DYLAN "Masaya ako na pumunta ka dito, Dylan. Thank you. Hindi mo parin talaga ako kayang tiisin," masayang sabi ni Amanda. Lumapit siya sa akin at saka niyakap ako nang mahigpit. I didn't hugged her back. Hanggang ngayon kasi iisang emosyon parin ang nararamdaman ko sa kanya: Pagtataka. Hinawakan niya ang mukha ko habang pinagkatitigan ako. Umiwas ako ng tingin. Nakita ko mula sa balkonahe ng bahay niya ang isang lamesa na nadedekorasyonan ng mga rosas. May mga kandila na nakasindi doon. Parang isang romantic date ang iniisip ni Amanda na mangyari sa aming dalawa. "I missed you so much, Dylan... so much." she whispered. Tinitigan ko ang mga mata niya. Unti-unting lumamlam iyon kasunod nang unti-unti niyang pagpinto ng pagitan naming dalawa. Kumunot ang noo ko lalo na nang pumikit

