Sofia's _POV_
Nakaupo lang ako sa table na mahaba, at nakalatag narin yong pagkain at saka may plato at kutsara na din sa harap ko, samantalang yong limang lalaki nakatingin saakin.
"So ano bang pakay mo kay Arch bishop Jonathan?" Tanong ng naka eye glass na lalaki, na yun pala yong sumalo sa kamatayan ko kanina.
" ang totoo nyan, apo ako ni father jonathan at—
Hindi kopa natapos ang sasabihin ng bigla nalang sila nagulat bigla, ang OA nyo naman!
"Seriously?" Tanong ni mr. eye glass
"Oo ayaw nyo bang maniwala sakin?" Sabi ko sa kanila habang nagsusukwit na ng kanin.
" but, Arch bishop Jonathan never tell us about his life, and why he had grandchildren?" Nagtatakang tanong ng messy haired guy.Haysst dyos ko! Ako tuloy tong nagtataka sa kanila!
" wag ka ngang mag English di kita maintindihan!" Inis ko sa kanya habang lamon na sa inis.
"Let me!" Singit naman ng isa pang lalaking black na black yong buhok, at kumikinang-kinang pa, pwede bang isanla yan? Magkano kaya ang makukuha kong Pera?
" sabihin mo samin yong totoo about Arch bishop Jonathan? " nagmamadaling tanong nya.
"Ba't ba ganyan kayo magtanong?"nagtatakang Tanong ko. Bigla naman silang nabitinan sa tinanong ko.
" miss hindi mo ba alam na bawal magasawa yong pari, kasi labag na yon sa batas, kahit matagal na, its still the rule"pageexplain ni browned haired.Nagtaka ako ng kunti, bawal pala yon?
" ganon pala yon?" Sabay subo sa fried chicken.
" there is only one answer, Arch bishop Jonathan don't want to let it know,especially to us"sabi ni Mr.eye glass.
"Wait maybe he has a reason, kaya wag natin syang pakialaman" black haired guy.
"Kaya pala ayw nyang magkwento tungkol sa buhay nya"
" seryoso kaba talagang apo ka nya?"Sabay-sabay nilang tanong
" Oo nga ang Kulit nyo naman!" Inis ko,
At sabay uminom ng juice na inihanda para sakin.
"Pwede bang pakainin nyo muna ako kanina pa kasi ako nagugutom"reklamo ko sa kanila.
"Wait miss, kung ganon matagal na palang may asawa si arch bishop Jonathan?" Tanong ng black haired guy.
"Oo yong hindi pa sya nagpapari, pero matagal ng patay yong mama ko" pagpapaliwanag ko at bigla silang nagtinginang sabay-sabay, kaloka talaga ang mga toh!
"Ano bang—
Napahinto yong naka eye glass nalalaki ng bigla silang nakarinig ng ubo sa labas, at— PUNYEMAS!
Kinaladkad nila ako bigla kahit di pa ako tapos kumain samnatalang mabilis nilang niligpit yong mga pagkain.
"Hoy ano—
Hindi kona naituloy ang sasabihin ko ng bigla nilang takpin yong bibig ko, at dinala nila ako sa labas.
" miss there is no time, just pretend na wala kaming nalalaman" mabilis nyang sabi.
"Huh"
"Just back from the start!"naiinis na sigaw nya at nagmadali na silang pumasok sa loob.
TANG*NA NYO NAMAN!
Hindi ko talaga sila maintindihan, para silang mga sira ulo, mga hinayupak, matapos kaninang pagkamalan nilang nagaapply ka janitor dito sa simbahan tapos ngayon kinaladkad nila ako, dapat hindi nalang nila ako hinandaan ng pagkain kung bigla naman nilang gagawin yon, nakakainis!
Narinig ko sa loob ang boses ni lolo, kaya agad akong pumasok, bahala na kong trespassing, basta makita kulang si lolo.
"lo!" sigaw nung nakita kona sya, agad akong lumapit sa kanya.
"Mano po lolo" sabay napa ngiti.
"Kararating mo palang?"
Tumingin saakin yong limang lalaki at tila may senesenyas sila saakin.
" ahhh... Opo lo" sagot ko.napahinga naman yong lima, para talaga silang mga ulupong.
" eto pala si sofia pamangkin ko"
WAIT! PAMANGKIN?
Tama ba yong nadinig ko?Hindi nalang ako kumibo pa sa sinabi ni lolo, pamangkin daw? Ibig sabihin nun totoo ang sinasabi ng limang toh? Hayyst bahala na, basta BAHALA na ang magliligtas saakin.
"Ohh sofia, hindi sila mga ordinaryong tao katulad mo" sabi ni lolo saakin na nagpataas ng kilay ko, grabehh mabiro!
" silang lima ay mga aspiring semenarians dito, at nandito sila sa cathedral dahil may mission sila, kaya rumispeto ka" tugon ni lolo, napatingin ako sa limang toh, at parang hindi makapaniwala na WALA TALAGA AKONG NAINTINDIHAN SA SINASABI NI LOLO! HAYYST JUS ME TONG UTAK KO!