"So, sino nga 'yung kayakap mo sa picture? Jusko! Bakit naman kasi mukha mo lang 'yung kita? Pogi ba si Boy? Saan mo nahanap? Sa BGC?" Sunod-sunod na tanong ni Savannah.
Kakapasok ko pa lang pero kung ano-ano na agad tinatanong. Bawal magpahinga?
"Shems ka, Savannah! Kakapasok ko pa lang, kung ano-ano na agad tinatanong mo! Bawal umupo? Magpahinga? Hindi ko pa nga natatanggal sapatos ko, eh. Atat lang?" Mahaba kong litanya.
Napahagalpak naman ito.
Kahit kailan talaga, napakaingay ng babaeng 'to. Nakakalungkot nga lang kasi hindi namin siya kaparehas ng school. Kapag wala siya, hindi kumpleto.
Char.
I mean, kapag wala siya parang may patay. Minsan naman maingay kami pero iba pa rin kapag kumpleto.
"Shemay, kalma! Wait, sumasakit tiyan ko sa 'yo! High blood yarn?" Pang aasar sa akin ni Savannah.
Halos mamula na ang buong katawan nito kakatawa. Half korean kasi, tumawa lang o kaya naman ay masikatan ng araw ay agad na namumula ang mukha o buong katawan.
Hindi ko na ito sinagot pa at pumunta na lang sa kusina nito.
Doon ko nakita ang iba pa. Si Athena may kinakalikot sa cellphone nito. Si Avery naman nakapalumbaba, sigurado ako gutom na 'to. Tapos si Hadley, may hawak na libro, nagbabasa.
"Yow, sup? Gutom na kayo? Sensiya na, late!"
Pagkasabi ko non ay sabay silang tumingin sa akin at binalewala ang mga ginagawa.
Parang gago, synchronize. Hindi ko alam na may tatalo na pala sa seventeen.
Char.
Nang tignan ko ang mga mukha nila, lahat sila ay mga nakangisi.
"Pwede ba? Mamaya na tayo mag-usap? Kumain muna tayo, gutom na 'ko."
Tinitigan lang ako ng mga ito.
Magsasalita pa sana ako nang sumulpot si Savannah sa aking likuran. "Tama, kumain muna tayo. Ramdam kong marami siyang dalang chika, save niyo 'yung mga tanong niyo para mamaya."
Nagsimula na silang tumayo para maghanda. Sumunod ako sa mga ito at naghanda na rin.
Nang matapos na ako ay umupo na ako at handa na sanang kunin ang ulam nang agawin 'yon ni Avery.
Tinignan ko ito ngunit nginisian lang ako nito.
Okay, Lian. Kalma. Bawal sumaksak ng tao.
Una ko nalang hinawakan ang kanin, dahil nga kinuha ni Avery ang ulam.
Hahatakin ko na sana ito papalapit sa akin nang harangin ito ni Athena.
Parang gago!
Gutom na 'ko, baka malapa ko sila.
Napuno na ako kaya naman huminga muna ako nang malalim bago nagsalita. "Kapag hindi niyo 'ko tinantanan sa kalokohan niyo, huwag kayong umasa na may ichi-chika pa ako sa inyo mamaya."
Agad naman nagkatinginan ang mga ito at sabay na ibinigay sa akin ang mga kinuha nila.
Sabi na, eh. May tatalo na talaga sa seventeen.
"Ito naman, parang niloloko ka lang, eh. Syempre, paghahandaan ka namin. Anak ka ata ng mafia." Ani ni Athena habang nagpipigil ng tawa.
Sumunod naman sa pang aalaska si Avery. "True. Go, Mima! Support ka namin, always. Mahal ka namin ng mga nakshie mo."
Lahat kami ay humagalpak dahil sa sinabi ni Avery.
"Mamaya na ulit tayo tumawa, kumain muna tayo." Ani ni Hadley bago nagpatuloy na kumain.
Lahat naman ay sumang-ayon sa kaniya kaya naman tahimik kaming nagpatuloy na kumain.
***
"Alam niyo, unti-unti na akong natatakot sa inyo."
Mga nakangisi kasi ito, 'yung parang may balak na saksakin ako.
Natawa naman si Savannah sa aking sinabi. "Sabihin mo na kasi kung sino 'yung guy dun sa pic. Tapos, bakit ang tahimik mo nung sabado at linggo? Usually kasi bubulabugin mo kami sa gc. Ano? Nagbabagong buhay? Girl, hindi uso sa atin 'yon."
Binatukan ko naman ito.
Gustong malaman kung anong nangyari pero ayaw akong pagsalitain. Napakadaldal!
"Manahimik ka muna kasi, tawagan ko si Tita diyan. Uuwi ka sa Korea, tignan mo." Pagbabanta ko dito.
Pinanlisikan ako nito ng mata kaya naman tinawanan ko ito.
"Ano na? Ik-kwento mo ba? Babatukan na din kita." Sabi ni Athena.
Tinaas ko naman ang kamay ko, tanda na ako'y sumusuko. "Eto na! Eto na! Nang wa-warshock ka, eh! Choz!"
Umayos ako nang upo at tumingin sa kanila.
"So, eto na nga..." Hinampas ako ni Avery nang hindi ko tinuloy ang sasabihin ko.
Shemay, mapanakit talaga 'tong mga 'to. Minsan, napapaisip din ako kung bakit ko sila naging kaibigan.
Nakita kong ibinaba ni Hadley ang hawak nitong libro at tumingin sa akin.
Tignan mo 'to, kunyari pang nagbabasa pero gusto ding makinig sa chismis.
"Kaya ako naging tahimik nung sabado at linggo, kasi nagtrabaho ako."
Nakita ko namang kumunot ang mga noo nila.
"Trabaho?" Tanong ni Hadley habang nagtatali ng buhok.
Ang gaga, interesado nga sa chika!
"Natanggap akong substitute photographer sa isang entertainment na pinag-applyan ko. Gusto ko kasing matulungan si Mama. Alam ko kasi na nahihirapan na siya sa mga gastusin." Mahina kong paliwanag.
Nakita kong umamo ang mga mukha nito.
"For the first time, ngayon lang ako naging proud sa 'yo." Sabi ni Savannah with matching flip hair.
"Gaga! Hahahaha! Pero, seryoso nga. We're so proud of you. Sana sinabi mo agad sa amin para nag celebrate tayo!" Sabi ni Athena bago hinilig ang ulo nito sa aking balikat. Magkatabi kasi kami.
Habang nasa harap naman namin sila Savannah, Avery, at Hadley. Nakaupo kasi kami sa sahig, dito sa sala ng condo ni Savannah.
"Thanks, guys. So, ito naman. 'Yung guy sa picture is 'yung boss ko? Hindi ko sure kasi anak siya nung may-ari nung entertainment tapos artista naman siya don din sa entertainment." Paliwanag ko sa mga ito.
"Ay, taray! Ano 'yon? First day pa lang tinamaan na agad sa 'yo 'yung boss mo?" Panunuya ni Avery bago lumapit sa akin at tinusok-tusok ang aking tagiliran.
Pinitik ko naman ang kamay nito. "Baliw! Hindi ganon 'yon! Aksidente kasi 'yon! Nasa park kasi kami tapos may nakita kaming ipis, nagkataon na parehas kaming takot don kaya tumakbo kami! Hindi ko naman namalayan na nakayakap pala kami sa isa't isa! Hindi ko din naman alam na may lintek na kukuha sa amin ng litrato!" Hingal kong sambit.
Natawa naman sila kaya sinamaan ko sila ng tingin.
"Chill, girl. Oo na, aksidente na." Sabi ni Athena at patuloy na tumawa.
Nagpatuloy ang pag-uusap namin, panay ang hagalpak namin dahil ang dami pala naming dalang chika.
"Btw, guys..." Biglang sambit ni Hadley.
Lahat naman kami ay natahimik at tumingin sa kaniya.
Shems, ayoko ng mga ganito. Anong meron?
" I don't think i can hang up with you guys. This week lang naman. Mas naging hectic kasi 'yung schedule ko."
Lahat naman kami ay napahinga nang maluwag.
"Gaga, okay lang. Busy din naman ako this week. Sobrang stressful din kasi tapos may groupings pa. Marami pa namang araw na pwede tayo magkita-kita, 'yung hindi tayo busy at walang inaalala."
"True!" Sabay na sabi ni Savannah, Avery, at Athena.
Ngumiti lang sa amin si Hadley.
Napangiti din kami dito.
Kahit naman mukha kaming mag basagulera, we know our responsibilities as a student naman. Alam din namin 'yung mga responsibilities namin bilang anak.
Parang 'yung pagkikita-kita 'yung nagiging way namin para mabawasan 'yung pagod na nararamdaman.
Nagkatinginan muna kami bago nagyakapan.
"Group hug!!" Sabay-sabay na sigaw namin.