Mikaela After 1 year.. Hindi ko akalain na isang taon na pala ang nakalipas simula noong mawala sa pader namin si Alexandra. Minsan hindi namin maiwasan na hindi siya maisip, naging kaibigan pa rin namin siya kahit papaano. Kahit sabihin na hindi totoo ang ilan doon, alam ko naman na kahit papaano ay may mabuti pa rin siyang puso. Kaso lang, kapag iniisip naming tatlo ang ginawa nilang panloloko sa amin. Hindi namin maiwasan na hindi magalit. Hindi pa rin namin makalimutan ang kahapon kahit ang tagal na noon. "Girls, kumain na tayo. Tama naman na muna ang trabaho, masyado na kayong babad dyan. Umupo na kayo dito, hindi magandang paghintayin ang pagkain hindi ba?" sabi ko kina Sky at Paris Umupo na sila sa dining area at sumandok ng kanin. Kumuha ng ulam at masarap na kumain. Tingnan mo

