Sofia's _POV_
Nakaupo ako kasama yong lima, naguguluhan ngalang ako sa kung anong pabor ang sinasabi ni mr.eye glass.
Nakaupo lang ako, kahit nagugutom na, kumikinang-kinang yong mga mata ko kanina pa , kaharap ko lang kasi yong mga pagkain, hindi sila gaanong kalayo sakto lang na matatanaw ko. Kaya madaling makaamoy yong bulate ko. Madami ang pagkain, pero parang di ata ako makakadami, marami kasing mga bisita, halos mapuno lahat.
"Good day everyone!" Sigaw ng host na nasa harap habang nakahawak ng mic " ngayong araw ating ipagdiriwang ang 61th birthday ng ating pinakamamahal na pari dito sa St. Paul cathedral! Let us all welcome!" Sigaw nya "arch bishop Jonathan!" Sabay sa paglabas ni lolo habang nakangiti. Natural naman na ngingiti sya, kaarawan nya ngayon ehh.
Madami ang pumalakpak kaya pumalakpak narin ako, syempre lolo ko sya.
"Yeahhh!" Sigaw ng katabi ko habang pumapalakpak, feel ko si ethan ata to."woohh!" sigaw nya ulit at tinakpan ka agad yong bibig nya ng katabi nya.
"Will you shut up!"
"Before that, let's hear the message one of our aspiring seminarist!" Host.
Tumayo si Mr.eye glass sa inuupuan nya. at parang confident pa tapos pagakyat nya bigas at dilata pala ang ibibigay.
"Go bro!"
" let us all welcome our future seminarian! bro. Bernard chavez!" Sigaw ng host, yong sigaw palang mala celebrity ang dating.Bernard Chavez? Taray ng pangalan ha!
" Great Priest and a great man! Your name comes up in our family gatherings many times-you have always been an inspiration for us!As we celebrate your birthday, I give thanks to God for placing you in our life,thank u and Happy birthday arch"
Nagpalakpakan kami sa simpleng mensahe nya, nakakatouch naman kahit wala akong naintindihan, puro kasi English ang mumalabas sa mga bunganga nila.
"Nice one bro!" Sabi ni ethan sabay pa nyang tinapik sa balikat.tumingin saakin si bernard kung tawagin at bigla akong kinindatan.
KADIRI! ANG P*TA!
Pinandilatan ko sya ng mata at umiwas ng tingin, may something talaga sa kanya, ganyan ba talaga ang ugali ng magpapari?
***********
Ilang oras lang ang inabot at natapos na ang mga messages, subrang dami kasi ang nagmessage sa kanya yong iba nga umiiyak pa, ano yon burol? Hindi naman siguro patay si lolo? Ang OOA! Dyos ko!
Sumunod na yong kainan, at marami na ang nakapila,sayang di ko sila naunahan, para presko at marami ang makukuha ko.
Napatayo ako para pumila ng biglang natisod ako dahil sa suot kong heel's, at napatumba ako sa kabilang upuan, anak ng tipaklong! di ko ngalang alam na don pala nakaupo si bernard kaya don ako napatumba sa kanya.
Napatumba akong mala bride sa kanya, habang hawak nya yong hawak ko.
SH*T!
Nagtinginan kaming dalawa, yong as in na eye contact.samantalang yong apat, blangko ang mukhang nakatingin saamin,agad akong tumayo at inayos ang sarili ko.
"yieeeee" asar ni ethan habang nakalokoloko ang mukha.
Sa itsura nya gusto konang isampal yong pinggan sa pagmumukha nya.
"Sira!" Inis ko naman sakanya, pero itong si bernard patawatawa lang, siraulo talaga! Parang hindi mga aspiring parang immature! Mga immature seminarians!
"Next time kasi don't wear heels, kung ayaw mong maulit yong nangyari" sabi ni bernard na may halo pang pangaasar,at nagtawanan silang lima.
"Ehh kung isubo ko kaya tong tinidor sa bunganga mo?" Banta ko sa kanya habang nakahawak ng tinidor.
Naku! Kung hindi tayo nandito, malilintikan talaga kayo saakin!