Nagising ako sa mahinang haplos ng liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana. Ang init ng katawan ni Karius sa tabi ko ay sapat na para makalimutan ko ang lahat ng gulo, pero ang seryosong mukha niya habang nakatingin sa kisame ang nagsabi sa akin na tapos na ang panandaliang katahimikan. “Mag-impake ka na, Sebrina,” bulong niya, ang boses ay mababa at puno ng awtoridad. “Babalik tayo sa penthouse. Ngayon din.” “Bakit? Gabi na, Karius,” sagot ko na tila nakalimutan kong sa gabi nga pala umiikot ang mundo niya—namin. “Akala ko—” “Hindi ko na tiyak ang seguridad mo rito sa mansyon,” putol niya sa akin sabay bangon. “Masyadong maraming butas. Sa penthouse, kontrolado ko ang bawat hiningang pumapasok at lumalabas.” Alas-otso na ng gabi nang marating namin ang Montero Prime Tower. Pero lakin

