Chapter 5 : Comfort Zone

1062 Words
Pagkapasok ko pa lang ay pinagtitinginan na ako ng mga kaklase ko. Sino ba kasi 'yung lintek na nag post non sa social media? Bwiset! "Hi, Lian! Good Morning! Ang ganda mo today." Bungad sa akin ni Nix. President namin siya, siya din pinakamaingay. Tinanguan ko lang ito at pumunta na sa pwesto ko. Hanggang ngayon curious pa din ako kung sinong kumuha ng picture at ipinost pa talaga sa social media. Never pa akong nadawit sa anumang issue, ngayon lang! Akala ko ay tinantanan na ako ni Nix pero ang bruha, nakasunod pala! "Sino 'yung kayakap mo sa picture? Hindi naman sa nakiki-chismis ako ah, pero kalat kasi sa social media..." Kinamot nito ang ulo at ngumiti sa akin. Gago. Hindi daw nakiki-chismis pero gustong malaman kung sino 'yung kasama ko sa picture. Hinawakan ko ang aking ulo at nagpanggap na sumasakit ito. "Ah, medyo masakit kasi ulo ko ngayon. Pwede bang next time ko na lang sabihin?" Sabi ko habang umiiling pa. "Ah, ganon ba? Sige, next time na lang." Naiilang na sambit nito. Dapat lang na mailang siya, hindi naman kami close tapos ang lakas pa ng loob niya makichismis. Napailing na lang ako bago sinimulang kuhain 'yung mga notes ko. Mahilig kasi sa surprise quiz and recitation mga prof namin. Ayoko namang bumagsak. Hindi naman kasi ako 'yung nagpapaaral sa akin, si Mama. Alam ko namang nahihirapan na siya since college na 'ko, madaming gastusin. Nag advance study naman ako kahapon pero nagbabasa pa rin ako ngayon, baka kasi makalimutan ko. Mahirap na. Saglit akong tumingin sa harapan at nakita ko si Nix, kakapasok lang niya. Lumabas pala siya? "Guys, hindi daw makakapasok si Ms. Altamerano. May sakit daw siya kaya nag-iwan na lang siya ng mga gawain. Lahat 'yon puro groupings." Napahilot na lang ako sa aking ulo nang sabihin 'yon ni Nix. Wala akong close sa room namin, wala naman kasi dito sila Savannah. Mahihirapan akong makisama nito. *** "Uy, sige na! Kailan ko talagang umuwi, send niyo na lang sa 'kin mga gagawin. Ako na mag p-print!" Sabi ni Nix. Lahat kasi kami pumunta sa bahay ni Tricia. Siya kasi 'yung naging leader namin. Siya din nag suggest na bahay na lang nila kami gumawa ng project. "Tayong lahat naman ang mag p-print nito. This is a groupwork, kailangan mo din mag share ng idea. Hindi pwedeng print lang, college na tayo, Nix." Lihim akong napangiti sa sinabing iyon ni Tricia. Tama naman siya, eh. We're first year college, hindi na pwede 'yung freeloader. Kung dati ganon ka, hindi na pwede 'yan ngayon. Hindi ako gaanong matalino pero i know my responsibilities as a student. Hindi ko nga inakala na hanggang sa college may mga freeloader pa din. Kumunot naman ang noo ni Nix sa sinabi ni Tricia. "First year college pa lang naman tayo, ah? Masyado kayong seryoso! Isa pa, kailangan ko ngang umuwi. Ip-print ko na nga, ayaw niyo pa. Napakayabang niyo!" Nakita kong napahilot sa kaniyang ulo si Tricia. Kahit sino naman maiirita kung may katulad ka ni Nix na kagrupo. "Anong reason?" Tanong ko dito. Hindi ko na kasi maiwasang magtanong, naiirita na din kasi ako. Siya na nga nakikiusap tapos siya pa magagalit. Totoo naman sinabi ni Tricia. "Ha? A-ano..." Nauutal na sambit nito. Mas lalo akong naghinala na tama ang kutob ko kaya naman tinitigan ko ito nang mabuti. "Basta! Kailangan ko nang umuwi! Send niyo na lang sa akin." Sabi nito bago kinuha ang bag at umalis. Nagkatinginan na lang kami at napailing. Nakakainis, siya pa talaga may ganang magalit. "Kick her." Sambit ni Raze. Nagkatinginan kaming lahat. Si Raze 'yung pinakatahimik sa klase namin, pero kapag may quiz or recitation siya lagi 'yung nangunguna. Hindi na nga ako magtataka kung siya 'yung magiging top 1 sa amin, eh. "What?" Naguguluhang tanong ni Tricia. Ako 'yung naaawa kay Tricia, eh. Sobrang stressful na nga ng mga school works tapos dadagdagan pa ng mga ganitong problema. "There's no reason para hindi pa siya tanggalin. We can clearly figure out kung bakit gustong-gusto niyang umuwi agad. She even stutter when Lian asked her what's the reason." Paulit-ulit na umiling si Tricia dito. Habang kami naman ay nakatingin lang sa kanilang dalawa. 8 kasi kami, pero 7 na lang since umuwi nga si Nix. "No, hindi pwede. Hindi porket hindi niya sinabi ang reason kung bakit siya umuwi, hindi pa rin natin siya pwedeng tanggalin. Puro accusations lang naman tayo, walang patunay. Paano kung may emergency sa bahay nila? Hindi tayo pwedeng magsalita ng kung ano-ano hanggat wala tayong tiyak na information." Mahabang paliwanag ni Tricia. Hindi na sumagot si Raze at nagpatuloy na lang sa pagtitipa sa laptop nito. Honestly, before Tricia say those things i agree with Raze. Pero nung sabihin niya na 'yon, doon ko na narealize na mali 'yung ginawa ko. Dapat hindi ako nag-isip ng kung ano-ano at sinabihan siya ng mga bagay na wala naman akong patunay. Sorry. Nagpatuloy na lang kami sa paggawa ng mga kailan namin tapusin bago nagpasiyang magsiuwian. Tinignan ko ang aking relo para malaman ang oras. It's almost 5 pm, hindi ko namalayan na tumagal pala kami ng 3 hours sa bahay nila Tricia. Papara na sana ako ng jeep nang tumunog ang cellphone ko. Si Savannah, tumatawag. "Bakit?" Ani ko pagkasagot ko dito. "Bakit agad? Wala bang hello man lang diyan?" Napairap na lang ako sa sinabi nito. "Sasagutin mo 'yung tanong ko o bababaan kita ng tawag?" Nagbabantang tanong ko dito. Narinig ko naman ang pagtawa nito sa kabilang linya. "Ito naman, parang nagbibiro lang... 'Wag mo kasing seryosohin! Btw, we decided na mag meet dito sa may condo. Wanna join?" Agad namang sumilay ang ngiti sa aking mga labi. I like being with my friends, they're my comfort zone. Katulad na lang ngayon, sobra akong napagod sa mga school works kaya naman need kong magpahinga. Ang mga kaibigan ko ang pahinga ko. "Yes, sure! Kung kayo... why nort deba xD!" Mapanuyang sambit ko dito. "Gaga! Hahahah! Sige na- ay wait! Sunduin na lang kaya kita?" "Huwag na, nasa may sakayan na rin naman ako. Hintayin niyo na lang ako diyan." Sabi ko dito. "Sige, ingat. Love you, b***h!" "Love you too, b***h!" Malawak ang ngiti kong sumakay sa jeep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD