Maaga akong nagising dahil sa natanggap kong message mula kila Savannah.
Ngayon daw ir-release 'yung mga names nung hindi pa complete.
Ang alam ko naman ay kumpleto ako, pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Si Mr. Martinez kaya ang una naming prof ngayon!
Naglakad na ako papalabas ng bahay ni Hadley. Hindi kami sabay ngayon, pagkagising ko kasi wala na siya. Feeling ko maagang pumasok 'yon since ilalabas na 'yung mga names ng mga hindi pa complete, ilalabas na din 'yung mga name ng achievers.
Hindi pa ako nakakalayo sa bahay ni Hadley nang biglang may tumawag sa akin.
"Hello, Athena? Bakit?" Sagot ko kay Athena.
Siya kasi 'yung tumawag.
"Saan ka? Naka sakay kana ng bus?" Athena asked.
"No, actually hindi pa ako nakakalayo sa bahay ni Hadley."
Narinig kong nagpakawala ito nang buntong hininga.
"Why? May problema ba?" Tanong ko dito.
"N-no, nagtanong lang a-ako. Sige na, bye na."
"By-"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil agad nitong pinatay 'yung tawag.
Anong problema non? Weird.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa bus station.
Madaming tao ang nandito, karamihan mga mukha magt-trabaho.
Shemay, unahan na naman 'to.
Uupo pa lang sana ako nang may biglang humintong bus. Nakita ko ang sign nito, dun 'yung school ko.
Hindi na ako nag-inarte pa at nakipagsiksikan na ako.
Madami ang mga naunang pumasok kaya naman wala akoing choice kung hindi ang tumayo.
Pumasok ako ng bus na maayos pero parang lalabas ako ng bus na gusot-gusot ang uniform at magulo ang buhok.
Ang hirap talaga mag commute!
Lumipas ang ilang minuto nang maramdaman kong may sumisiksik sa likod ko.
Tinignan ko ito at nakita ko ang isang lalaki na nasa edad 40 pataas. Sinisiksik niya ako kahit maluwag naman sa pwesto niya.
Napakunot ang noo ko. Sinubukan kong umabante kahit masikip, ngunit 'yung lalaki patuloy pa din akong sinisiksik.
Anong problema ng gagong 'to?
Umabante pa ulit ako, ngunit mas lalo pa akong siniksik nito.
Tatanungin ko na sana siya nang may pumigil dito.
"Excuse me, Sir. Nasisiksik mo 'yung kasama ko, ang luwag sa pwesto mo. Baka pwedeng umusog ka?" Tanong nung lalaki.
'Yung lalaki pala sa unahan ko 'yung nagtanong. Siguro naramdaman niyang masikip na. Pabida kasi si Kuya, eh!
Nakita kong tumalim ang titig ni Kuya sa akin ngunit itinigil niya ito nang makitang seryoso ding nakatingin sa kaniya 'yung lalaki sa harapan ko.
Wala itong nagawa kundi ay bumalik sa pwesto niya.
Kukunin ko na sana ang cellphone ko nang magsalita ang lalaki sa harapan ko.
"Wala man lang thank you?"
Iniangat ko ang paningin ko sa kaniya. Doon ko lang napagtanto na gwapo pala 'yung nasa harapan ko.
Moreno, matangkad, at malaki ang katawan. Mapapansin mo 'yon kahit nakasuot ito uniform.
Inilapat ako ang aking paningin sa mga mata nito, mahaba ang pilik mata nito at k-kulay abo ang mga mata.
Rare!
Ngumisi ang lalaki sa aking harapan. "Staring is rude, Ma'am."
Napairap na lang ako sa sinabi nito.
"Thank you! Paepal kasi si Kuya, eh. Naniniksik kahit maluwag naman sa pwesto niya!"
Napansin kong sumeryoso ang tingin nito sa akin nang sabihin ko iyon.
"B-bakit?" Nauutal kong tanong dito.
"Hindi mo alam kung bakit ka sinisiksik ni Kuya?" Tanong nito.
"Syempre, alam! Sinisiksik niya 'ko kasi trip niya lang mang asar!" Halos pasigaw na sagot ko dito.
Nakita kong napailing ito. "Hindi, may iba siyang intensyon." Ani nito.
Nagkibit balikat lang ako at hindi na siya pinansin.
Hindi ko talaga siya ma-gets. Bahala siya!
Wait, ano bang name niya?
"Psst! Anong name mo?"
Nakita kong napatawa ito nang tanungin ko iyon.
"Edi 'wag." Ani ko nang makita kong nakatingin ito at hindi sinasagot ang tanong ko.
"Drake Molavendrie. Wala akong f*******: kaya 'wag mo nang subukan na hanapin ako. Pero meron akong ig, hanapin mo nalang." Ani nito bago tumalikod at bumababa ng bus.
Ang kapal niya, ah! Anong feeling niya? Hahanapin ko siya? Never! Manigas siya! Wala akong pake kahit pogi pa siya!
Bumababa na ako nang makita kong malapit na ako sa school namin.
Lumakad na ako hanggang sa makarating ako sa school.
Papasok na sana ako nang may makapa ako sa bulsa ko, 'yung pera ko.
Buo pa din 'yung limang 100. Ibig sabihin...
✧◝(⁰▿⁰)◜✧
"Ano?! Hindi ko nagbayad sa bus?! Omg! Nakakahiya ka, feeling ko tinandaan ni Manong 'yang mukha mo." Sabi ni Avery sa akin.
Lunch kasi ngayon, magkakasama kaming apat. Wala si Savannah since iba siya ng school. Na-kwento ko sa kanila 'yung ginawa ko kanina sa may bus.
"Hindi ko naman alam na hindi pa ako nakakabayad, 'no?! Kung alam ko lang, magbabayad ako agad-agad..."
Nakita kong natawa sila sa akin.
"Yan, tama 'yan! Magsisi ka! Hindi ka nagbayad, ah! Ano ba kasing ginagawa mo, ha? Bakit mo nakalimutang magbayad?" Tanong ni Athena.
"Sinisiksik kasi ako nung lakaki sa bus kahit maluwag sa pwesto niya. Nakakainis nga, eh. Nang aasar, umagang-umaga." Paglalahad ko sa kanila.
"As in sinisiksik ko?" Nanlalaki 'yung matang tanong ni Athena.
"Oo, sabi pa nga nung lalaki sa harapan ko hindi daw 'yon ganon." Naguguluhan kong sagot.
Nakita ko nagpakawala ng isang buntong hininga si Hadley. "Well, tama siya. Hindi basta nang iinis si Kuya. Its either nanakawan ka niya, or binabastos ka niya." Diretsong sabi nito.
Doon na pumasok sa isip ko ang totoo.
Shemay! Oo nga! Yari siya sa akin kapag nagkita kami! Tandang-tanda ko mukha niya!
"Hays, kainis." Sambit ko.
Nakita ko lang na napailang sila.
"Sasabay kana sa amin kapag papasok, ah. Para hindi na maulit 'yung ganiyan." Sabi ni Avery.
Tumango lang ako sa mga ito. "Ay, oo nga pala. Nakita niyo na record niyo?" Tanong ko.
Nakita ko namang tumango sila. "Oh, ano? Kamusta?" Tanong ko.
"As usual top 1 si Hadley, top 3 ako, tapos top 5 si Avery." Sabi ni Athena.
"Ikaw? Kamusta?" Tanong ni Avery.
"Hindi ko pa tinitignan, natatakot ako. Baka kasi hindi pa ako complete kay Mr. Martinez."
Nakita ko namang napailing si Hadley. "Diba natapos mo na lahat? Kung oo, 'wag kang matakot. Si Mr. Martinez dapat ang matakot kapag nakita mong incomplete ka pa din. Ibig sabihin non, nawala niya outputs mo. Tsaka kay Mr. Martinez ka lang naman may kulang, malay mo kasali name mo sa mga achievers. Hindi mo malalaman kung hindi mo titignan."
Sumang-ayon kami sa sinabi ni Hadley.
Binuksan ko ang cellphone ko at tinignan ang mga records.
Wala 'yung name ko sa mga complete na...
Tinignan ko sila at umiling.
Nakita ko namang lumungkot ang itsura nila.
"Para kayong ewan diyan, okay lang. Babawi na lang ako next sem, promise!" Ani ko habang pinipigilan ko 'yung mga luha ko na tumulo.
Lumapit sa akin si Hadley at inagaw ang cellphone ko.
Ayaw pa atang maniwala na wala 'yung name ko sa listahan.
"Hadley, kahit anong tingin mo diyan, wala pa din ang pangalan ko diyan." Ani ko at tuluyan nang tumulo ang mga luha kong kanina pa pinipigilan.
Nilahad ni Hadley ang cellphone sa aking harapan.
"Sabi ko naman sa 'yo, eh. Dapat kas-"
"Shut up! Tignan mong mabuti 'yung nasa cellphone mo." Ani ni Hadley nang putulin niya ang sinasabi ko.
Tinignan ko ang nasa cellphone ko. Nandon 'yung name ko, 'yung buong name ko. Nasa top 10.
Kasama ako sa mga achievers...