Chapter 4 : Call

1015 Words
"Bitawan mo na nga ako. Sungit-sungit mo tapos takot ka pala sa ipis." Sambit ko kay Lucas na masama ang tingin sa akin ngayon.  "Shut up." Masungit na sabi nito.  Nagkibit-balikat lang ako at lumakad palayo. Balak kong maghanap ng apartment ngayon, hindi ko kasi alam kung saan ako matutulog.  "Hey! Where are you going?" Sigaw ni Lucas.  Lumingon akong nakangisi dito.  "Uuwi, bakit? Concern ka sa 'kin 'no?" Ani ko habang nilalapitan siya.  Kumunot naman ang noo nito sa akin. "Sus! Umamin kana kasi! Ako lang naman 'to!" Patuloy na pang-aasar ko sa kaniya. Akala ko ay aalis na ito at iiwan ako ngunit lumakad ito papalapit sa akin. "H-hoy! Anong gagawin mo?!" Pasigaw na tanong ko dito. Ngumisi lang ito at yumuko para magkatapat ang mukha namin. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Aatras na sana ako nang kinabig niya ang aking beywang at inilapit sa kaniya. "A-alisin m-mo 'yung kamay mo! U-uuwi na 'ko! 'Pag hindi mo 'ko binitawan, duduraan kita!" Sabi ko habang iniiwas ang tingin dito. Hindi ko naman talaga siya duduraan, gusto ko lang talagang makawala. Punyemas kasi, kinikilig ako!! Itinaas niya ang kaniyang kamay at hinaplos ang pisngi ko. "Hmm, really? Go on." He chuckled. Napataas ako ng kilay dahil dito. Bakit ang attractive niya sa lahat ng bagay? Okay na talaga sana, eh. Sablay lang sa ugali. "Alisin mo na kasi 'yang kamay mo! 'Kala mo naman may epekto sa 'kin 'yang kabalbalan mo!" Sabi ko dito habang nagpupumiglas. "Then, why are you blushing?" Sabi nito habang inilalapit pa ang mukha sa akin. Sisigaw na sana ako nang may maisip ako. Ayaw mo 'kong pakawalan, ha? "Ahh, s**t!" Ani ni Lucas nang bigla kong tapakan ang paa nito. "Napakaharot mo kasi, 'yan tuloy! Magtanda ka, haliparot!" Sabi ko bago naglakad palayo. "You'll pay for this!" Sigaw nito sa akin. Kinawayan ko lang ito saglit bago umalis. Hays, nakalayas din sa bwisit na 'yon. Kanina pa 'ko naglalakad pero wala pa rin akong mapuntahan na apartment. Hays! Kasi naman, bakit pa siya bumalik?! Napabuntong hininga na lamang ako. Nakakapagod, gusto ko nang humiga sa kama. Uupo na sana ako sa gilid ng kalsada nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang makita kong si Hadley ang tumatawag ay sinagot ko ito. "Hello, Hadley? Why are you calling?" Bungad ko nang masagot ko ang tawag. "Savannah told me everything. Where are you?" Tanong ni Hadley na mukhang inaantok na. "Here sa..." Lumingon ako sa paligid upang malaman kung nasaan ako. "Where?" Tumingin pa ako sa iba pero hindi ko talaga malaman kung nasaan ako. Sa paghahanap ko ng apartment hindi ko na alam kung saan ako napunta. "Open your phone's GPS." Kalmadong sabi ni Hadley. "Okay na." Sabi ko dito. "K, wait me there." Sabi nito bago pinatay ang tawag. Kapag siya talaga kausap ko, kailangan kong magseryoso. May mga araw naman na sobrang daldal niya.. Ah, basta! Ang gulo niya! Naghintay pa ako nang ilang minuto bago ko nakita ang sasakyan ni Hadley. "Bakit mo pa 'ko sinundo? Wala ka bang ginagawa?" Tanong ko dito habang kinakabit ang seatbelt. Tinignan ako nito bago pinaandar ang kotse. "Kakatapos ko lang mag review. I was about to sleep, kaso nakita ko message ni Savannah. BTW, i'm sorry late kitang nasundo. Hindi ko kasi nakita agad 'yung message." Sabi nito habang nakatuon ang mga mata sa daan. Tumango lang ako dito. Hindi na ito nagsalita kaya naman sobrang tahimik. Ewan ko ba pero night trips always hit different. Sobrang sarap sa pakiramdam ng katahimikan. "Your Dad came back?" Basag ni Hadley sa katahimikan. "Unfortunately, yes." Hindi ko napigilan ang sarili at napataray. Naiirita ako 'pag naaalalang nasa bahay siya. "Why?" Tanong ni Hadley. "I also don't know. Basta pag-uwi ko nasa bahay na siya, tapos si Mama naman tinanggap siya agad. Mayaman na daw kasi." Napangiti ako nang mapait. Nakakainis! Ayokong isipin na mukhang pera si Mama, pero hindi ko maiwasan. "Tsk. Money, again? Disappointed but not surprised." Ani ni Hadley habang umiiling. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito. "Why? Did something happened?" "Wala naman. Ganon pa rin as usual." Ani nito. Nang nakarating kami sa bahay nila ay agad niyang itinuro sa akin ang kwarto ko at 'yung mga damit na ipapahiram niya sa 'kin. Inaantok na siguro talaga siya. Nag shower muna ako bago humiga. Napansin ko lang, 'pag may problema ako nandiyan 'lagi sila, silang mga kaibigan ko. Samantalang, 'yung pamilya ko naman 'yung nagbibigay sa 'kin ng problema. Hays! Sakit sa head! Nagpatugtog na lang ako ng music at humilata, hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Isang nakabibinging call ang gumising sa 'kin. Nang tignan ko ang sino ang tumatawag at kung anong oras ay nairita agad ako. "Ano ba, Athena? Sunday ngayon! Pwede ba patulugin mo 'ko." Tinatamad kong sabi dito. Narinig ko naman ang pagsinghap nito. "Kaya ka siguro napuyat dahil sa kaharutan mo dito sa picture 'no?!" Pasigaw na sabi nito. "Anong bang pinagsasabi mo? Tigilan mo nga ako." Naiiritang sambit ko dito. "Ah! So, hindi mo alam na trending ka?" Sabi nito. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nito. "Anong trending?! Sino?! Ako?!" Natataranta kong tanong. "Tignan mo 'yung gc natin, nakapaharot mo! Pero, infairness! Likod pa lang ni Kuya pogi na-" Hindi ko na siya pinatapos magsalita at agad na tinignan ang gc namin. Agad na nanlaki ang mata ko nang makita ko ang tinutukoy ni Athena. Nakita ko din naman agad 'yung mga messages nila. Grabe, napakasiraulo talaga! @Avery: Ay! Kaya naman pala! May ichi-chika sana ako sa 'yo kagabi, kaso 'di ka online. 'Yun naman pala, humaharot ka!! @LianSierra @Athena: Iba talaga ang kamandag ng isang Lian!! @Savannah: Grabe, online sikat! HAHAHAHA @Hadley: Oww, okay. @LianSierra Napasabunot naman ako sa ulo. Hays! Sinong kumuha nito?! Nakatingin ako ngayon sa picture namin ni Lucas. Hawak ni Lucas ang beywang ko na nakatalikod sa camera, habang kitang-kita naman 'yung gulat kong mukha sa camera... Bwisit! Pwede na talaga ako maging farmer, ang dami ko nang naitatanim na sama loob, sa totoo lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD