RACHEL Lumapit ako sa kama para muling sipatin ang bed sheet. Wala ngang dugo! Mula sa kung saan ay kinabahan ako. Napatingin ako kay Dylan habang nagtatanong ang isip ko. H-Hindi ako virgin? Nakita kong naningkit ang mga mata ni Dylan. "I thought you're a virgin?" "I-I am!" bigla ay naging exaggerated ang pagsagot ko sa kanya. "Naramdaman mo naman hindi ba? Nakita mo naman kung paano ako umiyak sa sakit." Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko na tumutulo na pala ang luha ko. "H-Hey! Why are you crying?" tanong ni Dylan at lumapit sa akin at saka niyakap ako. "Kasi iba 'yong mga tingin mo eh. Akala mo siguro nagsisinungaling ako," wika ko sa pagitan ng pagluha. "Ssshhh... hindi 'yon ganoon. Nagtaka lang ako at walang ibang ibig sabihin 'yon." Pinunasan ni Dylan ang luha k

