"Anak, can you give a chance? I promise hindi ko na kayo iiwan, magpapakatatay na ako sa inyo." Sabi ni Papa habang nakangiti at hawak ang balikat ko.
Napahilamos ako sa mukha dala ng frustration.
After nung 12 years nang hindi niya pagpaparamdam, babalik siya na parang walang nangyari? Bakit? Para saan pa? Okay na naman kami na wala siya.
"Anong pinagsasabi mo? Pwede ba? Umalis kana at 'wag nang babalik pa!" Sigaw ko dito.
Ang kapal ng mukha niyang bumalik after niya kaming ipagpalit sa kabit niya, tapos hindi pa siya nagparamdam sa nakalipas na 12 years.
Sobrang sakit sa kalooban, lalo na't siya 'yung close ko, mainit kasi lagi ulo sa akin ni Mama.
"Anong drama 'yan, Lian? Ayan na nga siya 'di ba, bumalik na siya. Mas mayaman kaysa noon. Ano pa bang inaarte mo diyan?" Tanong ni Mama sa akin.
Hindi ko na napigilang umiyak. Oo, matapang ako. Pero 'pag dating kay Mama, kahit konting bagay lang 'yan, iiyakan ko.
"Mama naman, kaya naman po nating mabuhay kahit wala siya. Nakaya nga po natin sa nakalipas na 12 years, eh. Hindi po natin kailangan ng pera niya!" Sigaw ko.
I'm so frustrated, why do i feel like no one understands me? Bakit parang 'pag ako, bawal lahat?
"Tigilan mo 'ko, Lian. Halika na, Francis. Bakit ba kailangan mo pang hingin ang permiso niya? Anak mo lang naman siya." Sabi ni Mama bago inakay si Papa papunta sa sala.
Pinunasan ko ang aking mga luha at huminga nang malalim.
Hindi pwedeng lagi nalang akong iiyak. Minsan, kailangan ko ding magsalita para malaman nila ang side ko...
Sinundan ko sila sa sala. Nakita ko silang nakaupo at nanonood ng tv.
"Ma, papayag ka talaga na bumalik siya sa 'tin? 'Di ba sinaktan ka niya?" Malumanay na tanong ko sa kaniya.
Hangga't maaari ayokong masigawan si Mama, nasigawan ko na siya nung isang araw about kay Lola. Ayoko nang maulit 'yon.
Napataas naman ang kilay ni Mama at tumayo. "Hanggang kailan kaba matatapos sa drama mong 'yan? Pwede ba, Lian? Tigilan mo 'ko! Wala kana ba talagang respeto? Hindi naman kita tinuruan na maging bastos, ah?!" Sigaw nito sa akin.
Hanggang kailan ba siya magagalit sa akin? Sa t'wing makikita niya ako, laging mainit ulo niya sa akin.
"Ma, parang wala naman po akong matandaan na may tinuro kayo sa akin?"
Nagulat ako nang sinampal ako ni Mama.
Muntik na akong matumba dahil sa lakas ng sampal na 'yon. Hinawakan ko ang aking pisngi at hinimas 'yon para mabawasan ang hapdi.
"Siguro naman nagising kana sa kahibangan mo?" Nanlalaking matang tanong niya sa akin.
Tinignan ko lang siya at lumabas na ng bahay.
"Sige, umalis ka! 'Wag ka nang babalik! Peste ka!" 'Yan ang huli kong narinig mula sa kaniya bago ako makalabas nang tuluyan.
Simula bata, ganiyan na talaga siya sa akin. Minsan nga, hindi ko maiwasan na magtaka. Bakit kaya ganon si Mama sa akin? Baka siguro ampon ako?
Eh, imposible naman. Kamukhang-kamukha ko kasi si Papa.
Naglakad-lakad ako hanggang sa mapunta ako sa park. Naupo ako sa isang swing at inilabas ko ang aking cellphone.
Sinubukan kong tawagan si Savannah.
"Hey. Are you busy?" Tanong ko nang sagutin ni Savannah ang tawag ko.
"I'm not, what's the matter?" Tanong nito sa akin.
Huminga muna ako nang malalim bago ko ikinuwento ang lahat sa kaniya.
"Omg! What's wrong with Tita Shiela?!" Gulat na tanong nito.
Napatawa nalang ako sa boses nito. Para kasing tanga 'yung tono. Parang chismosa na may halong arte 'yung boses.
"I also don't know. Can you help me find an apartment? Lend me some money too. I'll pay you next week." Sabi ko dito.
Bumuntong hininga muna ito bago sumagot. "I'm so sorry, Lian! You know naman na you can't stay here, 'di ba? Also, i'm not allowed to go outside. You know? My mom won't let me. I'll just send some money to your account." Nahihiyang sambit nito.
"It's fine. You don't need to feel sorry. Maghahanap nalang ako ng apartment."
Narinig ko ulit na bumuntong hininga siya.
"I'm really sorry, Lian. Goodbye na, it's already 10 pm. I'm not allowed to use my phone." Ani nito bago pinatay ang tawag.
Grabe, sobrang nakakasakal 'yung sitwasyon niya. Parang wala na siyang control sa buhay niya. Hays!!
Tumunog ang cellphone ko.
Tinignan ko ito at nakita kong nag send si Savannah ng 20,000 sa account ko.
Ang yaman talaga ng babaeng 'yon.
Itinago ko na ang cellphone ko sa aking bulsa at tumingin sa langit.
Tumingin ako sa buwan at mga bituin na nasa langit. Ewan ko, pero sa kalangitan ko lang nahahanap 'yung kapayapaan na hinahangad ko.
Tumayo ako para umalis. Baka kung ano pang mangyari sa akin kung magtatagal pa ako sa lugar na ito. Madilim pa naman.
"What the f**k?" Kinakabahan kong sabi nang makakita ako ng ipis.
Dahan-dahan akong naglakad paalis para hindi ako maliparan.
Akala ko ay makaka-alis na ako nang bigla itong lumipad sa akin.
"Wahh! s**t!! Go away!! Wahh!!" Sigaw ko habang tumatakbo at pinapagpagan ang aking sarili.
Para siguro akong tanga na nagtatatakbo dito sa park, pero wala akong pake. Mag-isa naman ata a-
"What the f**k, Miss?! You're so loud! Can't you see you're not alone?!" Sigaw nung lalaki nasa bench malapit sa swing.
Hindi ko makita ang itsura nito dahil nasa diliman ito.
Paatras na sana ako nang tuluyan itong masinagan ng ilaw.
"Lucas?!" Well, si Lucas Cabrera lang naman 'yung nasa harapan ko ngayon.
"You, again?! Are you stalking me?" Lumapit ito sa akin habang nakataas ang mga kilay.
Napasinghap naman ako sa sinabi nito. "Sorry to burst your bubble but, i'm not. So, dream on." Nakangisi kong sabi dito.
Sasagot na sana ito nang mapalitan ng gulat ang mukha nito.
"What's the problem?" Tanong ko dito.
"H-hey, d-don't move." Nauutal nitong sabi.
Agad naman akong natakot sa sinabi nito at unti-unting lumapit dito.
"H-hey! I s-said d-don't mov- Ahhh!" Sigaw nito nang lumipad ang ipis sa kaniya na nanggaling sa akin.
Pinagpagan nito ang sarili at nagtaton-talon.
Nagulat ako sa inasta nito. Itong aroganteng 'to? Takot din sa ipis?! Hindi ko maiwasang matawa sa isip ko.
"Hey?! What are you looking at?! Aren't you gonna help me?!" Sigaw na tanong nito habang natatarangtang nagpapagpag.
Tinawanan ko lang ito.
The f**k?! The famous arrogant Lucas Cabrera is also scared of cockroach?!
Napailing ito.
Lalayasan ko na sana ito nang may bigla itong gawin na hindi ko inaasahan.
Hinawakan nito ang aking kamay at tumakbo.
Wala akong nagawa at napatakbo na rin.
There's a weird thing that i felt when he holds my hands.
Parang nag slowmo ang lahat, habang nakatitig lang ako sa seryosong mukha ni Lucas.
Nagulat ako nang tumingin din ito sa akin. Mag-iiwas na sana ako ng tingin nang mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa aking kamay.
Sinubukan kong alisin ang kamay nito pero hindi niya ako hinahayaan.
What the f**k are you doing to me Lucas Cabrera?