Mikaela Dahil stressed na kaming tatlo nina Sky at Paris sa kakaisip kung totoo ba ang mga haka-haka namin ay naisip ko na lang na i-treat ko na lang sila, matagal na kasi noong huling bonding naming apat. Ang pinagka-iba nga lang ngayon ay tatlo muna kami. Lagi ko na kasi kasama iyong babaeng si Alexandra kaya naman hindi ko na nabibigyan ng importansya itong dalawang 'to. Minsan nga iniisip ko kung nagtatampo kaya sila sa akin dahil halos hindi na pantay ang pagtrato ko sakanila? Naku, baka nasa isip ng mga 'to na favorite ko si Alexandra at wala na akong pakialam sakanila ah? "Tutal wala naman si Alexandra ngayon dito sa bahay. What if umalis muna tayo para naman makapag-isip tayong lahat? Hindi ba? Isa pa, matagal ko na kayong hindi nakakasama kasi lagi na akong naging busy simula no

