“DEXTON,truth or dare?”ngisi ni Aaliyah dito ng sa kanya unang tumapat ang nguso ng bote.
“Dare”sagot nito.
Mas lalo namang lumapad ang ngisi ni Cierra “Madie,what’s your dare to Dexton?”tanong ni Cierra kay Madeline.
“Oh ‘bat ako?”naguguluhang tanong ni Madeline.
“Kasi yung pwet nang bote sayo nakatutok…yung nguso naman Kay Dexton”sagot ko at tumango naman sya,mukhang nakuha ang ibig Kong sabihin.
“Hindi ba pwedeng iba nalang?”tanong nito.
“You will take a shot of margarita or vodka or tequila”sagot ni Aaliyah.
“Eh ang tataas ng alcoholic percentage ng mga iyan eh”sambit ni Mara.
“Kaya nga,it’s either magbibigay kayo ng dare or truth o iinumin nyo Yung drinks…you can pass but you will drink one of those alcoholic drinks”sambit ni Cierra.
“Okay I’ll give a dare nalang”sambit ni Madeline,mukhang ayaw nyo inumin yung Isa sa mga choices dahil mababa lang ang alcohol tolerance nya.
“Yeah,spill it baby”ngisi ni Dexton dito at binato ko naman sya ng isang chips.
“Sasapakin talaga kita Dexton”sambit ko dito,alam na nya ang ibig Kong sabihin tungkol doon.
“Uhm…”pag-iisip ni Madeline and in one snap of his finger she is now smile widely at Dexton “sumayaw ka”sambit ni Madie.
“It’s easy”ngisi nito.
“Wait…yung sasayawin mo yung careless whisper”dugtong nito dahilan para malaglag Ang panga ni Dexton at kami Naman ay matawa.
“It’s easy bro”ngisi ni Asher dito.
“What the…”sambit ni Dexton.
“What?are you gonna still cussing or you will do the dare…you know you can pass Dexton”ngisi ni Aaliyah dito..
“Fine I’ll do”sambit nito at tumayo na sa gitna,pero ang akala namin na titigas nyang katawan kapag sasayaw ay biglang lumambot.Ngumisi pa sya at dahang-dahang lumapit kay Madie na hindi na maipinta ang mukha dahil sa pamumula sa kahihiyan.
“H-hoy ang l-lapit mo naman b-boss p-pogi”nauutal na sambit ni Madie,napakalapit na Kasi ni Dexton sa kanya habang banayad na sumasayaw.Tuloy hindi namin maiwasang tumawa dahil sa ginagawang kalokohan ni Dexton sa kaibigan ko.
“Hey stop it na…Madie’s face looks like kamatis,she’s blushing”pang-aasar ni Cierra,natatawang tumigil naman si Dexton at bumalik sa kinauupuan,pero bago sya umupo ay kinindatan muna nya si Madie na ikinapula Lalo ng mukha nito.
“Madie,your turn”sambit ni Aaliyah at pinaikot naman ni Madie Ang bote na tumapat ang nguso kay Kade at ang pwetan naman ay kay Aaliyah.Tumawa naman si Aaliyah na sinamaan lang ng tingin ni Kade “hmm…truth or dare?”tanong nito.
“Truth”sagot ni Kade.
“Oh why?”
“Akala ko ba ako Ang pipili Aaliyah”
“Oo nga”
“Then,what’s wrong?”taas-kilay na tanong ni Kade sa kapatid.
“Nothing”sagot nito “I heard from your staffs that you have a wife…is that true?”tanong ni Aaliyah dahilan para matigilan kaming lahat at magsinghapan,nakita ko si Kade na bahagyang sumulyap kay Mara na natahimik at parang estatwa na hindi makagalaw.
What’s wrong with the two of them?
“N-no”nauutal na sagot ni Kade.
“Okay if you say so”sambit ni Aaliyah at pinaikot na ang bote.Pero Hindi pa din maalis sa isip ko ang sinabi ni Aaliyah na may asawa na si Kade,pero tinanggi naman iyon ng isa,sa bagay gwapo sila hindi na kataka-taka kung may ibang babaeng nagpapanggap na asawa ng mga gwapong kumag na mga ito.Pero balik kailangan nya pang sulyapan si Mara na parang sa babae nakadepende Ang isasagot nya.
“Oh Bree,it’s your turn”nabalik sa reyalidad ang isip ko ng marinig Kong nagsalita si Aaliyah.Tinignan ko ang bote at nakatapat na ito sa akin at ang pwetan ay kay Michelle na Ang lapad-lapad ng ngisi.
Mukhang may naisip na namang kalokohan ang bruhang ‘to ah!
“Truth or dare?”si Cierra.
“Dare”sagot ko.
Lalo namang lumapad ang ngisi ni Michelle “okay,pumili ka sa mga lalaking kasama natin na bibigyan mo ng lap dance”sambit nito dahilan para mapanganga ako.
At tulad nalang ng ginagawa naman kapag sinasapian na naman ng walanghiya kaluluwa si Michelle ay sabay-sabay kaming napahampas nila Madie,Kiara at Mara sa noo.”Oh bakit masakit ulo nyo?”ngisi ni Michelle sa Amin.
“Hindi,kami na ang nahiya para sayo”pagtataray ni Mara dito.
“Grave”ngiwi nito.
“Oh ano na?pumili ka na Bree”sambit ni Cierra.
“I think I should drink”sambit ko,ayaw Kong mag-lap dance sa harap nila ‘no kahit ako pa Ang pipili.
“Your alcohol tolerance is low…matataas ang mga alcohol percentage nang mga alak na nasa harap mo”ngisi ni Michelle sa akin,para pa syang nagongon-sensya na dapat gawin ko nalang ang dare.Mga walanghiya talaga ang kaibigan ko!
“It’s fine,it’s just one shot”lakas-loob kong sambit.
“Okay if you want too”sambit ni Michelle at nagkibit-balikat.
Kinuha ko ang baso at nagsalin ng Margarita doon,ilalapit ko palang sa bibig ko ay para na akong maduduwal dahil sa amoy,ang tapang!”Oh you can change your mind,Bree”sambit ni Asher sa akin at ngumisi.
“No”mariing tanggi ko,ipinikit ko ang mga mata ko at iinumin na sana Ang alak ng biglang magsalita si Maximo dahilan para mapamulat ako.
“I’ll take the drink,Bree’s alcohol tolerance is low…baka malasing sya”sambit nito,nakita ko naman kung paano ngumisi si Michelle,Brian,Dexton at Asher.Si Cooper at Dalton Naman ay hindi maipinta Ang mukha, paniguradong naiinis na sila sa akin dahil iinumin ko ang alak,alam Kasi nila na mababa Ang alcohol tolerance ko kaya hangga’t maaari ay hindi nila ako lahat pinapainom ng alak.
“Hmm…no,it’s Bree turn.Don’t act like a superman Kuya Maximo”sambit ni Cierra.
“Enough,I’ll drink this nalang….konti lang naman ‘to”sambit ko at nang maubos Ang laman ng baso ay gumuhit Ang pait sa lalamunan ko dahilan para mapangiwi ako.
“Wow congrats Bree,for the first time nakainom ka din ng alak”sambit ni Dexton.Nang-aasar Ang mokong!
Nakita ko naman si Maximo na ngumiwi dahil sa naging reaksyon ko sa pag-inom ng alak,ayaw nya talaga akong pinaiinom ng alak mula pa noon dahil nga mababa Ang alcohol tolerance ko at isa pa ay ayaw nya akong nalalasing dahil baka daw kung ano pang gawin Kong kalokohan,kahit naman sila Cooper at Dalton ay ganoon din ang ginagawa sa akin noon,kapag sinasama nila ako sa bar kasama ang mga kaibigan nila at si Maximo ay ipapainom lang nila sa akin ay wine o ‘di kaya ay tubig o ‘di kaya ay ipapakain nalang nila sa akin Yung pulutan nila.
Nagpatuloy ang laro namin at syempre nangunguna sa kalokohan sila Aaliyah,Cierra,Michelle,Dexton at Asher parang mga nakawala sa mental ng ilang taon sa sobrang daming kalokohan,hanggang sa mauwi kami sa pag-iinom,sila lang pala dahil hindi nila ako pinapayagan.
“Lasing na sila”sambit ni Kiara ng maubos na ang mga alak na tinungga nila,kaming mga babae ay hindi masyadong lasing dahil konti lang ang nainom,pero ang mga lalaking kasama Naman ay naka-ngudngod na Ang mga mukha sa lamesa sa sobrang kalasingan.
“Uhm…tayo nalang ang maghatid”sambit ni Madie.
“Yeah,right…mukhang mga Wala na silang lakas na tumayo”sambit ni Aaliyah.
“Paano naman Yan tatayo?”si Cierra.
“Aalalayan natin…pero para hindi na tayo pabalik-balik ay tigda-dalawa nalang tayong lahat”sambit ni Aaliyah.
“Sira ka ba Liyah?eh sa lalaki ng mga katawan ng mga yan baka hindi pa tayo nakakaakyat sa cabin eh nahulog na tayo”sambit ni Cierra.
“Tumawag nalang tayo ng guard”sambit ko.
“No…I’ll just talk to the bodyguards that Kuya Kade hired,sila nalang ang magbubuhat sa iba”sambit ni Aaliyah na pare-pareho naming sinang-ayunan,kinuha ni Liyah Ang phone nya at may tinawagan,mga ilang minuto lang ay may pumasok nang mga armadong lalaki.
Ayaw ko man pero si Maximo nalang ang kinuha ko at inalalayan na makalabas ng bar,si Liyah ay si Cooper,si Michelle naman ay si Brian Ang inaalalayan,si Cierra ay kay Kye,si Madie ay si Dexton,si Kiara naman ay si Dalton at si Mara ay si Kade.Si Asher ay ang bodyguard Ang nagbitbit pero nabigla kami ng biglang may pumasok na babae,nakasuot ng putting dress na hapit na hapit sa katawan.
“Excuse me miss,mali ka ata ng pinasukan”untag dito ni Madie.
“Camilla?”parang hindi makapaniwalang tanong ni Aaliyah.
“Uh-huh”maarteng sambit nito.
“My gosh we miss you”sambit ni Cierra at agad itong niyakap pati si Liyah ay ganun din ang ginawa.
“Mabilis makalimot Bree”untag ng babae sa akin.
“Well,Camilla Gomez…”pagtataray ko “nice to meet you…again”ngiti ko dito at niyakap din sya.Camilla is our friend way back on college,kaming apat nila Liyah,Cierra at Camilla ang laging magkakasama noong hindi ko pa nakikilala si Michelle o ‘di kaya kapag wala ito,hindi kilala ni Michelle ang mga kaibigan ko noon dahil bukod sa lagi syang tahimik noon ay laging focus nya ang pag-aaral kaya nga nagtataka ako kung paano nito nakuha ang side nyang Hindi nahihiya.
“Uhm,Camilla…this is my friends,our friends”sambit ko at tinuro si Michelle.”That’s Michelle”pakilala ko dito.
“Yeah I know her,sya Yung madalas mong kasama noon”ngiti nito,tulad ni Cierra at Liyah ay friendly din si Camilla.”Hi,nice to meet you Michelle…I’m Camilla”pakilala nito at nakipag-kamay.
“Nice to meet you too”ngiti ni Michelle dito.
“Camilla,this is Madeline”pakilala ko naman,nag-ngitian silang dalawa at nagkamayan din.”That’s Kiara and Mara”sambit ko at ginawa din nila ang ginawa nung dalawa kanina.
“Yeah I know Mara…sya naman yung laging kasama ni Kuya Kade noon”sambit ni Camilla.Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nya,ibig sabihin magkakilala si Mara at Kade mula pa noon?Iwinaglit ko na lamang ang nasa isip ko at binalingan ang mga lupaypay naming kasama.”What happened to them?”tanong ni Camilla.
“They’re drunk”sagot ni Liyah.
“I’ll help you nalang sa pagbubuhat to them”sambit nito,apaka-arte!pero ayos lang dahil sanay naman kami sa pagiging conyo ni Camilla pati si Liyah ay nagko-conyo din minsan.
“Ahm..Kuya ako nalang ang mag-bring kay Asher”sambit ni Camilla sa bodyguard na may bitbit kay Asher na agad naman nitong ibinigay sa huli.
“Sige Kuya kami nang bahala sa mga mokong na ‘to”sambit ko,tumango naman ang guard at magalang na nagpaalam.Kanya-kanya na kami ng bitbit sa mga kasama naming lasing.Imbes na dalhin sila sa tree house ay sa Cabin nalang dahil baka mahulog pa kami,kanya-kanya kami ng pasok sa mga cabin dahil Isa lang ang kama sa cabin na napili namin dahil ang iba ay puno na.
Pagkapasok ko sa cabin ay agad Kong dineretso si Maximo sa kama at inayos sya sa pagkakahiga “iinom-inom hindi Naman pala kaya”iiling-iling na sambit ko.Pumunta ako sa banyo para kumuha ng pamunas at planggana na lalagyan ng maligamgam na tubig.Nang matapos ako ay tsaka ako lumabas ng banyo at inilagay muna ang maliit na planggana at towel sa side table at tsaka ko umupo sa kama.
Bumuntong-hininga ako at tsaka ko hinawakan ang unang butones ng suot nyang polo,dahan-dahan ko lang ginawa iyon dahil pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako sa ginagawa ko.
Gosh Bree,hindi naman ito Yung first time mong hubaran sya!inis kong sambit sa isip ko.Tama naman,dahil hindi naman ito ang unang beses na hubabaran ko sya,kahit noong kami pa at mag-asawa kapag nalalasing sya ay lagi ko itong ginagawa sa kanya,pero iba na ngayon hindi na kami tapos makikita ko syang topless.
Susme,Anabelle Bree kumalma ka…you will just help him to clean his self after that pwede ka nang umalis!
Napapikit pa ako sandali nang mahubad ko na Ang polo nya at maalis sa katawan nya,hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na hindi pagmasdan ang topless nyang katawan,this is the best body that I ever seen, a perfect body for correction.Ang maskulado nyang dibdib down to his perfect eight-pack abs na halatang alagang-alaga at suki sa gym.I cannot blame woman kung bakit sila nagkakandarapa kay Maximo,sino ba naman ang hindi kung abs palang ay ulam na,kung hindi nga lang siguro gabi ay baka kumuha na ako ng kape at isinawsaw sa pandesal na nasa harap ko.
Goodness Bree,ang halay mo!
Napailing nalang ako at tsaka kinuha ang mga gagamitin ko,inilublob ko ang muna ang towel sa tubig at tsaka pinigaan bago ipunas sa mukha nya pababa sa katawan nya,matapos ko syang punasan ay tsaka naman ako pumunta sa paanan nya para tanggalin ang pantalon nya,pero halos lumuwa ang mata ko ng mahubad ko na ang pantalon nya at bumungad sa akin ang alaga nya na tanging boxer na nalang ang nagtatakip.
That’s why women always want to be with him because of his big buddy!
Paanong hindi ako magugulat eh ito ang unang beses na makita ko ang alaga nya,noong mag-asawa Kasi kami ay he never penetrated me using his their so called ‘friend’.Kaya ngayon ko lang nakita ang alaga nya,at paniguradong malaki sya kahit hindi ko pa nakikita dahil nababalutan pa ito ng boxer na suot nya.
“Hmm…”doon lang bumalik sa realiyadad Ang isip ko nang marinig ko ang mahinang ungol nya.Inayos ko ang kumot na tumatakip sa katawan nya at lumapit sa kanya para muli syang punasan sa mukha at katawan,nang matapos ay muli akong pumasok sa banyo para doon ilagay ang mga ginamit ko at tsaka ako lumabas ng banyo only to see his handsome face that peacefully sleeping.
Maingat akong umupo sa kama at hindi maiwasang mahaplos ang mukha nya gamit ang likod ng palad ko at mapait akong ngumiti dahil muli ko na namang naaalala Ang tungkol sa amin noon.
“You know?...ang tagal ko nang tinatanong sa sarili ko kung minahal mo ba ako noon,kung nagawa mo ba akong mahalin sa loob ng anim na taon”mahinang sambit ko,binitawan ko ang pisngi nya at tsaka ko pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.”Kasi kung ako ang tatanungin mo,I loved you since you court me,and I love from that six years that I’m with you.Ewan ko nga kung anong nakita ko sayo para mahalin kita”sambit ko at mapait na tumawa,alam kong para akong baliw dahil kahit naman magsalita ako ng magsalita ay hindi sya sasagot dahil tulog sya.
But I don’t give a sh*t dahil ito lang ang oras na pwede ko syang makasama ulit,kaya lulubusin ko na,baka sakaling mawala Yung sakit.
“Biruin mo,you’re a well known Casanova in our school tapos nahulog ako sayo na dapat hindi dahil ayaw ko sa mga playboy dahil alam kong sa huli ay sasaktan at iiwanan din nila ako,kaya nga ilag ako sa inyo noon dahil ayaw kong magkaroon ng communication sayo,ayaw Kong mapalapit sayo para tuluyan mahulog Yung puso ko…pero wala akong nagawa eh,nahulog na Yung puso ko siguro kung natuturuan lang ang puso kung sino dapat ang mahalin baka tinuruan ko na Ang puso ko noon na ‘wag mahulog sayo dahil alam kong masasaktan lang ako,pero wala eh nahulog na ako.Tama nga ang kasabihan na ‘hindi mo pwedeng turuan Ang puso mo kung sino ang dapat mong mahalin dahil kusang puso mo Ang pipili nang para sayo’ at ikaw yun,kaya lang masakit ka palang mahalin…sobrang sakit na dahil sa sakit na yun,ako na mismo ang sumuko na dapat ay hindi ako susuko Kasi nangako tayo sa harap ng altar na walang iwanan”humihikbing sambit ko at pinunasan ang mga luhang sunod-sunod na dumadaloy sa pisngi ko.”But when you say that you just make me love you because of a bet,daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sakit, you’re my world Maximo you know that,pero gumuho ang mundo ko nang sabihin mo na pinakasalan mo lang ako at naging girlfriend dahil sa pustahan,alam mo ba kung gaano kasakit Yung ginawa mo?because of all people Maximo ako pa yung niloko mo,ako pa yung sinaktan mo na lubos na nagmamahal sayo,at dahil doon sa pagmamahal na yun… nakalimutan ko nang mahalin yung sarili ko, nakalimutan ko nang magtira ng dignidad sa sarili ko,masyado akong magpalamon sa pagmamahal sayo kaya nawasak ako…you always tell to me that you will not hurt me in any ways pero yun pala sinasaktan mo na ako”dagdag ko pa ang muling pinunasan ang mga luha ko,ang sakit pala balikan ang nakaraan,sobrang sakit na mas gugustuhin ko nalang matapos ito.Hindi ko na kaya Yung sakit.
“But you know what,I told to myself na bibigyan ko ng isang buwan ang sarili ko para makalimot sa lahat nang nangyari at baka kapag nangyari iyon ay tuluyan ko nang makalimutan ang nangyari baka hindi na ako masaktan dahil sobra-sobra na yung sakit na pinaparamdam mo sa akin,hindi ko na kinakaya…pero hindi ako nagsisisi na nakilala at minahal kita dahil ang dami ko ding natutunan mula sayo,na hindi pala dapat ibigay ang buong pagmamahal at tiwala sa isang tao,na kailangan mong magtira para sa sarili mo…para kapag nasaktan ka nang taong iyon ay hindi mo masyadong dadaramdamin para hindi ka masyadong mawasak at masaktan”sambit ko muli at muli na namang pinunasan ang mga luha ko,and I know pakiramdam ko ay kahit papaano ay nabawasan na Ang dinadala ko dahil sa mga sinabi ko sa kanya.I know na hindi nya iyon maririnig pero at least nailabas ko ang problema ko sa kanya kahit tulog sya at walang malay,muli Kong hinaplos ang pisngi nya at pinaka-titigan sya “thank you for coming into my life Maximo because you’re the only guy that I love and you are also the guy who teach me how to do the right love para hindi ka masaktan…salamat dahil dumating ka sa buhay ko…and maybe one year with you is enough para muli kitang makasama at maramdaman kahit hindi mo ako minahal,and I will always love you…pero hindi na iyon tulad noon”mahina Kong sambit at dumukwang para mabilis syang halikan sa labi “I love you”bulong ko sa tenga nya kasabay nun Ang pagpatak ng luha ko at pagtayo ko.
Pipihit na sana ako patalikod pero para akong estatwa na nahinto sa paglalakad dahil sa narinig ko na sinabi nya.
“I’m sorry Bree,I’m sorry for h-hurting you and l-lie to you…I just love you that’s w-why I did that,I’m sorry h-hon,I didn’t mean to h-hurt you but I don’t have any c-choice but to do that…I’m sorry hon…I love you…Bree”