Walang ibang ginawa si Brittania kundi inisin ako, nung isang araw pa 'to. Nakakawindang naman din si Genesis minsan maayos, madalas hindi.
Sa Isang linggo ko rito, naging close ko sila Jude at Mela.
“Tulala lang sa hallway at nagmumuni-muni~” Kanta ni Mela sa tabi ko, nailing ako sa kalokohan nya. Sinong hindi matutulala? buti pa sila hindi madiskitahan ni Brittania, eh.
“Mela, tell me, bakit may clown do'n? Circus na ba ang school?” Turo ko kay Brittania, punong puno ng koloreta ang mukha.
Nahamapas naman ako nito sa braso tsaka tumawa nang tumawa. “Gsga!”
Dalawa lang kami ni Mela na nakatambay ngyon dahil busy much ang President Jude.
Sabay kaming nabaligwas ng kilos nang tumunog ang cellphone ni Melaria. Nagpaalam sya na aalis muna, may meeting raw sya. Tumango ako at nanatiling nakaupo.
Busy much sya sa career nya, singerist kasi si Melaria. Ako kasi, singer lang sa banyo.
Isang malakas na yabag naman ang patungo sa kinauupuan ko, 'kala mo eh bigat na bigat sa sapatos.
“Can you please help me? para naman may sense 'yung pag upo mo.” Madiin nitong utos, nilingon ko pa ang paligid ko.
Tinignan ko ito tsaka tinuro ang sarili ko, “Ako ba?” He nodded. Kapal naman ng apog nitong utusan ako.
“May mapapala ba ako r'yan, Genesis?” Taas kilay kong tanong sa kanya. May dala dala itong dalawang kahon sa magkabilaan nyang kamay.
“I'll treat you. Now, help me first.” Nilapag nya ang karton, malakas naman ang lagapak no'n sa sahig.
Kinuha ko iyon at mabigat, as in! Magkakamuscle ako dahil dito.
“Sa'n mo 'to dadalhin?”
“Somewhere.” Maikli nyang sagot, tinabig ko naman ito dahilan ng pagbitiw nya sa dala nyang karton.
Sinamaan nya ako ng tingin tsaka nailing, dinampot nya ulit ang karton. “Sa library, wala 'yung staff.” Napatango ako rito.
Sinusundan ko lang ito hanggang makarating kami ng Library. Ibinaba namin ito malapit sa Librarian.
“Thank you, Genesis.” Ani nito.
“Always welcome, Ma'am.”
Lumabas kami ng Library, may mga students naman kasi sa loob at nag aayos ng books. Nakasunod lang ako rito hanggang nakaabot kami ng Gate.
“Buntot na ba kita?” Pinalo ko ito sa braso sa sinabi nya, gsgo ba sya? lilibre na pa ako eh.
“Mama mo buntot. Lilibre mo'ko, 'diba?”
Matagal pa ito bago tumango, nginitian ko ito tsaka ko sya hinawakan sa kamay at hinila palabas ng gate. May malapit na ice cream shop dito sa school. Dumaan kami nila Mela ro'n.
“Welcome!” masayang bati ng staff, marami ring tao mga taga ibang school.
Naupo ako at namili ng oorderin. I chose waffle strawberry ice cream, si Genesis naman ay namimili pa rin. “I suggest banana split.” Ani ko rito.
He looked at me atsaka binaling ang tingin sa staff na naghihintay ng order.
“Banana split.”
“Okay, Waffle strawberry ice cream and banana split!” Masayang pag ulit ng staff sa order namin, naupo kami habang hinihintay ang order.
Napansin ko na nakatingin sa gawi namin ang mga babae sa kabilang lamesa, nakatuun ang atensyon nila kay Genesis.
Alam kong napansin iyon ni Genesis kaya't lumingon na lang sya sa labas.
“Dami mo namang fan girls.” Bulong ko rito, tinuro ko ang mga babae. Inisin ko muna sya. “Gano'n talaga pag gwapo.”
Umakto ako na naduduwal sa sinabi nya, I saw him laughing. Napatigil naman ako, trot kasii gwapo sya lalo na pag tumatawa.
Kinuha ko ang phone nya at nag picture kaming dalawa, “Remembrance mo sa'kin.” Sinamantala ko na habang nakangiti sya.
“Here, ma'am and sir. Enjoy!” Dumating na rin ang order namin.
Tinignan ko ang mga babae na nag bubulungan, nakaisip naman ako ng kalokohan. Gusto ko mag evil laugh kaso nakakahiya.
Kumuha ako ng waffle at tinutok iyon sa bibig ni Genesis, nagulat naman ang mga babae na nakatingin sa amin. Ikinatawa ko ang reaksyon ni Gen kahit sya ay nagulat sa ginawa ko.
“Come on, Baby. Try this one.” Nakangiting sambit ko, ginawa naman nya ito, naramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa kamay ko.
Lambot veh!
I smiled widely, “Next time ito naman ang bilhin mo.” kinidatan ko ito, napaiwas naman ito ng tingin at namula ang tenga.
Mainit ba?
Mas lalo akong natawa nang magsialisan ang mga babae. Inirapan pa ako nung isa bago lumabas.
Sampalin ko sya eh.
“Okay, baby. Try this one too.” Napakurap naman ako ng subuan nya rin ako ng banana with ice cream.
Napakagat ako ng labi bago ko iyon kinain, indirect kiss 'yon, diba?!
Niliitan ko ito ng tingin habang nginunguya ang saging.
Ngitian ako nito ng nakakaloko, ako yung nantrip eh. Nareverse card ata ako.
“H'wag mo nga akong pagtripan!” Irita kong saad.
“Sino ba nauna? Are you freaking jealous?” Naubo ako sa pagkabigla sa mga sinabi nya, nang aasar lang ako eh nagkaro'n pa ng laman.
“As if naman, kaya ba nyang gumawa ng essay in just one minute?” Mataray na sagot ko. Kasi kung hindi, maupo na lang sya.
Pagkatapos namin kumain ng ice cream bumalik din naman ako sa classroom, alam ko may klase at mukhang nakapag cutting class ako sa isang subject.
Bumalik na rin naman si Genesis sa room nila pero bago sya umalis pinitik nya muna ang noo ko. Ano 'yon sukli?!
“Alam ko naman na medyo malapad noo ko pero gsgo ba sya?” bulong ko.
“Sino?” Boses mula sa likuran ko.
“Kausap mo?” Anas ko at nilingon ko ang nagsalita, si Ma'am Maricar! gsgi.
“Ma'am, good afternoon po, hehe.” Napakamot ako sa batok ko, nakataas ang kaliwang kilay nito habang nakatingin sa akin.
“Sa'n ka galing kanina? wala ka sa klase ko.”
“Ah...kasi po tinulungan ko si Genesis na maghakot ng books po. Sabi nya pag di ko sya tinulungan tatanggalin nya ako sa scholar.” Umakto pa ako na naiiyak.
Sandaling di umimik si Ma'am Maricar, narinig ko itong napasapo sa noo.
“Okay, may iniwan akong activity sa mga kaklase mo. Just ask Jude, mauuna na ako. Pagsasabihan ko si Genesis.” Tumango ako at di pa rin ito tinitignan, kunware e nagpupunas pa ako ng luha.
Nanatili akong nakayuko at nagpipigil ng tawa. Lagot ka ngayon, Genesis.
Nang makita kong wala na ito ay gumuhit sa labi ko ang malaking ngiti, ganti 'yon para sa pitik nya.
Masaya akong pumasok ng classroom, tinanong ko na rin si Jude about sa subject ni Ms. Maricar. Pinakopya nya ako ng notes nya.
“Sa'n ka ba galing?” Tanong ni Jude habang ngumunguya ng chips.
“Nakipag-date,” sagot ko, narinig ko na nasamid sya kaya natawa ako. Pinitik naman ako nito sa ulo. Bakit ba ang hilig nilang mamitik?!
“Oo nga, magtatanong ka tapos ayaw mong maniwala!” Anas ko tsaka ko sya inirapan. Kulit eh!
“Then, who's this lucky guy?”
Lucky guy? well trot!
“Si Gen,” Pagmamalaki ko pa.
“Nice joke, Mariana. Magsulat ka na lang, ingay mo, eh.” Tumayo ito at iniwan ako.
Totoo naman sinabi ko ah? Ulaga rin.
ARAW NG SABADO naisipan ko na maglakad lakad, puro na ako bahay at aral. May park daw malapit sa dorm, gusto ko lang mabisita.
Nadatnan ko ang mga batang naglalaro, may sorbetes also street foods na nasa tabi nito.
Sinubukan kong mag duyan muna, well namiss ko 'to. Palakas nang palakas ang pagduyan ko, inienjoy ko ang bawat pagtaas ko sa ere.
Napatigil lang ako ng may makita akong lalake na nakatingin sa akin mula sa bench, umiiling pa ito. Parang di makapaniwala na nasisiyahan ako sa pagduyan.
Napatigil ako tsaka itinaas ang kamay ko, namilog ang mata nya at namula ang ilong nung nag bad finger ako sa kanya.
Ako naman itong tumawa sa reaksyon nya. Kala mo ha! kinabahan naman ito nang lumapit sya sa akin.
“May mga bata,” Hinawakan nito ang duyan ko dahilan ng pagtigil nito.
I smiled at him, “I know, please do your task. Alagaan mo lang ang mga anak natin,” Pabirong sambit ko rito.
Tsaka naman nito binitawan ang duyan, napakurap ito sa sinabi ko, naiinis ako pag sya nantitrip eh. Dapat ako lang palagi nang iinis.
“Okay, after this we make another one.” He said at kinidatan ako, bigla ko namang ginawang pangpreno ang paa ko sa sinabi nya.
Gsgo!
Nakapamulsa ito at iniwan ako sa duyan, iginagalaw galaw pa nito ang ulo nya. Hmp!
Tumayo ako at bumili na lang ng kwek-kwek, lima benta raw e, tapos tokneneng dalawa. Fishballs twenty pesos at Kikiam 20 pesos. Halos nagulat sa akin si Manong dahil sa dami ng binili ko.
“Mauubos mo ba iyan, ija?” Tumango ako rito, “Yes, hustler ako rito, kuya.”
Naupo ako at sinimulang lantakin ang mga binili ko, natingala ako ng may maglapag ng milktea sa lamesa.
“Baka mabulunan ka,” He said, inirapan ko ito pero kinuha ko pa rin ang milktea. Sayang eh.
Kumakain din ito pero di street foods, galing 7/11 yung footlong. Rich kid moments.
“Hindi ka ba nakain nito?” Turo ko sa kwek kwek na kinakain ko. Umiling sya sa akin.
“Ano ba 'yang bituka mo, ginto?” Taas kilay kong tanong.
“I guess?” Tuhugin ko kaya sya?
Tinuhog ko ang isang kwek kwek at tinutok iyon sa bibig nya, napaawang mapula nitong labi.
“Subukan mo lang, hindi ka naman mamat4y dito.” He sighed tsaka kinain ang kwek kwek.
I pats his head, “Very good ka! May kiss ka saken!” Napakurap ito at hindi alam kung sa'n titingin, kasabay no'n ang pamumula ng kanyang tainga.
Pinatikim ko rin ang fishballs, kikiam at tokneneng sa kanya.