kamay ko “let’s go…punta tayo doon”anyaya nito at inginuso ang isa pang dalampasigan na medyo malayo mula sa kinatatayuan namin. “Ano namang gagawin natin doon?”tanong ko habang naglalakad kami papunta doon. “Basta…may sasabihin lang ako sayo”sagot nito. Sasabihin?ano naman kayang sasabihin nya sa akin?don’t tell me…oh my gosh! Nang makarating kami sa dalampasigan ay umupo kami sa buhanginan,walang masyadong tao dito dahil may multo daw dito.At syempre kaming mga natural na turista at kaibigan ng may-ari ay hindi naniniwala dahil wala naman kaming nabalitaang ganun. “How’s your life after so many years,Bree?”biglang tanong nya dahilan para tignan ko sya sa mga mata nya,akala ko nagbibiro lang sya pero hindi!seryoso sya sa tanong nya. Mapait akong ngumiti at tumingin sa dagat.”I survive”sagot ko “after what happened I still can’t believe that it happened to my life,I always ask my self kung ano ba ang nagawa ko at naging ganun Ang kapalaran ko.Pero I realized something after what happened,na kaya nangyari iyon dahil kailangan kong malaman na hindi pala sapat dumepende ang tao sa isang tao dahil kapag nawala iyong taong pinagdedependihan nya,masasaktan sya.And after that I still survive,kinaya ko… because I’m not just Anabelle Bree Dominguez for nothing,so I decided to live free kahit mahirap”dagdag ko,mahirap mag-open up pero kailangan kong gawin ‘to para mawala na ang sakit. “I’m sorry”biglang sambit ni Maximo para balingan ko sya. Is this real?is he apologizing to me for real? Mapait muli akong ngumiti sa kanya at nakita ko naman na bumalatay Ang sakit sa mata nya ng makita ang ngiti ko “sorry was not enough,Maximo.Hindi mababawi nang salitang sorry ang sakit”mapait Kong sambit at tinuro ko ang puso ko “hanggang ngayon nandito pa din ang sakit,and now I have trust issues dahil sa nangyari.Mahirap nang muling mabalik ang tiwala,alam ko kung gaano kadali manakit ng tiwala pero mahirap nang ibalik iyon.At kahit humingi ka ng sorry ng ilang beses nothing will happen,nagsasayang ka lang oras at panahon”sambit ko at muling tumingin sa dagat,hindi ko sya kayang tignan dahil nasasaktan ako at isa pa nararamdaman ko na din na nagtutubig ang mga mata ko. “Bree?”tawag nya. “Hmm?”tugon ko. Napaigtad ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko pero hindi ko pa rin sya nilingon “I’m sorry if I hurt you”paghingi nya ng tawad. “Nothing will change”sambit ko at hinarap sya. Nakita ko ang sakit sa mga mata nya at mapait syang ngumiti “I know”sambit nya “but I just want to say sorry to you.Alam Kong hindi mo ako mapapatawad agad pero I just do that because I don’t want to hurt you” “You already hurt me,Maximo.Nasaktan mo na ako tapos sasabihin mo sa akin na ginawa mo lang iyon dahil ayaw mo akong masaktan”mapakla akong tumawa “what kind of reason do you have”sambit ko. “Bree,you will never understand my reason.Ginawa ko ang bagay na yun dahil mahal kita,hindi ko kayang masaktan ka kaya ginawa ko iyon” “Stop,walang magbabago…you already hurt me,not once but many times” “Bree,gusto Kong bumawi sayo”sambit nya dahilan para mapamulagat ako. What the hell? “A-ano?”naguguluhang tanong ko. “Bree,after so many years pinag-sisisihan ko ang ginawa ko.And when I saw you again after years ago ang saya ko dahil muli kitang nakita.Sinubukan ko naman eh,nagpakilala ako sa ibang babae pero ikaw pa din ang gusto ko,mahirap paniwalaan pero Bree.Kaya ko sinabi na magpunta tayo dito sa resort nila Kade dahil gusto kitang masolo,gusto Kong humingi ng tawad sayo”sambit nito dahilan para mapatulala ako sa kanya.”Gusto ko ulit maranasan kung paano mapalapit sayo,kung paano makita ang mga ngiti dyan sa labi mo,kung paano makita na maging masaya ka at magkaroon ng emosyon ang mga mata mo at gusto ko din na maranasan muli ang…pagmamahal mo”sambit nya dahilan para mapaluha ako sa hindi malamang dahilan. He want to experience again my love for him? Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili ko,inaamin ko naman na hindi pa din sya nakakalimutan ng puso ko at inaamin ko din sa sarili ko na mahal ko pa sya,pero sapat na ba Yun para maniwala at magtiwala muli sa kanya?dahil hanggang ngayon naman ay hindi ko pa din nakakalimutan ang sakit na pinaranas nya sa akin. He make my life a living hell. “Bree,I want to take you back,gusto Kong bumawi sayo,gusto Kong maranasan muli ang pagmamahal mo.Gusto ko ulit maranasan kung paano mahalin ng isang Bree Dominguez,gusto ko ulit makasama ka,gusto ko maranasan ulit kung paano ka makulong sa mga bisig ko,gusto ko din maranasan ulit ang mga yakap mo kapag uuwi ako sa bahay at sasalubungin mo ako ng isang mahigpit mong yakap at halik,gusto ko ulit makita ang ngiti at tawa mo na ako ang dahilan”emosyonal nyang sambit at hindi nakatakas sa akin ang pagtulo ng isang butil ng luha mula sa mga mata nya.”Bree,hon,please give me a second chance,and I will promise to you that I will never hurt you again.Pinapangako ko iyon sayo Bree,kapag sinaktan muli kita ako mismo ang magsasabi kay Cooper at Dalton na bugbugin ako.Just please Bree,give me a second chance”and now,hearing Maximo’s begging voice I feel like all my madness at him are all gone. “Ewan ko,mahirap nang muling ibalik ang tiwala na nawala Maximo.At Ang hirap mo na din ulit pagkatiwalaan dahil sa nangyari sa atin noon”lakas loob Kong sambit.”And I don’t know kung pinaglalaruan mo lang ba ako,baka isang araw malaman ko nalang na you will just make me fall to you again because of a…bet”nasasaktan kong sambit at sinadya ko pang hinaan ang boses ko sa huling salita na alam ko namang narinig nya. “Bree,I swear I will never hurt you again…just give me a second chance and I will do the rest” “Paano kung ayaw ko?” “Then I will do everything so you can give me a second chance at nangangako ako na hindi na kita muli sasaktan”may kumpinyansang sambit nya. Tumingin ako sa karagatan dahil naguguluhan na ako,hindi ko alam kung ano ba dapat Ang gawin ko,kung ibibigay ko ba sa kanya Yung gusto nya at muli na naman akong susugal o hindi at hindi na ako masasaktan.Pero mahal ko sya,pero sapat na ba yung nararamdaman ko para muli na naman akong sumugal? Bumuntong-hininga ako at pinakatitigan sya sa mga mata “earn my trust again,prove to me that you you will never hurt me again and maybe one day you gain my trust again”matapang kong sambit. Nakita Kong sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi at mahigpit akong niyakap “I will never hurt you again,honey and I will promise that to you.Hindi ko sasayangin ang binigay mong Isa pang pagkakataon”seryosong sambit nya. Pumikit ako at ninamnam ang sarap na hatid ng yakap nya,bahala na.Susugal nalang ulit ako at muling aasa,pero sisiguraduhin ko na sa oras na dumating muli ang oras na masasaktan ako ay hindi na masyadong malala ang sakit na hatid nun sa akin. “BREE,sa amin ka na sumabay”anyaya ni Cooper sa akin,hindi na kasi ang van ang sasakyan namin pauwing Manila.Kaninang tanghali Kasi ay isa-isang nagdatingan ang mga sasakyan nila Cooper at kanya-kanya na kami ng alis. “No need Cooper,sa akin na sasabay si Bree”biglang singit ni Maximo sa likod ko. “At ano na namang plano mo?”si Dalton. “Chill Madrigal,Wala akong balak na masama kay Bree gusto ko lang na ako ang maghatid sa kanya dahil dadaan kami sa company ko para asikasuhin yung isang meeting na naka-schedule ngayon araw”natatawang sambit nito. “Is that true,Bree?”si Cooper. “Yeah, nakalimutan ko na may meeting sya ngayong Linggo”sagot ko at totoo iyon dahil may naka-schedule syang meeting ngayon araw. “But it’s Sunday,walang office ngayon”si Asher. “Yeah right”sang-ayon ni Kye. “Eh Sabi nung ka-meeting nya Sunday lang ang available date”sagot ko sa kanila.”Ganto nalang,ite-text ko nalang kayo kapag nakauwi na ako para hindi kayo mag-alala,okay?”sambit ko sa kanila dahil nasisigurado ko na nag-aalala sila sa akin Lalo na at si Maximo ang kasama ko Isa pa wala din silang tiwala sa kasama ko kahit kaibigan nila ‘to. “Okay”parang napipilitan pang pagpayag ni Dalton at sinamaan ng tingin si Maximo “mapapatay talaga kita Acosta kapag may ginawa kang iba Kay Bree at wala akong pakialam kahit kaibigan pa kita”seryosong pagbabanta ni Dalton dito at ang lamig pa ng boses na para bang handa nang pumatay. “Dalton,stop it”saway ko sa kanya. Nagpaalam na kami sa isa’t isa,ang mga kaibigan ko lang ang hindi ko na nagpaalaman dahil mga tulog na.Si Michelle kay Brian sumabay,si Madie kay Dexton,si Kiara kay Dalton na dapat ay sa Amin sasabay kaya lang ay dadaan pa nga kami sa meeting kaya Kay Dalton nalang sya,si Mara naman ay Kay Kade,si Camilla kay Asher,si Cierra imbes na sa kapatid sumabay ay Kay Kye ito sumabay at si Liyah ay Kay Cooper. “You look sleepyhead,matulog ka muna”puna sa akin ni Maximo ng nasa daan na kami palabas sa probinsya at tinatahak ang Daan papunta sa Manila,at syempre nakasunod kami sa mga kaibigan namin dahil pare-parehas lang naman kami ng lalabas,maghihiwalay lang pagdating sa Manila. “Nope,I’m fine”tanggi ko at muling humikab. “Tsk,c’mon honey I know that your sleepy so sleep and I will just wake you up kapag nakarating tayo sa kompanya” Sa dami ng sinabi nya Isa lang ang napukaw ng atensyon ko.Ang pagtawag nya sa akin ng honey.Ulit.Maximo used honey as his endearment for me before. Lagi nya akong tinatawag na honey kahit noong nililigawan palang nya ako when we are on college,hanggang sa sagutin at maging asawa ko sya ay Yun Ang endearment nya,at ngayon ay tinawag nya ulit akong ganun.Dahilan para lumakas ang t***k ng puso ko. But is this right?handa na ba ako muling umasa at masaktan?pero I gave us a chance,I gave Maximo a chance and he promise to me that he will never break my trust again and he will gain that trust he broke to me. Argh!bahala na.Kung nakatadhana akong ulit masaktan tatanggapin ko nalang para sa susunod matuto na ulit ako. “Maximo?” “Hmm?” “Nilalamig ako”sambit ko sa kanya,dahil bukod sa bukas ang aircon sa loob ng sasakyan nya ay naka-short lang ako at t-shirt.Mamaya nalang Kasi ako magpapalit ng damit pagkarating namin sa opisina,at isa pa si Maximo lang naman ang haharap sa ka-meeting nya kaya hindi ko na kailangan magdamit ng maayos at wala din namang ibang tao sa kompanya maliban sa guard na laging nagbabantay doon. “Ahm,just get the comforter on my bag in backseat.Merong kumot doon”sambit nya na agad Kong tinalima.Bahagya akong dumukwang sa likuran at inabot sa likod ang bag nya “sh*t!”biglang bulaslas nya. “Ayyyy!”tili ko dahil bigla prumeno ang sasakyan nya,buti nalang at hindi ako na subsob dahil nahawakan ko agad ang braso nya.Kinuha ko ang kumot at naiinis na hinarap sya “ano bang problema mo?!”inis kong singhal. Pero nagulat nalang ako ng bigla syang dumukwang at inilapit ang labi sa akin,and once that our lips touch I automatically closed my eyes and answer his sweet and passionate kiss on me. Mahina akong napa-ungol ng ipasok nya ang dila sa loob ng bibig ko at pinaikot iyon sa loob,at ng hindi na kami makahinga pinakawalan na nya ang labi ko.”You taste so sweet,hon”namamaos na sambit nya. Namula Naman ang pisngi ko na nag-iwas ng tingin sa kanya “t-thanks”nauutal na sambit ko.Narinig ko naman syang mahinang natawa,at doon na bumalik ang inis ko sa kanya ulit dahilan para hampasin ko ang braso nya. “Ouch”napaka-arteng daing nya. “Ouch ka riyan,eh muntikan na akong masubsob kanina”singhal ko. “Sorry”hingi nya ng tawad. “Ano bang problema?” “Nothing,nakita ko lang naman ang you know…nung dumukwang ka sa likod”sagot nya na para bang hindi big deal Yun. “You know?ano yun?”naguguluhang tanong ko. “Honey,your delectable ass”walang pag-aalinlangang sagot nya dahilan para mapanganga ako at mamula ng todo-todo ang pisngi. Hinampas ko ang braso nya ng sobrang lakas pero tumawa lang ang loko “ang manyak mo” “Uh-ah,hindi ako manyak”ngisi nya sa akin. “Hindi ka manyak?eh paano mo nakita yun,aber?”mataray kong tanong sa kanya. “Well,tumalikod ka lang naman at dumukwang sa likod at dahil naka-short ka nakita ko”patay malisya na sagot nya. “Ang manyak mo talaga!”naiiritang singhal ko “mag-drive ka na nga baka malate ka pa”sambit ko at tumawa muna sya bago tumalima. “Sleep honey,I’ll just wake you up”utos nya,tumango naman ako at ibinalot ang katawan sa kumot. Humikab ako at pumikit na “good night,Maximo”sambit ko at unti-unti nang nilalamon ng antok. Pero bago ako tuluyang makatulog ay narinig ko syang may sinabi pero hindi ko na iyon naintindihan dahil sa inaantok na ako at isa pa ay napapa-isip pa din ako tungkol sa pinasok Kong gulo,oo gulo ang ginawa Kong pagbibigay ng second chance kay Maximo dahil hindi ko pa alam kung anong kalalabasan ng gulong ‘to. At tsaka isa pa,hindi pa natatapos ang one month na para sa sarili ko pero heto ako at sumusugal na ulit.Pero katulad ng sinabi ko hahayaan ko munang sumugal ako para naman sa susunod ay madadala na ako at hindi na magpapaniwala sa mga matatamis na salitang lumalabas sa bibig ni Maximo o nang iba pang lalaki. And I’m willing to take a risk just to feel what love again,and just to feel Maximo’s love and care.Again
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD