MIGZ
"Achhooo!" napapiksi kaming dalawa ni Cali ng marinig siyang bumahing, pagkatapos ay sinundan ito nang nakakahawang tawa ni Cali.
Kinusot niya ang kaniyang ilong saka mahinang natawa.
"Number nga!" utos nito sa'kin habang salubong ang dalawang kilay.
"Shicks!" sigaw ni Cali, nakataas pa ang dalawang kamay nito, letting us know that she knows what number six is.
"Hmmmm.. a,b,c,d,e,f— F?" takang tanong nito. "Sinong F?"
Franco
"Aachhoooo!" bahing na naman niya, which made me laugh. Ang pula na ng ilong niya and her eyes are already watering. "Kase naman e!"
"One!" sigaw na naman ni Cali, nakataas na ere ang isang kamay nito kasama ang isang daliri.
"A?"
Alexis
Franco Alexis
"Dapat siguro turuan ko na si Cali ng iba pang letters ng alphabet.." nakangiti niya lang na sabi habang sumisinghot ng sipon. Napailing ako habang inaabutan siya ng tubig.
"At naniniwala ka rin pala sa mga pamahiin na 'yan" puna ko. She sheepishly smiled and put a peace sign. Napailing na lang ako, "Umakyat na kayo ni Cali sa kwarto and prepare to sleep, it'll be a long day for the both of you" tumango siya.
" What does my baby want to do?" magiliw niyang tanong kay Cali. Cali stood up on her chair carefully. Pinagsaklop niya ang kaniyang kamay at tila hinigaan ito.
"Cali shleep.." mahinang bulong nito na lalong nagpatawa sa'ming dalawa, "Because shleep ish life!" sigaw nito.
Right. Cali loves to sleep. Kinarga na si Cali ng kaniyang Mommy, panay pa rin ang kwentuhan nilang dalawa hanggang sa mawala ang kanilang mga boses sa aking pandinig. Naiwan ako sa lamesa na walang kasama, iniligpit ko na rin ang pinagkainan naming tatlo.
After the dishes, agad akong umakyat sa kwarto ni Cali to see her sleeping. Nakakainggit, ang bilis niyang makatulog. Sana lahat. Napukaw ang aking atensyon ng kaniyang ina na kumapit na sa aking braso, she has this loving smile on her face.
"Pahinga ka na rin…" she said, tiningnan ko pang muli si Cali.
"Ready ka na ba for this week?" tanong ko sa kaniya.
"We've been here for a week, I think that helped me and Cali adjust to the environment... Besides, Adam has been bugging me to show up already" ipinatong ko ang aking braso sa kaniyang balikat and pulled her closer to me. "Do you think I can do it?" tila kinakabahan na tanong nito.
"Are you kidding me?" natatawang tanong ko sa kaniya. "Krisz Alfonso can do anything... that's for sure" ngumuso lamang ito sa'kin "And you've been managing some branches in the US and it's been a success, what's the difference?"
"Yung mga tao dito, the culture here is different from the US" ungot niya saka tuluyan nang yumakap sa'kin, she's a lot different compared to who she is when I last saw her, she was confident and brave back then "—At saka hindi ko pa nakikita sina Tita Avery at Tito Max, inililihim mo na ba kami sa kanila?" shoot.
"Honey, alam mong hindi totoo 'yan diba?" I kissed her forehead and hugged her. "... It's gonna be a surprise for them kaya nandito pa rin tayo sa condo nina Cali, pero ipinapaayos ko na ang kwarto ko doon para sa ating tatlo"
"Talaga?"
"Talagang-talaga.." mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa'kin. As I looked at her back, habang paalis, hindi ko mapigilan ang hindi ma-guilty.
Dalawang taon. Dalawang taon ko na silang kasama. Dalawang taon na nilang pinaniniwalaan na pamilya kaming tatlo.
Pumunta muna ako sa sala namin and took one bottle of wine out before starting at the blank space in my condo. Babalik na kami, what's gonna happen? My eyes settled on our family picture.
Then guilt instantly crept inside me.
Naputol ang pag-iisip ko nang umilaw ang aking cellphone. ADAM CRISOSTOMO appeared on the caller ID.
"This is Migz"
"Kumusta sina Krisz at Cali?"
"Grabe, ako hindi mo man lang kukumustahin?"
"f**k you, Bustamante"
"Lul, di tayo talo" sumandal ako sa sofa saka tumingala, "They're already sleeping... matutulog na rin sana ako kaso tumawag ka"
"Anyway, I'll see your Father and Brother tomorrow. May ihahabilin ka ba?" umiling ako na parang bang nakikita niya "I've heard your Brother doesn't want to hand over CAA"
"He won't have any choice. Not unless ilaban niya ng patayan 'yon" confident kong sabi.
"That's not what I heard from my people there, they say that your Brother is already a monster in the business field and won't give it away easily. But whatever, it's already been decided. Karararting ko lang din ng Manila but I will stay in our house, ipinalinis ko na 'yon. I'll see you at the press conference"
I'm sure na papayag si Lex kapag nalaman niya kung sino ang kukuha sa CAA. Heck, baka nga ialay niya pa ang buhay para sa taong 'yon. That's how he is when it comes to her.
Muntik ko nang maubos ang isang bote ng wine kung hindi pa umiyak si Cali at magising si Krisz na wala ako sa tabi nilang dalawa. As usual, sinalubong na naman ako ng mga matalim niyang mata.
Isasauli kita, but I will put up a good fight. For sure, mas mahihirapan siya ngayon.
ALEXIS
Inayos ko ang aking necktie, just in time Banjo knocked on my door.
"Sir, nasa board room na po ang ilan sa board members" hindi ko siya pinansin, naglakad ako palabas and went inside the board room.
The noise from everyone immediately stopped upon acknowledgment of my presence.
Naupo ako sa bakanteng upuan sa may kanan. Ilang minuto pa at pumasok na rin si Daddy and when he saw that we were all complete, pumwesto ito sa pinakaunahan.
"As we all know, today will be the official turnover of CAA to its rightful owner" my jaw tightened at kumuyom ang aking kamao, hindi ako papayag na mawala na lang basta sa'min ang CAA, "A few years ago, I promised to someone important to me that I'll take care of all his belongings, that includes CAA. I promised to return it back to it's rightful owner, and now is the time"
Kinakabahan ako. Sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko, I gulped.
Sino? Sino?
"Let me introduce to you, the new owner of CAA, Mr. Adam Levi Crisostomo" pumasok ang isang lalaki na halos hindi nalalayo ang edad sa'kin, chills run down my spine as I stared at the person beside my Father.
What the f**k?! I-is he a replica of Tito Albert?! Napaayos ako ng upo. Maging ang mga matagal na naming stock holders ay napaayos din ng upo.
"I hope everyone has a good morning, I am Adam Levi Crisostomo, but please call me Adam" even his speaking voice is the same as what I can remember from Tito Albert. Tangina. "I am originally residing in America, pero matagal ko nang alam ang tungkol sa CAA, my parents won't let me handle this, but when I was able to create my own name in the business world, they allowed me to come here"
Tumalim ang aking tingin sa kaniya, patawarin ako ng ala-ala ni Tito Albert.
"Why show up now? CAA is running smoothly, even soaring high when it was placed in my wing" I asked. Dapat noon pa nila kinuha ang CAA, sana nagkaroon ng pamilya si Lexy!
Binigyan niya ako ng isang interesanteng tingin, na para bang ako lamang ang hinihintay niyang sumagot.
"My older brother, Albert, married Calliope Alfonso, a family competitor. Nagalit ang mga magulang namin and decided to disown Kuya Albert kaya naman kahit na nalaman nilang namatay si Kuya, nakuntento na sila ng malaman na hawak ng mga Bustamante ang business" huminga ito ng malalim bago humalukipkip "I know how harsh that may sound, but, that's who they are"
"He's Franco Alexis, by the way. My youngest, who's now helping me handle every business" Dad introduced me. I stood up and offered my hand for a handshake.
Kinuha niya ito, "Of course, the infamous Franco Alexis who was, is and still able to burn all possible competitor down" mahina itong natawa "Mabuti na lang at ikaw ang humawak ng CAA, nasaan na lang kaya kami kung isa kami sa mga kakumpitensiya mo sa business?"
"CAA is a treasure to me, hinding-hindi ko hahayaan na bumagsak ito" madiin kong saad.
"Of course, kaya mahirap pakawalan diba?" nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya "Isn't it? Kapag may mga bagay tayong pinapahalagahan, tapos kukunin na satin, ang hirap bitawan"
"As a Businessman, I want to make sure that CAA will be taken care of. Hindi lang naman oras at pera ang ipinuhunan namin ng pamilya ko dito"
Mas lalong lumapad ang ngiti nito. Is he mocking me? Is he making fun of me?
"I am fully aware of that, Mr. Bustamante. Anyway, I believe the press conference will happen the next night? Hindi naman ako mag-isa sa pagpapatakbo ng CAA. I have several established companies in this region that require attention too. I believe that with your help, we will prosper" hindi raw siya mag-isa, sinong kasama niya? Wife probably?
We toured Adam in the building and had several meetings within the day. Tomorrow is another f*****g day. Mabuti na lamang at nagyaya sina Yuan na tumambay sa club house nila.
"Seryoso?!" gulat na sigaw ni Sandro. Even Yuan cannot believe what I said.
"Dead serious, man" sagot ko habang inaalala ang mga pangyayari kanina sa office.
"Tangina. Baka maihi ako kapag nakita ko sa presscon 'yang Adam na 'yan! Kamukha ni Tito Albert?!" naiiling na sabi ni Benedict "Teka, Lex, baka naman—"
Alam ko ang itatanong niya, my guard totally went up. Posible nga kaya? Kasama niya nga kaya si Lexy?
"Hindi ko alam. May sinabi siyang kasama niya bukas... ewan ko" napahilamos na lang ako sa aking mukha.
"Shet, kinakabahan ako. Pustahan tayo magpapakita si Tine bukas" ika ni Troy, "—Iba ang kaba ko, Man, sa tingin ko talaga kasama niya si Tine. Sinong pupusta?" ulit na naman nito.
"Sige, 1 million kapag nandiyan si Tine" pumalakpak pa si Sandro at inilahad ang mga kamay na para bang naniningil. "Kapag wala, I'll pay each a million. May tiwala ako sa hunch ni Troy, ilang beses na akong iniligtas ng hunch nito" sabay tapik sa balikat ni Troy.
"Tch. 1 million? Call!" sang-ayon nina Yuan, Benedict at Troy. Tiningnan pa nila ako and Sandro even wiggled his eyebrows.
"Okay, fine... But I have to add something to that.." nagkatinginan silang apat sa sinabi ko.
If it's true that she's gonna show up tomorrow, then that's it. I'm gonna have to do all my best to get her back.
KRISZ
"Honey, calm down" naramdaman ko ang marahang pagmasahe ni Migz sa aking balikat. Kahit paano ay naibsan ang kaba ko.
"You're not required to speak there, aalis din naman agad tayo nina Cali, and what do I always say to you?" itinaas ni Migz ang baba ko at pinatingin ako sa mga mata niya.
His eyes. Hindi ko alam kung bakit, pero kapag tumitingin ako sa mga mata ni Migz, parang may kulang. May ibang kislap akong hinahanap.
His eyes look familiar, pero parang hindi naman ganito ang mata niya noon. I don't know if it's because of stress or whatever. O ibang mata ang nakikita ko sa kaniya? Pero sino? Sino ang hinahanap ko sa katauhan niya?
I felt Migz nudge my hand kaya nagbalik ako sa kasalukuyan.
"E-everything will be okay" he smiled and held my hands. Tiningnan ko muna ang anak naming si Cali na mahimbing na naman ang tulog kasama ng yaya niya.
Kanina pa kami nandito sa hotel na pagdadausan ng press conference, hindi sana sasama si Cali, but when she saw me getting ready and about to leave, nagwala na ito at gustong sumama sa amin ni Migz. Mabuti na lamang at pumasok ang Yaya niya today kahit na off nito.
Humakbang pa akong palapit kay Cali to kiss her good night.
"I love you, baby. Babalik agad si Mommy"
"Wag po kayong mag-alala, Ate Krisz, tatawagan ko po kayong dalawa ni Sir Migz kapag magising si Cali. Kaso mukhang napagod po siya sa paglalaro kanina kaya bagsak talaga" assurance sa'kin ni Tessa. "Sige na po, baka hinihintay na kayo ni Sir Adam"
"Salamat, Tessa. Please keep me updated about Cali, ha?" tumango naman ito. Palabas na sana kami ni Migz ng may kumatok, pumasok ang isa ata sa mga organizer.
"Ma'am, Sir, pinapatawag na po kayo ni Sir Adam. Malapit na pong matapos ang speech ni Sir Maximus at susunod na po siya" inilahad ni Migz ang kaniyang kamay which I immediately took and squeezed.
The organizer named Justin guide us hanggang sa makarating kami sa likod ng isang improvised na stage.
Madilim ang paligid kaya naman halos buhatin na ako ni Migz dahil sa pag-iingat namin sa paglalakad. Maingat na nakapulupot ang kaniyang kamay sa aking likod at bewang. Wala halos nakapansin sa aming pagdating sa stage.
"It has been a great honor and I will be forever gratified that CAA is handled by the Bustamante's. They have been a great help, may it be financial, emotional support, almost all" nagsasalita na sa stage si Adam. Looking at him right now, hindi ko mapigilan ang kilabutan.
Para siyang si Daddy noong nabubuhay pa ito. If it wasn't for the accident, malamang—
"Hon, are you okay?" napansin kong nakatitig sa aking mukha si Migz, nag-aalala.
"Yeah. Hindi ko lang maiwasan na maalala si Daddy lalo na sa mga ganitong panahon, lalo na kapag nakikita ko si Adam. Kamukhang-kamukha niya kase si Dad, kaboses pa"
"Of course, he's your father's younger brother, natural lang na magkamukha sila"
Nagising na lamang ako sa isang kwarto sa US kasama si Adam. Sabi Niya ay magkasama kami sa bahay kasama sina Lola at Lolo. Halos ilang taon lang din ang tanda niya sa'kin kaya ayaw niyang magpatawag ng 'Uncle Adam'.
"What I can do is to continue the legacy my brother left, to take care of my employees and let them take care of the business with my guide. Of course, hindi naman ako mag-iisa sa goal na ito" sinenyasan kami ng isa pang organizer na aakyat na raw kami. "Kasama ko kayong lahat, at may isa pa akong kasama who has the same goal as mine, everyone, may I introduce to you, the heir of CAA. None other than Krisz Alfonso!"
Tiningnan ko si Migz at nginitian, it's about time. Naglakad kaming dalawa palapit kay Adam, sandali pa akong napahinto dahil sa spot light na tumama sa'min.
"Well, I think some of you know her as Celestine Crisostomo. But only a few know that her real name is Krisz Celestine Alfonso—Crisostomo. Of course, she's with the eldest of the Bustamante's, Vince Miguel Bustamante."
Pumailanlang ang masaganang palakpakan sa crowd. I smiled like I always do in some of the press conferences that I have attended. Surprisingly, Adam handed me his microphone. Pinanlakihan ko pa siya ng mata sa ginawa.
But since I don't have a choice, ayaw ko din naman siyang ipahiya. Kinuha ko na ito.
"Good evening, everyone! It is nice to be back here after so many years of spending time in the US. Rest assured that me and Adam, together with the whole management, will do our best to make CAA work and prosper. I look forward to working with you all."
Agad kong iniabot kay Adam ang mic. He also took my hand to put some wine in it. Itinaas niya ang kaniyang hawak na kopita to start a toast.
Kagaya ng pangako ni Adam, sandali lang kaming nanatili sa stage. Dapat ay aalis na sana kami ni Migz kaso nga lang, tinawag naman siya ng isa sa mga investors, he had no choice but to leave me for a while. Mag-isa lamang akong nakaupo sa may madilim na sulok.
Ayokong makihaalubilo sa kahit na sino dahil wala naman akong kilala. Patuloy lamang ako sa pagsimsim ng wine ng may isang lalaki ang lumitaw sa aking harap. Napakalaki ng ngiti nito sa labi. Papasa nang commercial model ng isang toothpaste. Molar to molar ang smile.
"Tine!" Wait. Napalingon ako sa aking paligid. Ako ba ang tinatawag niya? Lumapit pa ito sa'kin at bigla na lamang akong ikinulong sa kaniyang yakap. Agad naman akong nagpumiglas na ikinagulat nito.
"Sandali lang Mister!" asik ko sa kaniya, napaatras ako at inayos ang aking pustura "Do you know how rude it is to hug someone that you don't know?" napaawang ang mapula nitong labi sa sinabi ko.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa ng may pagtataka. Umawang ang kaniyang labi na parang may sasabihin ngunit natawa lamang ito na parang hindi makapaniwala.
"What the f**k are you saying, Tine? Anong someone you don't know?" inilahad nito ang mga braso na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko "It's me! C'mon!" kung kanina ay madilim at hindi ko maaninag gaano ang kaniyang mukha, since nakapag-adjust na ang mata ko, I can see him better now.
Teka, para ngang naaalala ko ang isang 'to. Itinuro ko siya gamit ang aking hintuturo.
"Wait, I think I know you" sandali pa akong nag-isip saka malakas na napapalatak. Of course I know him! "Troy? Troy Mercedes?"
"Yes Ma'am! The one, the only” tuwang-tuwa na sabi naman nito.
"Seryoso? Ikaw na si Troy?" gulat na tanong ko "OMG! Ang tangkad mo na, at ang gwapo mo pa! Parang kailan lang naglalaro pa tayo nung elementary diba?" ang kaniyang nakangiting mukha ay unti-unting napalitan ng pagtataka "Kumusta ka na? Ilang taon din tayong hindi nagkita a!" Napakamot ito sa batok at lito akong tiningnan.
"A-ah! Oo nga, kailan nga tayo huling nagkita?" tanong nito.
"Ano ka ba, Troy! Elementary pa tayo noon. Last time tayong nagkita ay noong pumunta kami nina Mommy at Daddy kina ano... sino nga ba 'yon? Ah! Basta kalaro din natin siya noon!" he had this awkward silly smile on his face. Pero kita ko ang pagka-alanganin ng kaniyang mga kilos.
“Nag-migrate na ako sa US noong mawala sina Mommy at Daddy diba?”
"Elementary... Grabe, ang tagal na pala ano?" napapalatak ito sandali "Parang 5 na taon pa lang ang nakakalipas ah" ika pa nito "Teka, sigurado ka bang elementary pa tayo huling nagkita?"
"Oo naman!" napatawa ako "Madalas pa nga nating pagtulungan 'yong iba pa e, remember? You were always helping me to bully them" I was about to say something nang may humawak sa akong braso.
I saw how Migz clenched his jaw while holding me, masama ang tingin nito kay Troy kaya naman hinawakan ko siya sa braso.
"Let's go, Cali woke up and waiting for us" utos nito sa'kin, paalis na sana kami ng bigla kaming tawagin ni Troy.
"Migz, Tine!"
"Naku Troy, pasensiya ka na ha? Our child is waiting for us. Let's chat some other time na lang" napangiti naman ito saka tumango. Pero matalim ang tingin nito kay Migz. O guni-guni ko lang 'yon?
May pagmamadali sa mga kilos ni Migz, mahigpit na din ang kapit niya sa kamay ko kaya naman huminto ako na nagpahinto rin sa kaniya.
"Krisz, let's go.. we have to hurry—"
"Migz... Masakit" ukol ko sa kamay niya na nasa aking pulso. Parang napapaso niya akong binitawan at tiningnan ang aking pulsohan. We both saw that it was already red with his hand marks on it.
"I-I'm sorry, honey" ika niya sabay halik sa aking pulso. "Hindi ko sinasadya, I'm just... si Cali, hinihintay na tayo" worry and guilt flooded his eyes, he instantly enclosed me on a hug.
"I know... Kaya nga pupuntahan natin siya diba? Why are you in a hurry?" tanong ko. Tumingin lamang siya sa paligid at umiling.
"I know you don't like crowds kaya gusto kitang ialis agad dito. Tumatawag daw si Tessa kaso hindi mo nasasagot" napatango na lang ako. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at sabay kaming naglakad papunta sa hotel room ni Cali.
Totoo nga, iyak ng iyak si Cali.
"Baby" tawag ko sa kaniyang atensyon habang hindi niya alam kung paano patatahanin ang bata.
Sinalubong ako ng namumula nitong mata at sipon sa ilong. Subo din nito ang kaniyang daliri habang ngumunguto.
"Mie!" tawag nito sa'kin. Inilahad nito ang kaniyang kamay, nagpapakarga. Agad ko siyang nilapitan at hinalikan sa pisngi, umiyak siya ng umiyak sa balikat ko habang yakap ako ngumunguto.
"Sssssshhhhh. Tahan na baby, nandito na si Mommy. Nandito na 'ko" panay ang haplos ko sa kaniyang likod at halik sa kaniyang ulo. Iniharap ko siya sa'kin at pinunasan ang kaniyang luha. Nanginginig pa ang mga labi nito.
"Mommy left Cali" iyak nito.
"Sorry baby, I'm sorry.. hindi na mauulit.. sorry.." sinuotan siya ni Migz ng jacket, may ibinulong din si Migz kay Tessa bago lumabas ang huli.
"Let's take her home. Baka na-stress siya ng makitang wala tayo sa tabi niya" I nod. Sinilip ni Migz ang mukha ni Cali at hinalikan ito sa noo at pisngi, "Cali, we'll go home na ha? Don't cry, okay? Mommy and Daddy are here" tumahimik na si Cali.
Ilang sandali pa ay sumilip sa'min si Tessa. Inalalayan ako ni Migz, isinukbit niya rin ang kaniyang coat sa aking balikat, halos itago kaming dalawa ni Cali sa laki nito.
Palingon-lingon si Migz sa paligid habang naglalakad kaming tatlo.
"Para naman tayong mga pugante. Sino bang tinatakasan natin?" tanong ko kay Migz na hindi niya naman sinagot. Nakababa kami sa lobby na walang sumusunod na tao. Nandoon na din ang sasakyan ni Migz.
Agad niya kaming inalalayan na makapasok ni Cali, maging ang seatbelt namin ay siya din ang nagkabit. Pumasok si Tessa sa likod at inistart na ang sasakyan nang may isang lalaking humahangos ang lumabas sa lobby.
Nakita ko ang kaniyang mukha. May bakas ito ng pag-aalala at pagmamadali. Nagtama ang paningin namin at nakita ko kung paano nagtubig ang kaniyang mga mata.
Sandali lamang na naghinang ang mga mata namin pero nakaramdam agad ako ng simpatya sa kaniya. And he also looks familiar. Mabilis pero maingat ang pagpapatakbo ang ginawa ni Migz.
Wala kaming imikan sa loob ng sasakyan. Iniharap ko sa'kin si Cali and for a moment, biglang kumudlit sa isip ko ang mukha nung lalaki kanina sa may lobby. Kamukha niya si Cali.
Hindi kaya... Siya si Alexis?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A S T R A E A