IKA-25 YUGTO Nagngingitngit ang loob ni Micah habang sakay siya ng sasakyan ni Jared. Hindi pa rin maalis sa isip niya kung paano siya ipinahiya ng babaeng iyon sa harap ng maraming tao at lalo na sa harap ni Luigi. Hindi siya makapapayag na makuha ng ibang babae si Luigi. “You’re scary,” natatawang saad ni Jared. Sininghalan niya ito ng tingin at humalukipkip. Naalala niyang pinagbantaan din ito ni Luigi kanina. “What’s with you and Luigi? Parang ang laki ng galit niya sa’yo,” aniya. Muli itong tumawa ngunit ngayon ay may bahid na ng pait, kitang-kita niya rin ang pagbabago ng mukha nito, biglang nanlisik ang mga mata nito. “Inagaw niya sa akin si Chelsey,” sagot nito. Literal na napanganga siya sa sinabi nito. Inagaw? That b***h? “Inagaw niya sa ’yo ang ch

