CELESTINE
"Baby girl!" sigaw ni Tita-Mommy habang inaayusan ako ng mga make up artist na pinapunta niya sa bahay. "Dapat maganda ang baby girl ko, maliwanag? Ayoko ng masyadong matingkad na make up, dapat light lang tapos red ang lips okay?" sabay-sabay silang tumango.
"Tita-Mommy.." ungot ko. Kinindatan niya lang ako "—Tita-Mommy, kahit simpleng handaan na lang po sana, masyado naman yatang bongga 'to" umiling lamang ito.
"That's nonsense! It is your birthday and may mga ice-celebrate pa tayo kaya naman kailangan na bongga talaga!" pinulot nito ang pulang bestida na nakalapag sa aking kama. It was a dreamy gown. Ang ganda nito, bagay na bagay sa kulay ko.
Dahil gabi pa naman ang party, I sneaked out into Alex's room pagkatapos akong make-upan at damitan and found him looking at his tuxedo. Syempre, siya ang magiging escort ko.
"Baby?” tila hindi ito mapakali while phasing back and forth, ni hindi nito narinig na tinawag ko siya “Alex!" muntik pa itong mapatalon sa pagtawag ko sa kaniyang pangalan.
Sandali itong natulala sa'kin kaya naman natawa ako. Halata sa mukha nito ang kaba, bakit? E ako naman ang may birthday at hindi siya?
"Okay ka lang?" tanong ko "Parang mas kabado ka pa sa'kin, may problema ba?" umiling lamang ito at inilahad ang kaniyang kamay. I took it and squeezed it only to find out that he, was cold too.
"Nasabi ko na sa'yo na maganda ka, diba?" I nod. Walang araw na hindi niya iyon nasabi sa'kin. "—May surprise gift ako sa'yo later" I felt excited! Hindi mawala-wala ang ngiti sa aking labi.
"May gift ka na naman? Parang ang dami mo nang gift sa'kin, iba pa 'yung kagabi?" he playfully smiled at me. Kagabi, syempre, since he's incorrigible, talagang hindi siya pumayag na walang mangyari sa'min. But last night was special. He pleasured me all the time.
"Ako din, may surprise ako sa'yo..." itinago ko ang isang maliit na parisukat na litrato sa secret drawer ko. "I just checked on you, mamaya kase bibitbitin na ako ni Tita-Mommy kung saan-saan, baka mamayang gabi na kita makita ulit"
"Si Mommy talaga, pagod ka na ba?" umiling lamang ako.
"Masaya naman si Tita-Mommy, okay lang" inihatid ako ni Alex sa aking kwarto. Pero hindi nakaligtas sa aking paningin ang kinakabahan niyang tingin at mga kilos. Aligaga siya at palaging tinitingnan ang kaniyang cellphone.
I don't want to prey kaya naman hindi ako nagtanong. Sinasabi naman niyang okay lang siya. Pero mamaya, kapag kami na lang ang gising, mag-uusap kaming dalawa and I will ask him what’s bothering him.
Ni hindi ko na napansin ang oras, ang bilis ng takbo nito habang abala kami sa mga gagamitin, mga pagkain at iba pa. Nawalan na 'ko ng pagkakataon na makita si Alex. Habang inaayusan ay panay ang tingin ko sa aking phone, waiting for his text message.
Natigil ang pag-aayos sa'kin ng mga make up artist nang kumatok si Nanay Josie. Nanlaki ang mga mata nito saka parang naluha pa.
"Ay ang OA ng reaction niya oh" pagpapatawa ko. Lumapit siya sa akin at iniharap ako sa salamin.
My hair is freely flowing, kulot ang dulo nito. Ang pulang damit na bigay ni Tita-Mommy at Tito-Daddy ay kapit na kapit sa aking katawan, it emphasized my curves and my skin tone. I have very light make-up but I look so elegant and mature. May ilang crystal beads na color red ang nakadikit sa may dulo ng mga mata ko to emphasize them as well.
I like what I see. I look so feisty. I look like—
"Kamukha mo ang Mama mo.." yeah. I look like Mom. Malungkot akong napangiti. "Kung nasaan man sila ngayon ng Papa mo, sigurado ako, Tine, masaya sila" isang tipid na ngiti lamang ang isinagot ko sa kaniya. Inalalayan niya akong maisuot ang hindi kataasan na sapatos.
Matangkad na naman kase ako kaya hindi na kailangan. The make-up team did a final touch on me bago nila I-announce that I was ready. Kinakabahan na tumingin ako sa pintuan.
Habang inalalayan ni Mari Kris, talagang nag-effort sina Tita-Mommy! Mari Kris is a famous make-up artist, ng mga artista at model sa Pilipinas and outside. Siya ang may-ari ng sikat na make-up line na MAKIWANDER.
"Mas maganda ang make up mo, besh, kung ngingiti ka.." ika nito. I did what she said. I smiled and walked out. Sinalubong ako ng madilim na pasilyo, nakatingin lang ako ng tuwid katulad ng sinabi sa'kin ng may hawak sa'kin.
Sinasabi kung ano ang paa na aking ihahakbang. Until we reach the top of the stairwell.
"Ladies and gentlemen, your celebrant... KRISZ CELESTINE CRISOSTOMO!" that's my cue. I confidently walked hanggang sa sandali akong masilaw ng spot light.
Ilang segundo lamang akong nag-adjust and looked down at everyone. They're all looking at me with amazement.
Napansin ko ang isang bulto na paakyat kaya napatitig ako dito. At napahanga din. Alex looks dashing on his all black tuxedo. His hair on a brush up style, napakalinis niyang tingnan. Lalo na at dinagdagan pa ito ng kaniyang makalaglag panty na ngiti.
He's mine. Bulong ko sa aking isip.
Inilahad nito ang kaniyang kamay upang kunin ang sa akin. Inabot ko ito and he kissed the back of my hand.
"You are a goddess, baby..." I felt the heat in my cheeks.
"Thank you, ang gwapo mo din.. bagay talaga tayo" natawa ito, he placed my arm in his at umalingawngaw ang palakpakan sa loob ng mansyon.
Hanggang sa makarating kami sa baba ay panay pagbati lamang ang narinig ko. Mula sa mga classmates namin, mga kaibigan nina Tita-Mommy at ng Mommy ko.
My night was filled with laughter. Nagmistulan kong clown sina Troy at Sandro. Kapansin-pansin naman ang katahimikan ni Alex. I badly want to ask him what's bothering him pero wala akong chance. Nakatingin lamang ito sa kaniyang phone.
Ilang oras pa ang lumipas, bigla na lamang itong nagpaalam sa amin. I also excused myself at sinundan siya, tuloy tuloy lamang itong naglakad hanggang sa makarating sa may gate sa likod ng mansyon kung saan walang gaanong ilaw.
"Alex?" tawag ko sa kaniya, parang nagulat pa siyang lumingon sa akin "Saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang party" paalala ko.
But deep inside, gusto kong umiyak at magmakaawa, because I can see in his eyes na kahit anong sabihin ko... Aalis siya.
"I'm sorry, Lexy.." Lexy. What happened to the 'Baby'? "Claudel needs me now" napaawang sandali ang labi ko to process what he said.
"Claudel? Akala ko wala ng Claudel? Akala ko tayong dalawa na lang?" I managed not to stutter kahit na gusto nang mag-break down.
Gulong-gulo ang isip ko sa mga sinasabi niya. Anger is starting to build up inside me pero pinipigilan ko dahil masama sa akin ang magalit.
"Don't be selfish and just think about yourself, Lexy.. hindi lahat ng bagay ay tungkol sa'yo. My world doesn't revolve around you" sandaling tumigil ang mundo ko sa sinabi niya.
Paano niya nasabi iyon samantalang halos sa kaniya ko na ibuhos ang lahat ng meron ako?
Muli niya akong tinalikuran and stepped forward but I managed to grab his arm, this time tumulo na ang mga luha ko.
Nakaramdam ako ng matinding takot na naglakbay sa bawat himaymay ng aking kalamnan. Nanlalambot ang aking mga tuhod ngunit pinilit kong makatayo ng maayos.
"W-Wait lang! Alex naman e.. wag ka ngang ganyan!" inis at takot na sabi ko. "B-birthday ko ngayon, ipa-ipapahiram n-naman kita basta wag lang ngayon, please naman oh" pakiusap ko. Alex held my hand and removed it from his coat with gritting his teeth. "Please baby, I'll allow you to see her, please pero wag ngayon—"
"Ano bang hindi mo maintindihan sa mga sinabi ko?" malamig, galit at nagmamadaling tanong nito "Matalino ka Lexy, I know you know what I mean by this— wait, oo nga pala, is it about the deal? Hindi mo 'ko mapakawalan dahil sa Master/Slave deal natin?"
"No! It's not—"
"Okay..." humakbang siya palapit sa'kin without breaking our eye contact, wala na siyang pakialam sa luhang naglalandas sa mga mata ko. My sedative, my cure, iiwan niya na 'ko.
Tila may namuong malaking bara sa aking lalamunan ng mga sandaling iyon, gusto kong magsalita, magmakaawa.
"—Makinig kang mabuti sa sasabihin ko dahil isang beses ko lang 'to sasabihin.."
No, please. Don’t say it. Don’t say it. Don’t say it.
His eyes are sporting anger. Kanino siya galit? Sa'kin ba?
"Claudel might be pregnant right now with my child.. and she needs me now. I have to save her" nang mga sandaling iyon, nangapal ang mukha ko.
Nawalan ako ng kakayahan na huminga, o mag-isip man lang ng tama, may matinis na tunog akong narinig sa magkabila ng aking tenga at parang hindi ako makarinig ng ilang segundo.
"You're right, Claudel and I had s*x before us.. hindi ko siya pwedeng pabayaan lang! Naiintindihan mo ba? Now... Bilang Master mo, inuutusan kitang pakawalan na ako"
Pakawalan mo na ako.
Sinabi niya ito na para bang hirap na hirap na siya sa'kin. Na para bang isa akong malaking pabigat na dapat ng tanggalin sa kaniyang buhay.
"A-ano pala 'yung mga nangyari sa’tin? Pangpapanggap lang din ba 'yon?" tanong ko, my vision was now clouded with tears. "Alex—"
"CELESTINE!" he angrily hissed, which made me flinch. "May buhay na naghihintay sa'kin! Hindi mo ba makuha ang gusto kong mangyari?!" inis na sabi nito, napasabunot na siya sa kaniyang maayos na buhok na para bang hirap na hirap na sa kaniyang kalagayan, saka kinuha ang susi ng sasakyan na bigay sa kaniya ni Tito-Daddy.
I ran towards him and captured him in my arms and cried. Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko.
"P-please baby.. don't go, k-kailangan ka r-rin namin please wag ganito.. a-ano bang kailangan kong gawin? Please Alex—" pilit niyang tinanggal ang mga kamay ko sa kaniyang katawan which caused me to stepped back and almost lost my balance.
Pero hindi ako nagpatinag. If I had to do this, I would, para kay Alex.. para sa'min. Muli ko siyang nilapitan and hug him. Saka ako umiiyak at dahan dahang dumausdos paluhod sa kaniyang harapan.
"Lexy! What—"
"Please Alex, I'm begging you, please don't leave me... Kailangan kita, kailangan pa kita" but he didn't heed. Marahas niyang inalis ang mga kamay ko sa kaniyang bewang. "Mamili ka, Alex.. kami? O si Claudel?" tanong ko.
"Tangina naman!" sigaw nito "—Obvious ba ang sagot ko? Kung hindi.." naglakad ito palayo "—We had a good f**k, I must admit, but this is my choice.." kasabay nawala ni Alex ang ingay ng sasakyan na ginamit niya.
Kasabay niyang nawala ang lahat sa'kin. My sanity, my soul, my whole being. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari hindi ko alam ang magiging reaksyon.
Tatawa ba ako? Joke ba 'to? Iiyak ba? Sisigaw? Baka naman may nanti-trip lang sa'kin dahil birthday ko, nasaan na ba 'yung lalabas at sisigaw ng WOW MAILI!
Wala akong maisip na tama, hanggang sa may dalawang kamay ang nagtayo sa'kin mula sa kinalulugmukan kong damuhan.
Pinagpag nito ang damit ko but my eyes never left the gate kung saan lumabas si Alex. Hoping against all hope na sana bumalik siya, sana joke lang ang lahat.
"A Queen should never beg.." I heard a voice say. My vision was clouded by a face. A worried and a sad one, it's Yuan. Pinunasan nito ang mga luha sa aking pisngi with all care. "Eyes on me, Queen"
I did what he said. Finally, someone told me what to do. Hindi ko na kase talaga alam ang gagawin.
"S-si Alex.. u-umalis siya.." ika ko. I saw how anger flooded his eyes. Ngayon ko lang nakitang galit si Yuan.
"Let him be.." he said while holding my arms trying to bring me back to reality "—Chin up, eyes up, hindi nila dapat makita na umiiyak ka, hindi nila dapat makita na nasasaktan ka... it's your day, don't let him ruin it" walang kapaguran niyang pinunasan ang mga batch ng luha na pumapatak sa mga mata ko.
It's funny how my eyes kept on crying pero wala akong maramdaman sa loob ko. Mahapdi, pero parang sa sobrang hapdi, nakakamanhid na. That's why I did what Yuan wanted me to do.
With shaking hands and being, bumalik kami sa loob with him holding my hands. I saw how the others exchange looks.
"Nasaan si Alexis?" tanong ni Troy. Pinisil ni Yuan ang kamay ko sa ilalim ng table. Paulit-ulit na nagp-play sa utak ko ang eksena ng pag-alis niya.
"Nasa kwarto, LBM... kanina pa pala 'yon, hinayaan na namin ni Tine. Tutal patapos na rin naman ang party" Yuan did all the question and answer portion for me. My gaze is only transfixed on the empty plate in front of me.
Walang nagsalita sa table namin hanggang sa puntahan kami ni Tita-Mommy. My mind told me to smile and act normal.
"Baby gilr! Bakit ang tahimik ninyo diyan? Are you all full?"
"Naku Tita! Sobrang busog nga po namin!" nakangiti si Sandro habang hawak ang kaniyang tiyan. "Ilang araw na naman kaya akong tatambay sa gym para lang ma-burn 'yung mga fats na nakain ko? Baka magka-LBM din ako"
"Ikaw talaga, Sandro!" Tita-Mommy touched my hair and looked at us. "Teka, nasaan naman si Alexis?"
"Nasa CR lang po, Tita.." Benedict butted in. Tumayo ako which made them all stan up.
"Tita, magpapahinga na po ako.. maraming salamat po talaga sa party na 'to, this party was the greatest plot twist on my life" ngumiti naman ito at tinanguan lang ako.
"Ihahatid na namin si Tine sa kwarto niya, Tita.." sabat ni Yuan. Inalalayan nila akong apat magmula paalis sa lamesa namin hanggang sa makarating ako ng kwarto ko. I looked at the clock na nadaanan namin and saw that it was just 10 in the evening.
Para akong napapalibutan ng mga poste sa tangkad nilang apat. But these four posts cannot make me feel secure, unlike Alex's arms.
Nakarating kami sa tapat ng aking kwarto nang walang nagsasalita. Hanggang sa buksan ni Benedict ang pintuan ng aking kwarto.
"Rest, mukhang napagod ka at may damo ka pa sa buhok" may kinuha siya sa dulo ng aking buhok, ilang piraso ng damo. "I'll see you on Monday sa school?" tanong nito.
"Of course, I'll see you all this Monday.." papihit na sana ako papasok sa aking kwarto when I turned around kitang-kita ko ang mga tingin nilang nakakaawa sa'kin. I sob.
Small curses came out of their mouths. Una akong niyakap ni Troy.
"Thank you for coming tonight guys, you don't know how this made me happy.." iyak ko.
Hanggang sa isa-isa na nila akong niyakap. They enclosed me in a tight hug, trying to bring my broken pieces back.
"Umuwi na kayo, magpapahinga na ako.. sobrang pagod na kase ako"
"Tine—"
"Promise, I'll be okay... Sige na, pupunta din naman si Nanay Josie dito para asikasuhin ako.. salamat sa mga gifts, bubuksan ko ang mga 'yon bukas" kumawala ako sa kanilang mga yakap at pumasok na sa aking kwarto habang pinupunasan ang sarili kong luha, before I close the door, I gave them a smile.
"Good night! I'll see you sa Monday!" nakangiti kong paalam sa kanila bago isara ang pintuan ng aking kwarto.
But that was a lie. Iyon ang huling gabi na nakita ko silang lahat.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A S T R A E A