Ito ang 1966 Ducati 250 Mark 1 na kulay red. Luma na ang itsura nito pero nang sumakay si Chance ay nagmukha iyong bago. Kaya naman pala marami ring nagkakandarapa sa lalaking ito dahil talaga namang ibang-iba rin ang dating niya. Kung tutuusin ay wala siyang side ng mukha niya na panget, tapos malakas pa ang sense of humor kaya lalong maraming babaeng umaali-aligid sa kanya. He never dated anyone, yun ang alam ko… kaya hindi ko rin masasabing babaero siya at papalit-palit ng babae, kasi hindi naman niya dini-date ang mga nagpapapansin at bumubuntot-buntot sa kanya, he's not also flirting with them or having s*x with them. He's just friends with them kasi kusa naman siyang nilalapitan ng mga iyon. How did I know all of this? Because of Ashey, dahil wala atang araw na hindi si Chance ang ik

