Sky Habang umalis na sina Mikaela at Alexandra for work ay naiwan naman kami ni Paris dito sa bahay. Callcenter agent kasi ako at mamayang 12pm pa ang shift ko kaya nandito muna ako sa living room habang nanunuod ng TV. Samantalang si Paris naman ay maiiwan dito sa bahay ni Mikaela dahil ang trabaho niya ay home-based teaching. Hindi ko nga alam doon kung paano niya naiintindihan ang mga estudyante niya, mga japanese naman kasi halos lahat ng iyon. Nanunuod ako ng telenobela, tungkol sa isang babaeng tanga sa pag-ibig. Dahil daw ang boyfriend na niya ang nakauna sakanya ay hindi na raw niya kayang ibigay pa ang sarili niya sa iba. Teka, buhay ko ba ito? Naalala ko nanaman ang sarili ko noong unang beses akong nagalaw ni Lucas Gabriel. Samantalang ngayon, ibang-iba na kaming dalawa sa is

