Hingal na hingal at puno ng lagkit ng pawis, nanatili kaming nakahiga sa gitna ng nagulong kama. Tatlong rounds. Tatlong beses naming winasak ang isa’t isa hanggang sa wala nang matira kundi ang tunog ng aming paghinga. Pero sa kabila ng pagod, may kakaibang kuryenteng dumadaloy sa amin. Tipong kahit lupaypay na ang katawan mo, ayaw mo pa ring bumitaw. “Tara. Puntahan natin si Benji,” bulong niya. Yung boses niya, paos pa rin, bakas ang init ng mga ginawa namin kanina. “Nangako ako sa kanyang babantayan ko siya.” Tumango ako nang may ngiti sa aking labi. Sabay kaming tumayo para magbihis. Habang nagbibihis si Karius, hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Hindi ko napansin na nakatingin na rin pala siya sa akin. “Baka matunaw ako, Sebrina,” pang-aasar niya. Hinampas ko siya sa balikat. “

