Chapter 1 : Coffee

1090 Words
Sobrang hirap bumangon lalo na kung hindi mo alam kung saan magsisimula. Minsan, napapaisip ako, 'What if ipinanganak ako sa ibang pamilya? Ano kaya magiging buhay ko? Mababawasan kaya 'yung problema ko o madadagdagan?' "So, ayon nga. We decided na tulungan kang ma-complete 'yung mga kulang mo kay Mr. Martinez. Wala na naman kaming gagawin kaya matutulungan ka namin." Sabi ni Hadley habang nakatingin sa akin. Nalulunod talaga ako kapag tinititigan 'yung mga mata niya. Ewan ko ba, kalog din naman siya pero may mga oras talaga na ang seryoso ng mukha niya. She was a bit intimidating. "Ha? Sure kayo? Hindi ba dapat nagpapahinga kayo?" Nahihiya kong tanong sa mga ito. Sobrang dami na kasi nang naitulong nila sa akin. Hindi ko alam kung paano sila masusuklian. "Mas sure pa sa sigurado." Sabi ni Avery sabay nginitian ako. Si Hadley, Avery, at Athena lang ang nandito ngayon. Si Savannah kasi sa ibang school pumapasok. Kaming apat naman nag-aaral sa isa sa mga universities na kilala dito sa Pilipinas. "Thank you talaga, guys." "Hoy! Alam ko 'yang mga galawan na 'yan. Nahihiya ka! Duh! 'Wag kang mahiya, parang 'kala mo others, eh." Balak pa sana akong kaltukan ni Athena nang pitikin siya ni Avery. Napakagulo talaga nila. Si Athena maingay, si Avery taga-awat, si Savannah mahilig manghampas, at si Hadley nakatingin lang 'lagi. "Pero seryoso, kita nalang tayo mamaya sa coffee shop, dun na lang tayo magsimulang gumawa ng mga pending activities mo. Malapit na kasi magsimula 'yung class, una na kami." Sabi ni Athena, pagkatapos ay umalis na kasama si Avery. Nang tinignan ko naman si Hadley ay sumenyas lang siya na aalis na din daw siya. Tinanguan ko lang ito at umalis na din. Hindi kasi kami magkakaklase ngayong first sem. Until this day, i'm still wondering kung paano namin natagalan ang isa't isa. Ako at si Hadley, simula 4 years old kami, magkaibigan na kami. Samantalang si Athena at Avery naman ang magkaibigan simula bata. Tapos si Savannah naman pinsan si Hadley. So ang alam ko lang kaya kami naging magkakaibigan, kasi magkakapitbahay kami. Nang makapasok na ako sa classroom ay agad na akong umupo. Kung bakit ba naman ang malas ko, si Mr. Martinez pa 'yung prof ngayon. "Ms. Sierra, when do you plan to complete all of your missing tasks in my subject? Hindi mo ata siniseryo ang itinuturo ko." Sabi ni Mr. Martinez nung makapasok siya sa classroom. Bakit ba kasi ako ang nasa unahan?! Magpapasalamin na talaga ako, shems! Tumayo ako at tinignan ito. "I'm sorry, Sir. Ipapasa ko po lahat this week." "Good! 'Kala ko ay puro gala at harot lang ang balak mong gawin." Huli nitong sabi bago magturo. Napakuyom ako ng aking kamay. Like, wtf?! Puro gala? Paano niya nasabi? Dahil sa mga posts ko? He's unprofessional. Is he a prof? He didn't even know what i was going through right now, then he bases what he says on my old posts on my social media accounts? Lumipas ang klase namin nang may sama ako ng loob. Nakakairita. I know na mali ako kasi kung ano man 'yung problema ko sa bahay dapat inihihiwalay ko sa pag-aaral ko, pero hindi din naman ata tama na sabihin niya 'yung mga ganong bagay sa akin. Kung ano man 'yung pinopost ko dapat labas na siya don, pwede naman niyang sabihin sakin na kumpletuhin ko 'yung mga pending activities ko sa kanya nang walang halong pangungutya. "Grabe! 'Buti hindi mo sinagot! Shems! Ako natakot para sa 'yo, ramdam ko 'yung pagpipigil mo that time." Ani ni Savannah habang mahinang tumatawa. Kasama namin siya ngayon kasi tapos na klase niya. Hindi naman gaanong malayo 'yung school niya sa amin, kaya 'pag may gala after ng klase nakakasama siya. "Duh! Ayokong bumagsak 'no!" Ani ko dito. Mahina kaming nagtawanan, nasa loob kasi kami ng coffee shop kaya iniiwasan namin ang mag-ingay. May mga nag-aaral din kasi sa paligid namin. We don't want to disturb them. Sure naman akong dito sila nag-aral kasi tahimik. Kahit ako din naman, mas gustong mag-aral dito kaysa sa bahay na puro sigawan. Ang in-order namin ay tatlong caffe mocha para sa amin nila Avery at Savannah. Dalawa namang caramel macchiato para kila Athena at Hadley. Nang mapatingin ako sa labas ay may nakita akong lalaki na naglalako ng mga keychain. May nakita akong pusa at aso don kaya naisipan kong bumili. Tumayo ako at isinama ang aking coffee. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Avery nang mapansin na tumayo ako. "Bibili lang ng keychain sa labas." Sabi ko sabay itinuro si Manong na nagtitinda. Napataas ang kilay ni Hadley nang makitang hawak ko ang kape ko. "You will take your coffee with you?" Tanong nito. Tinanguan ko lang ito at mabilis na lumabas nang makita kong paalis na si Manong na nagtitinda. "Manong, wait!" Sigaw ko at nilapitan ito. Tumigil naman 'to at ibinaba ang tindang buhat niya. "Magkano po dito?" Tanong sabay inilahad ang tatlong keychain na pusa at aso. "Ah, 60 po Ma'am." Ani nito sabay ngiti sa akin. Agad ko namang binayaran iyon, balak ko na sanang bumalik nang may makabangga sa akin. Natapon ang coffee at mga keychain na dala ko. Napaupo din ako sa lakas nang pagkakabangga sa akin. "Aww, shems!" Daing ko nang makitang may galos ang siko ko. "f**k!" Rinig kong sabi nang nakabanggaan ko. Nang mag-angat ako nang tingin ay bumungad sa akin ang nakatayong matangkad na lalaki at may suot na shades. Matangkad siya at maputi, masasabi mong may lahi ito dahil sa anyo nito. "Look at what you've done! You just spilled your coffee on my shirt!" Iritadong sambit nito habang itunuturo ang suot. Nang pagmasdan ko ito ay may mantsa ng kape sa coat at puting t-shirt nito. "Omg! I'm sorry!" Ani ko at tumayo para sana lapitan siya, nang bigla itong umatras. Tinitigan ako nito na para bang kinakabisa ang itsura ko. Balak ata akong ipadukot, just kidding. "You know what? Just get out of my way, stupid." Ani nito. Agad napaawang ang aking bibig. Hindi din nakagalaw sa gulat dahil sa mga sinabi nito. "Aish, s**t!" Ani nito. Akala ko ay aalis na ito pero bago siya makaalis, binangga niya muna ang balikat ko. Shems?! Ang sama ng ugali niya, ah! Stupid daw? Baka stupid din siya! Hindi niya naman ako mababangga kung nakatingin siya sa dinadaanan niya! Pogi sana, ang sama naman ng ugali! Pinulot ko nalang ang mga keychain kong nalaglag at bumalik na sa loob n g coffee shop. Napakamalas talaga ng araw na 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD