Hindi ako nakagalaw at para akong pinako sa kinauupuan ko nang makita ko si North na nakangiti habang tulak ang cart na iyon. Malaki ang ngiti ni Hillary dahil sa pagtulong sa kanya ni North. Nakita ko ang mapanuring tingin ni Manang sa rear view mirror, hindi siya nagsalita at lumabas na lang ulit ng sasakyan para tulungan si Hillary. Halos hindi ako makalunok habang itinuturo ako ni Hillary kay North gamit ang tingin niya. Tumango lang si North kay Hillary at nanatiling nakatingin. Panay ang tango niya sa kung ano ang sinasabi ni Hillary sa kanya. Because of the adrenaline rush ay mabilis akong lumabas ng kotse, parang tumalon pa nga ako sa sobrang bilis. Kaagad kaming nagpanagpo ng tingin ni North, pero iniwas kong muli iyon dahil ayokong may makahalata. Pakiramdam ko ba sa bawat s

