Chapter 2 : Chance

1179 Words
Maaga akong nagising kahit sabado naman. Nakatanggap kasi ako ng message. Ang sabi, confirm na daw na ako 'yung magiging substitute photographer ng isang sikat na entertainment. Nung una nga hindi ako makapaniwala, eh. Oo, gusto kong makuha pero hindi ko naman ine-expect na sa isang sikat na entertainment ako matatanggap. Nag-apply kasi ako sa mga entertainment para naman may pera ako sa pag-aaral ko. 'Lagi kasing isinusumbat ng mga tao sa bahay 'yung tungkol sa pagpapa-aral sa akin. "Hello po? Papunta na po ako diyan." Ani ko nang sinagot ko 'yung tumawag sa akin. Siya 'yung isa sa mga staff nung sikat na entertainment. Tinatanong niya kung anong oras daw ako dadating, may emergency daw kasi. "Okay, thank you! Make sure na makakapunta ka dito in less than 30 minutes." Sagot nito. Magsasalita pa sana ako kaso ay binabaan na niya ako ng tawag. Siguro talaga may emergency, para kasing nagagahol 'yung boses niya, eh. Hindi na naman naging problema sa akin 'yung 30 minutes na palugit niya, dahil 10 minutes pa lang, nasa loob na agad ako ng entertainment. Pagkapasok ko ng pinto ay hindi ko inaasahan ang bumungad sa akin. Panay ang lakad ng mga tao, may iba pa nga tumatakbo na. May mga nakakalat din na mga damit at props sa sahig. Ang pinakahuli, may mga pinapagalitan. "Bakit ba kasi nag resign siya nang hindi nagsasabi sa atin?! Edi sana kagabi pa lang natawagan mo na 'yung substitute niya! Yari tayo kay Mr. Cabrera nito, eh!" Ani ng isang lalaki na medyo walang buhok. "Sorry po, Sir Mike. Nakausap ko na naman po 'yung substitute niya, sabi po niya papunta na siya. Baka mga 30 minutes po nandito na siya." Ani naman ng isang lalaking staff. Handa na sana siyang sigawan nung Mr. Mike ata nang makita niya ako. Agad itong lumapit sa akin at hinawakan ako sa balikat. "Ikaw ba 'yung Lian Sierra? 'Yung substitute photographer na nakausap ko kanina?" Nanlalaki ang matang sambit nito, habang niyuyugyog ang mga balikat ko. "Ah? Eh, ako nga po ata?" Hindi ko siguradong sagot. Ngayon na nakikita ko 'yung nangyayari, parang gusto ko nang umatras. "Ay, nako! Mabuti naman. Sige na, bilisan muna. I-prepare mo na 'yung mga gagamitin mo. Maya-maya lang magsisimula na tayo." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay agad siyang umalis para bumalik kay Sir Mike. Gaya nga nang sinabi niya ay inihanda ko na ang lahat ng mga gagamitin ko. Although hindi ko pa alam ang gagawin ko. Habang naghihintay ay nakaramdam ako ng gutom. Shems! Hindi pala ako kumain bago umalis. Tatayo na sana ako upang magtanong kung anong oras magsisimula, balak ko kasing kumain muna. Ang kaso biglang sumigaw 'yung Sir Mike. "You! Stand up! Andyan na si Lucas. Kailangan galingan mo. Kung hindi, malalagot tayo kay Mr. Cabrera." Ani nito bago pumunta sa pintuan na parang may inaabangan. Huminga na lang ako nang malalim. Ayaw ko kasi nung sinisigawan at pine-pressure ako. Gagawin mo naman 'yung best ko, eh. Well, wala akong magagawa. Iba't iba 'yung ugali ng mga taong nakakasalamuha at makakasalamuha ko pa, kaya need ko talagang magtimpi. "Woah, Lucas! Mas lalo ka atang nagiging gwapo. Ready kana ba for our photoshoot?" Sabi ni Sir Mike. Tumingin ako sa pinto upang makita kung sino ang kausap nito. Sakto naman na kakapasok lang nito. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ito. Shems! Siya 'yung nakabanggaan ko sa may coffee shop! "Sabi ko nga magsisimula na tayo." Sabi ni Sir Mike nang hindi pinansin ni Lucas ang sinabi nito. Ang sama talaga ng ugali, grabe! Tapos, ano daw? Photoshoot? Bakit? Para saan? "Girl, tayo ka na diyan. Magsisimula na tayo after magbihis ni Lucas." Sabi nung staff na nakausap ko. "Um, hi! May tanong lang ako. Bakit siya? I mean, sino siya?" Tanong ko dito bago tumayo. Nanlaki naman ang mga mata nito sa sinabi ko. "Seryoso ka?! Hindi mo siya kilala?! Si Lucas Cabrera 'yan! Artista at model, kilala siya dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Siya din 'yung anak nung may-ari nitong entertainment. Jusko, girl! Saan ka ba nakatira?" "Ay, weh? Sorry, hindi ko siya kilala." Sabi ko sabay taas ng kilay. Nagkatitigan kami tapos ay sabay na tumawa. "Ang taray naman ni Ate Girl! Btw, I'm Rica, Rico 'yung original pero hindi ko bet." Ani niya sabay tawa. Natawa din ako sa paraan nang pagpapakilala niya. "Lian. I'm Lian, maganda lang" Magtatawanan na sana ulit kami nang bigla kaming tinawag ni Sir Mike. Pumunta na ako sa pwesto ko at maghahanda na sana nang malaglag 'yung keychain ko. "OMG! Sir Lucas, iba ka!" Narinig kong ani ni Rica. Nakalabas na ata sa dressing room si Lucas. Agad ko namang pinulot ang keychain at nagtaas ng tingin. Shems! Ang hot ni Lucas! Pagka-angat ko lang naman nang tingin, bumungad sa akin si Lucas. Take note, naka suot siya ng black coat pero walang panloob. Kaya naman, kitang-kita ko 'yung abs niya sa malapitan! Hindi ko tuloy maiwasang mamula. First time ko mag picture ng mga ganto, no! "Hey! Let's start! I have something else to do." Sabi ni Lucas na nakapagpabalik sa akin sa wisyo. Tumango ako at sinabi dito na magsisimula na kami. Lumipas ang 30 mins nang walang nagsasalita sa amin, kahit 'yung mga staff. Magsasalita lang ako if ever na may konting mali sa pose ni Lucas. Nang matapos na kami ay nagulat ako nang lumapit sa akin si Lucas. Umatras ako at iniharang ang mga kamay sa harap nito. "What are you doing?" Tanong nito habang naka taas ang kilay. "Ah, e-" Hindi pa ako tuluyang nakapagsasalita nang putulin niya ito. "I want to see my photos." Sabi nito sabay kuha sa aking camera. Damn, i look so stupid! Ano ba kasing naisip ko at iniharang ko ang mga kamay ko? It's so embarrassing. "Is this already enough?" Tanong nito sa akin. Tumango ako dito. Hindi ako makapagsalita, may something sa akin na pumipigil. In short, he's intimidating. Walang pasabi nitong ibinigay ang aking camera at pagkatapos ay pumunta sa dressing room. Grabe! Sobrang daming naganap ngayon. Need kong i-chika kila Savannah 'to. Nang masigurado kong tapos na at wala na akong gagawin ay nagpaalam na ako kila Rica. Sabi pa nito ay tuwing weekend lang ako papasok since substitute lang naman ako at naghahanap sila ngayon nung graduated na. Pagka-uwi ko sa bahay ay may tao akong hindi inaasahan na makita. "Oh, Lian! Andyan kana pala. Nandito pala 'yung-" Hindi ko pinatapos na magsalita si Mama, naiinis ako. "Anong ginagawa niya dito?" Tanong ko kay Mama. Nakita ko naman si Tita na nakatingin sa amin. Kalalabas niya lang galing ng kusina. "Ate, alam mo? Ang gulo ng buhay niyo." Umismid ito pagkatapos niya itong sabihin at pumunta na sa kwarto nito. Hindi pinansin ni Mama ang sinabi ni Tita at sinagot na lamang ang tanong ko. "Ano pa ba? Syempre para bumalik sa atin." Nakangiting sabi ni Mama sa akin. Magsasalita na sana ako nang lumapit si Papa sa akin. "Anak, can you give me a chance?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD