Nang lumapag ang sinasakyan naming private plane sa destinasyon naming isla ay may nakaabang nang mga sasalubong sa'min na staff na padala ng production. May pa-banner pa kung nasaan ay naroon ang malaking poster ng mukha ni Rusca mula sa ilang mga fans na kasamang naghihintay. Unang akala ko ay malayong isla ang pupuntahan namin tapos walang ibang tao nakakaalam tungkol dito kundi ay iyong mga kasali lang sa cast at production team ng pelikula. Mali yata ako pero mabuti na lang at mukhang walang mga reporter. Mas malakas yata ang sagap ng mga supporter ni Rusca kaysa sa mga ito. "Bakit maraming tao?" kalabit ko kay Rusca habang nakasilip sa mga naghihintay sa'min sa baba. "Akala ko ba malayong isla na 'to? Bakit parang may mga nakakilala pa rin sa'yo rito?" Ako tuloy iyong kinakabahan

