Chapter 17

3508 Words
"ohh! Ang aga mo nagising nak." Nag luluto ako ngayon ng ulam. Kagabi pa ako Hindi mapakali. I wanted to see him. Gusto ko ng makausap si Drake. Gusto ko nang linawin kung anong dapat na linawin sa pagitan naming dalawa. "Ma! Nag luluto lang po ako." Nakangiti kong sagot kay mama. Lumapit ako sa kanya at hinalikan Ito sa pisngi. "Mukha. Maayos na pakiramdam mo nak. Ano, nag kausap na ba kayo?" Tanong ni mama sa akin. Napangiti Naman ako. Kilala talaga ako ni mama. nalalaman niya agad kung malungkot ako. Oh kung may tinatago ako sa kanya. Nginitian ko si mama. " Hindi pa po ma. Pero balak kong puntahan siya sa opisina niya." Magalang kong sagot. Iginiya ko si mama paupo sa upuan. Hinainan ko ito ng pagkain na niluto ko. "Kain ka na ma." Aya ko dito. Ngumiti si mama at nag simula ng kumain. Matapos namin mag-agahan ni mama. Agad akong nag-ayos. Maaga akong pupunta sa office ni Drake. Bitbit ang mga niluto ko. Nagpaalam ako kay mama. "Ma alis po muna ako." Lumapit si mama sa akin at hinaplos ang aking pisngi. "Dalaga na talaga ang anak ko. luma-love life na" Ani ni mama habang hinahaplos ang aking pisngi. Napangiti ako. "Siya! Sige na. Puntahan mo si Drake mo!" Natatawang Sabi ni mama. "Ma!" saway ko sa pang-aasar ni mama sa akin. Kinuha ko na ang gamit ko at lumabas na ng bahay. Tumawag nalang ako ng taxi para hindi na ako mag lakad. Medyo madami dami kasi ang niluto ko. Balak ko kasing bigyan din ang mga empleyado ni Drake. Nang huminto ang taxi sa labas ng kumpanya ni Drake. Agad akong nagbayad at lumabas na. lumapit si mang Nestor sa akin. "Ohh! Ma'am jhass. Tulungan ko na po kayo." Alok nito. Nginitian ko ito at nagpasalamat. "Sige po kuha lang po kayo." Nandito ako ngayon sa front desk. Pinamimigay ko na ang pagkaing niluto ko. "Una na po ako." Paalam ko. Hindi na kasi ako makapag hintay na makita at makausap si Drake. Agad akong sumakay sa elevator ng bumukas Ito. Bitbit ko ang mga lunch box na naglalaman ng mga niluto ko. Kinakabahan? Yes. Kinakabahan ako. Lalo pa at ito ang unang beses na makakausap ko si Drake matapos ng gabing umalis siya at sinabing bibigyan niya ako ng time para makapag isip. Halos di ko namalayang nasa tapat na pala ako ng office ni Drake dahil kakaisip kung pano ko siya kakausapin. Kung pano ako magsisimula. Kanina ang lakas na ng loob kong kausapin siya. Buo na ang desisyon kong harapin siya. Pero ngayon, para akong natulos sa kinatatayuan ko. Huminga ako ng malalim bago lakas loob akong kumatok bago ko pinihit ang door knob. "Yes! Oo nga! Ako ng bahala! f**k you! Yes! Yes! Kelan ka ba kasi babalik? Nagtatanong na nga!" Pamilyar na boses ang bumungad sa akin. Nan lumo ako dahil hindi yun boses ni Drake. Nakatalikod Ito kaya hindi ko nakikita ang mukha. Pagharap nito ay bigla itong natigilan. Ngumiti Ito sa akin at muling nagsalita. "Yes! Hung up na ko buds. Bebe love mo Nandito. Tsk! Shut up!" Pag kasabi niyon ay pinatay na nito ang tawag. He put the phone on the pocket of his jeans. Pagkatapos ay umupo Ito sa lamesa. "Ohh! What are you doing here?" Gulat nitong tanong. Pero mukhang alam naman nito kung ano talaga ang pinunta ko dito. "Ohh! Have a sit. Baka mangalay ka. Patay nanaman ako sa gagong yun." Nilahad nito ang kamay papunta sa sofa dito sa loob ng office ni Drake. Naglakad ako pa upo sa pang isahang sofa. "So you looking for him?" Nangingiti nitong tanong. Tila tinutudyo ako. "Nasaan si Drake? Bakit ikaw ang nandito?" Naguguluhan kong tanong. "His somewhere else." Sagot nito. Tumalim ang tingin ko sa kanya. Nitong nakaraan niya pa yan sinasabi. Bakit ba ayaw nilang sabihin kung nasaan si Drake? "Wohh! Easy. Don't stare at me like you gonna kill me." Ani nito habang tumatawa. Kaya mas tumalim ang tingin ko sa kanya. I gave him a deadly glared. 'sige wag mong sabihin kung nasaan ang lalaking yun. Sasakalin kita yan ang ibinibigay kong minsahe sa pamamagitan ng titig. "Okey! Fine! Fine! Bakit ba palagi nalang akong nasasangkot sa nga away love life niyo! Una kay Jordan. Pangalawa kay Drake! What pitty life I have!." Tumayo ito at nag lakad sa sofa katapat ng sofa na inuupuan ko. Dumikwatro ito ng upo bago tumingin sa akin. "So what do you want?" Tanong nito habang hinihilot ang ulo. "Nasaan si Drake? Bakit wala siya dito? Bakit ayaw niyang sabihin kung nasaan siya? Bakit...." "Wait! Wag kang excited. One question at a time lang tayo. Alam kong gwapo ako but I'm not intelligent like Einstein. Kaya hinay hinay lang." Natatawa nitong sabi. Napahiya Naman ako at yumuko. Ang dami ko kasing gustong itanong sa kanya. Inangat ko ulit ang tingin ko at sinalubong ang tingin ni Cy. "First question. Drake's not here. f**k! Pag malamang ni Drake na sinabi ko ito sayo siguradong. Tsk! Nevermind!" "Nasaan siya?" Agad kong tanong sa kanya. Kinamot muna nito ang gilid ng labi bago sumagot. "His in New York." Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib sa sinabi ni Cy. Drake was in New York. Bakit hindi Niya sinabi sa akin? Bakit Niya nga ba sasabihin sa akin? Kaano-ano Niya ba ako? And beside this is what I want in the first place. "But don't worry he'll comeback." Segunda ni Cy ng matahimik ako. "For sure di kanun matitiis. Malapit na nga yung mabaliw ngayon. Mabuti nalang talaga...." Napahinto Ito sa pagsasalita ng parang may biglang naisip. "Mabuti nalang na ano?" I curiously asked. "Nothing! So, how about you? Why are you here? Don't tell me you missed him? Siguradong uusok pwet nun pabalik pag sinabi mong miss mo na yung loko na yun." Pag-iiba nito ng topic. " I need. To talk to him. May kailangan lang akong sabihing ng personal. But his not here." Sagot ko na mababakasan ng lungkot. "You want me to talk to him?" Tanong ni Cy. Agad ko itong pinigilan ng akmang tatawagan na nito si Drake. Naalala ko kasi yung nakaraan. Noong narinig ko ang pinag-uusapan ni Cy at Drake. Baka nasa New York ito ngayon para asikasuhin ang negosyo ng pamilya nito. Ayoko namang maging dahilan ng tuluyang pagkasira ng kumpanyang itinayong magulang nito. Kaya ko pa namang mag hintay. Pero Sana Hindi gaanong katagal. Dahil habang tumatagal. Para na akong masisiraan ng bait. I admit. I missed him. "Wag na. Ako nalang ang tatawag sa kanya. Matagal ba siya sa New York?" Hindi ko napigilang itanong. Gusto ko lang malaman kung ilang araw o buwan akong maghintay para makita at makausap siyang ulit. "I don't know. Maybe 1year? O mas tumagal pa?" Sagot ni Cy. 1 year? 1 year kong hindi makikita si Drake? Gaano ba talaga kalala ang nangyari sa kumpanya nito sa New York? "That's why I'm here. Ako muna ang mag ha-handle ng kumpanya niya dito sa pilipinas." Dugtong pa nito sa sinabi kanina. Tumayo na ako. Nanlulumo ang aking katawan. "Una na ako. Ito ohh! Sayo nalang." Ani ko sabay abot ng lunch box na naglalaman ng mga niluto kong pagkain para kay Drake. Inabot naman nito ang lunch box at ngumiti. "By the way. Yung offer ko sayo. Open pa din yun. You can work at my company." Pahabol pa nito ng akmang tatalikod na ako. Ngumiti ako sa kanya at nag simula ng maglakad palayo. Nakarating ako sa apartment na nanlulumo. Bagsak ang aking mga balikat. Nadatnan ko si mama na naglilinis ng apartment ko. "Ohh nak! Anong nangyari? Bungad na tanong ni mama sa akin. Ngumiti ako ng mapait. Walang magandang nangyari ngayon. Akala ko makakausap at malilinaw ko na ang lahat kay Drake. Pero hindi pa pala. Naupo ako sa kama. Tumabi sa akin si mama. "Wala po siya sa office Niya ma. Umalis si Drake. Hindi siya nagpaalam sa akin." Sagot ko kay mama. Niyakap ako ni mama at hinagod ang aking likod. "Sigurado akong may dahilan si Drake." Ani ni mama. Tumango ako. "May problema ang kumpanya Niya sa New York ma. Ayokong maging dahilan para umuwi siya dito. Ayokong maging dahilan para iwan Niya ang kumpanya Niya doon ng dahil sa akin. Pero ma. I missed him. I really really miss him." Naiiyak kong sumbong kay mama. "Lahat ng bagay nak. May dahilan. Kung mahal mo na talaga si Drake. Mag hintay ka. Mas masarap ang magmahal kapag dumadaan sa pagsubok anak. Dahil ang pagmamahalang dumadaan sa pagsubok mas tumatatag." Pangaral ni mama habang nakayakap ako sa kanya. Ngunit bigla akong may naalala. "Pano kung ako lang pala ang nagmamahal ma? Pano kung hindi niya naman pala ako mahal? Pano kung umaasa lang ako sa wala?" Biglang nangiti si mama. Asar akong bumitiw sa pagkakayakap sa kanya. "Ma Naman! Pinagtatawanan mo ko ehh!" Sita ko kay mama habang nakabusangot ang nguso. "Ang cute mo kasi nak. Hindi Naman kita pinaglihi sa negative vibes. Pero napaka nega mo." Sabay pitik ni mama sa noo ko. Napahawak ako doon. "Sige balik tanong nak. Pano kung mahal ka pala niya? Pano kung hindi lang pala ikaw ang umaasa? Paano kung matagal na siyang may gusto sayo at hindi Niya lang masabi?" Napakunot ako ng noo sa sinabi ni mama at mas humaba ang nguso ko. "Edi pwedeng Mahal nya' din ako?" Parang tangang tanong ko kay mama. Tumawa lang si mama at tumayo. Iniwan akong may katanungan sa aking isip. ...... Days, weeks, months. Ilang buwan na ang nakalilipas. Ilang beses din akong umaasang magpapakita na sa akin si Drake. Umaasa akong tatawagan niya ako. O kahit na text man lang. Pero wala akong natanggap. Araw-araw akong bigo sa pag-aantay sa kanya. Minsan nga naisip ko na baka kinalimutan Niya na talaga ako. "Jhass! Ano? May susuotin ka na para bukas?" Napaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Evie. Napalingon ako sa paligid. "Tulala ka nanaman. Ano ba kasing trip mong babae ka?" Mag katrabaho kami ni Evie. Dito kami sa Fuentes Network nag ta-trabaho as junior journalist. May party pala kami bukas. Hindi ko na namalayan na bukas na pala yun. Siguro dahil wala akong balak na sumama. Wala akong gana. "Don't tell me! Hindi ka nanaman sasama? Naku Jhass! Kailangan mong sumama. Wala akong close doon." May pagbabanta nitong sabi. Napailing nalang ako. "Jhass! Pinapatawag ka ng senior mo." Napalingon ako kay Camille. Mataray nanaman ang tingin nito sa akin. Nakataas ang kilay. Hindi ko nga alam kung bakit galit na galit Ito sa akin. simula kasi ng pumasok ako dito parang ang init init na ng dugo nito sa akin. "Hay naku! Yang babaeng yan. Inggit lang sayo. Palibhasa matagal ng may gusto kay sir David." Bulong ni Evie sa akin. Si David ay ang senior Journalist ko. Unang Isang linggo ko palang kasi as junior nito ay napansin ko na iba ang tingin nito sa akin. Nagulat na lang ako ng Isang araw inantay ako nito ng ma late ako ng uwi dahil may tinapos akong report. Then that night he told me that he likes me. Sinabi ko naman dito na may hinihintay akong bumalik. Mabuti nalang at hindi makulit si David. Tinanggap nito na hindi ako pwedeng lumagpas sa pagiging junior nito. "Baliw ka talaga." Sita ko kay Evie. Tinawanan niya lang ako. Tumayo na ako at nag paalam kay Evie. Pinuntahan ko si David sa opisina nito. Kumatok ako ng ilang beses bago ko binuksan ang pinto. Nakangiting mukha ni David ang nabungaran ko. "Have a sit." Inilahad nito ang kamay sa upuan sa harap ng lamesa nito. umupo ako at nagpasalamat. "Here is the report that you needed to submit next week." ani nito sabay abot ng folder. Ngumiti ako at inabot ang folder. "I'll submit it tommorow.?" Sagot ko dito. Napakamot ito sa ulo na tila nahihiya. Nang hindi na ito mag salita ay nagpaalam na ako. Kakatalikod ko palang ng tawagin ulit ako ni David. "Jhass, Wait." Agad akong napaharap dito. "yes?" I asked. "Uhmm! about the party tomorrow. pupunta ka ba?" tanong nito na tila nahihiya. "Titignan ko. Actually I'm not sure." Sagot ko. Biglang bumagsak ang balikat nito. "Ahh. Okey. sayang naman kung di ka pupunta. Madamimg mga journalist ang pupunta doon." May pag kumbinsi nitong sabi . "I'll try but i'm not sure." Sagot ko dito. "May kailangan ka pa ba?" Tanong ko ng hindi na ito nag salita. "Actually wala na. ibinigay ko lang talaga yan. You may go." Ani nito sabay ngiti. Nginitian ko lang din ito at nag paalam na. Lumabas na ko ng office ni David. David ang tawag ko sa kanya dahil yun ang gusto nito. Hindi naman nagkakalayo ang edad daw namin kaya no need for formality. David was 6 years older than me. Bigla kong naisip na pumunta sa office ni Cy. Cy ang tawag ko kay Sir Cyron pag kaming dalawa lang. Pero Sir Cyron pag sa harap ng mga empliyado. Na iisyu kasi kaming dalawa dahil Simula ng umalis si Drake kay Cy lang ako nakikibalita kung kailan ang balik ni Drake at kung ayos lang ba Ito. Pinipilit ko kasing pigilan ang sarili kong tawagan siya. Nginitian ko si Jerico ang secretary ni Cy nang makita ko itong may inaayos sa desk nito. "Si sir nasa loob ba?" Tanong ko kay Jerico. "Yes. Nasa loob." Sagot nito. Nag paalam na ako kay Jerico at kumatok na sa pinto ng office ni Cy. "Hi!" Napaangat ng tingin si Cy mula sa binabasa nito. Nang makita ako nito ay ngumiti Ito sa akin. "Busy as usual?" Tanong ko habang naglalakad palapit sa desk nito. "Tsk! Panong di magiging busy? Tarantado kasi yung Drake na yun di pa umuuwi!" Inis nitong sabi na ikinatawa ko. "Two companies for petty's sake!. Mabuti nalang talaga at gwapo ako. Hyst!" Natawa ako sa sinabi nito. anong konek nang mukha niya sa trabaho? Hyst! Dahil hindi pa bumabalik si Drake. Si Cy ang nag ha-handle ng company ni Drake. Ayaw kasi nitong ipag katiwala kung kanino ang kumpanyang pinaghirapan nitong palaguin. "Uhmm! Wala pa rin bang balita kung kailan siya babalik?" May pait sa tono kong tanong. Ilang beses na Kasi akong pabalikbalik dito kay Cy para magtanong kung kailan siya babalik. Pero palaging wala akong makuhang matinong sagot. "I don't know. Alam ko maayos and stable na ang kumpanya niya sa New York. Kaya dapat nan dito na yung gagong yun ehh! Talagang malaki sisingilin ko pagbalik ng mokong na yun." Paliwanag ni Cy. Bigla akong nanlumo sa sinabi ni Cy. Kailan ka ba babalik Drake? Bakit Niya kaya ako natitiis na di tawagan? Baka umaasa lang talaga ako na babalik pa siya. Nag paalam na ako kay Cy. Nakuha ko naman na ang sagot sa tanong ko. Nang makabalik ako ng desk ko agad na lumapit sa akin si Evie. "Ohh! Bakit naman naka simangot ka?" Tanong nito habang may kinakalkal sa desk ko. "Penge ha!" Kinuha pala nito ang kisses chocolate na nasa desk ko. "Siya nga pala Jhass. Mamaya ha! Samahan mo kong sunduin si Amelia." Napalingon ako kay Evie. Muntik ko ng makalimutan ang usapan naming pagsundo kay Amelia. Three months after mawala ni Amelia, Sabi ni Evie natagpuan Ito ng magulang nito at dinala sa states. Ngayon lang namin ulit makikita si Amelia dahil uuwi na Ito dito sa pilipinas. "Syempre naman. Sasama ako." Sagot ko sabay kuha din ng Isang balot ng kisses at sinabayan kong kumain si Evie. "Tara na Jhass! Baka nasa airport na si Amelia." Inaayos ko ang gamit ko ng tawagin ako ni Evie. "Ito na nga! Saglit lang." Ani ko. Nang matapos na akong magligpit hinila agad ako ng Evie sa braso. Sumakay kami ng taxi papunta sa airport. Medyo traffic pa dahil rush hour ngayon. uwian time kasi. Nasa airport na kami. Nauna akong bumaba habang si Evie ay nag babayad sa taxi. "Tara na!" Sabay hila sa akin ni Evie. Hinayaan ko itong hatakin ako papasok. We're here in arriving area. "Anong oras daw ba dating ni Amelia?" Tanong ko kay Evie. "Padating na yun." Sagot naman ni Evie. Nilibot ko ulit ang paningin ko dahil baka nakalabas na si Amelia nang biglang may mahagip ang paningin ko. Nakatalikod na lalaki ang nakakuha ng pansin ko. Hindi ako pwedeng magkamali. That was him. Pero bakit? Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba hindi pa siya uuwi? Hindi ko malaman kung bakit parang biglang nag-init ang gilid ng aking mga mata. Parang may sumasakal sa puso ko sa isiping, bumalik na siya ng hindi ko alam. Bakit hindi niya sinabi? Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko. Mas kumabog ang puso ko ng makita ko si Thalia napalipit kay Drake. Nakangiti ang babae Habang palapit dito. Kumakabog ng mabilis ang puso ko. Nang Humarap si Drake kay Thalia walang emosyon ang mukha nito. Ni hindi mababakasan ng ano mang emosyon. Sa likod ni Thalia ay may isang babae na mukhang kaidad ni mama. Lumapit ito kay Drake at hinalikan si Drake sa pisngi. Pagkatapos ay itinulak nito si Drake palapit kay Thalia. parang gustong kumawala ng puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Napahawak ako sa damit katapat ng puso ko. "Ayos ka lang Jhass?" Napansin pala ako ni Evie. Agad kong pinunasan ang luhang namalisbis sa aking mata. "Baka mali lang ang nakikita mo. Tignan mo ohh. Mukha namang ilag si Drake sa babaeng yun." Pag papalakas ni Evie sa aking loob. "Pero bakit di niya sinabing bumalik na siya?" mababakasan ng sakit ang aking tinig. "You know? Hindi ko din alam kung anong dahilan niya. Pero kung hindi mo siya kakausapin, hindi mo malalaman ang sagot sa tanong mo." Nang tignan ko ulit ang gawi nila Drake. Nakatingin na siya sa akin. Umaasa akong lalapitan niya ako. Nakita niya ako, Dapat lapitan niya ako at kausapin. Ngunit agad ding naglaho ang pag-asa ko ng hilahin si Drake ni Thalia at nagpatianod lang ito. para akong binagsakan ng langit at lupa. Huli na ba ako? Nawalan ba ng saysay ang paghihintay ko? Mali ba ang desisyon kong hayaan muna siyang ayusin ang kumpanya nito? Dapat ba una palang naging selfish na ako? Matapos ng nangyari Kanina sa Airport dumiretso na ako sa apartment ko. Nakatulala lang habang iniisip ko ang mga nangyari Kanina. Napabalikwas ako ng bangon ng biglang may pumasok sa isip ko. I took my phone in my bag. Malalim akong bumuntong hininga bago lakas loob na tinawagan ang number ni Drake. This is the first time I call him after he left. Nakadalawang ring palang ay sinagot na nito agad ang tawag. Ilang segundong katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa bago lakas loob akong nagsalita. "Hi!" ano ba Jhass? Bakit hi ang nasabi mo? gusto kong batukan ang sarili ko. Para akong teenager na katawagan ang crush. I wanted to hear his voice. "Uhm! I want to talk to you. Punta ka sa apartment ko." Hindi ko alam kung inuutusan ko ba siya o nakikiusap ako sa kanya. I really wanted to see him. Gusto ko na siyang makausap. Gusto mo nang linawin kung anong meron sa aming dalawa. Kung aasa pa din ba ako. "Give me 10 minutes." Sa wakas ay narinig ko na ang boses niya after so many months na hindi ko siya nakita at nakausap. Nang mamatay na ang tawag humiga ulit ako sa kama at muling tumulala sa kisame. after 10 mins may kumatok sa pinto ng apartment ko. Tumayo ako upang pagbuksan ito. Halos tumalon ang puso ko sa saya ng makita ko si Drake na nakatayo sa labas ng pinto. Hindi ko alam kung panong ang bilis niyang nakarating dito sa apartment ko. Malayo kasi ang Condo nito mula dito sa apartment ko. Malamlam ang mata nitong nakatingin sa akin. parang biglang huminto ang puso ng bigla niya akong yakapin. Itinulak niya ako papasok ng apartment ko at inilock nito ang pinto ng parehas na kaming nakapasok. Isinandal niya ako sa pader at pinakatitigan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. parang tumatalon ang puso ko sa saya. lahat ng mga tanong na naisip ko Kanina ay biglang nawala ng agad na lumapat ang labi ni Drake sa aking labi. mas idiniin niya ako sa pader habang sabik akong hinahalikan. Kusang gumalaw ang labi ko. Ang aking kamay ay kumapit sa kanyang leeg. HInapit ako ni Drake sa bewang upang mas mapalapit sa kanya. Tumulo ang luha ko. I missed him! I really really missed him. HIndi ko alam na ganito ko napala siya ka miss. Na isang halik niya lang sa akin nawala agad ang galit at pag tatampo ko sa kanya. Napasinghap ako ng mag Simula ng maglikot ang kamay ni Drake sa aking katawan. Inalis niya ako sa pagkakasandal sa pader. Hindi naghihiwalay ang labi namin ng maglakad si Drake habang nakaalalay sa akin. Namalayan ko nalang na nakahiga na ako sa kama at nakaibabaw na sa akin si Drake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD