Alexandra Pagkatapos naming pumunta sa opisina ni Sir Francis dahil gusto nga malaman ni Gab ang totoo ay dumeretso na kami sa mall para kumain at gusto ko na rin magtanong-tanong sakanila kung may available na slot pa sa trabaho. Kahit anong trabaho na lang papasukin ko. Kailangan na kailangan ko kasi eh, saka nakakahiya naman kasi kay Mikaela kung hindi ako tumulong sakanya sa mga bayarin sa bahay. Niloloko ko na nga sila hindi pa ako tutulong. Haynaku. "Gusto mo bang kumain muna bago tayo magtanong-tanong kung anong mga available na trabaho dito sa mall na pwede sa iyo? Gutom na kasi ako eh, baka pwede naman kumain muna tayo?" yaya ni gab sa akin Oo nga naman, kanina pa niya ako kasama pero hindi pa pala kami kumakain. Kaya pala todo katok na ang mga ito sa tyan ko. Gutom na rin pala

