Gab "Halika na, kumain na tayo. Hindi ba may pupuntahan ka pa pagkatapos nito? Ihahatid na lang pala kita doon, hindi naman tayo makikita ni Sky eh ha?" sabi ko kay Alexandra habang inaayos niya pa ang damit niya "Nako, huwag ka na mag-abala pa. Ayos na sa akin iyon. Kahit dyan na lang sa may gate mo ako ihatid mamaya pagkatapos natin kumain, okay na ako doon." sagot naman niya sa akin Talagang ayaw niya na mahuli kami, ma-ingat siya sa bawat galaw. Malulusutan naman namin iyon kung sakali man na may makakita samin pero mas pinili pa din niya na huwag na lang. Paano kaya niya natatago iyon kay Sky? Tulad din kaya ng pagtatago ko sa girlfriend ko? "Haynaku, ayaw na ayaw mong mahuli talaga tayo ano? Kaya ko naman lusutan iyon kung sakali. Ang laking tanga naman ni Sky eh, walang alam sa

