Hindi ko namalayan na napahimbing pala ang tulog ko. Napagod yata talaga ako sa byahe. Pagkagising ay nag-ayos lang ako saglit bago napagpasyahang sumilip sa silid ni Rusca. Kumatok muna ako dahil nadala na ako no'ng nakaraan na hindi ko iyon ginawa. Nang buksan ko ang pinto ay naabutan ko si Rusca na may kausap sa cellphone nito. Saglit lang ako nito tinapunan ng tingin bago nagpatuloy sa pakikipag-usap. Nag-iisip pa ako kung ano ang gagawin ko ngayong nandito na ako sa silid niya nang may kumatok sa pintuan niya. Dahil may kausap pa siya sa cellphone ay ako na iyong lumapit sa pinto upang pagbuksan ang dumating. "Room service po." Bumungad sa'kin ng ilang mga staff ng hotel na may tulak-tulak na tray ng mga pagkain. Agad kong binigyan ng daan ang mga ito na bumati kay Rusca bago d

