Nagising nalang ako sa liwanag ng sikat ng araw na punapasok sa bintana ng kwarto ko, ' hindi ko pala nasara ang kurtina ko'
" ang sakit ng ulo ko" mahinang sabi ko, hindi pa ako bumabangon sa pagkakahiga nanlulumo ang pakiramdan ko, mugtong ang matang gabi gabi ako umiiyak pakiramdam ko magisa nalang ako sa mundo sobrang nagaalala ako, baka naulit ulit ang nangyrari kay tita, mapapahamak kami pag nag sumbong ako, hindi ko na alam ang gagawin ko
Ilang buwan na ang nakakalipas ng nawala si tita, may kakaunting tumulong luha sa mga mata ng dalaga habang inaalala ang araw na hindi nya ito makita...
~~FLASHBACK~~
Nagulat ako na walang ni anino ni tita rito!, gumihit sa muka ko ang matinding pag alala asan na si tita? Umalis ba sya ng maaga? Pero saan? Bkit parang sobrang aga nama?..
Lumabas ako ng kwarto nito, at tinungo ang kwarto ko para kunin ang cellphone ko at tawagan ang ito..
"The number you have dialed is out of coverage area" **toot**toot**toot**~ sh*t! Asan na si tita hindi matawagan!
"The number you have dialed is out of coverage area" **toot**toot**toot**~ asan kana ba tita! Buntis ka pa naman!jusko!
Lumabas ako dali dali sa pinto baka sakaling may nakakita kay tita na imalis, nakarating ako sa park na malapit dito nakasalubong ko si aling Ana, dali dali ko itong nilapitang
" Ay oo iha napansin ko sya, nakasalubong ko si isabell ng mamalengke ako kahapon " nagtatakang saad nito
" ano po?! Kahapon nyo pa po nakita si tita isabell?!" Gulat kong tanong ,, jusko san naman pupunta si tita buntis sya!at hindi pa sya okay
" oo iha, bakit ba ayos ka lang ba? Bakit ka namumutla?" Nagtatakang tanong nito
" w-wala po s-salamat po" nauutal kong tugon, hindi kuna hintay pa ang sagot nito at umuwi na, dun ko ibinuhos ang sobrang pag iisip
~~END OF FLASHBACK~~~~~
Pumapasok ako sa resto ng matamlay, sa totoo lang pagod nako ang isip ko gusto kuna sumuko, hindi na siguro uuwi si tita gusto kuna mag sumbong pero hindi pwede wala rin akong mapagsabihan nahihirapan nako
habang nag bibihis ako sa locker ng matapos na ang oras ng trabaho ko bigla tumunog ang cellphone ko.
~~bzzzz~~
Nagulat ako sa pag vibrate ng cellphone ko sa bulsa, na dissapoint ako dahil hindi naman ito ang hinahantay ko..
From kai
I MISS YOU na bes kaylan ba kita ulit makakabonding! Masyado kang masipag sama ka naman samin ngaun?
To Kai
Saan naman ?
sent ~
~bzzz~~
From kai
Sa bar!! Libre ni calla miss kana daw nya! Syempre miss na din kita! Tara na pls tatlo lang tayo ngaun
To kai
Okay
Sent ~
'Gusto ko din makalimot kahit ngaun lang'
~bzzzz~
From kai
Yehey ! Love you na ria sunduin ka namin sa bahay mo aa, see you later mwua
hindi kuna ito nireplyan sinara kuna ang cp ko at umuwi na, nagpahinga lang ako saglit at nag ayos na para sa lakad namin nila kai
~~BEEP**BEEP*~
Bumaba nako ng hagdan ng marinig ko ang busina na kotse ' paniguradong sila calla na yun' ng matanaw ko nga ang pulang kotse nag madali nakong isara ang gate ng bahay at sumakay na sa likod ng kotse
"Wow ikaw ba yan, parang excited ka aa ganda ayos mo ngaun," pang aasar ni kai
"Tss.. natural" irap na sagot ko rito
"Anak ng... ang lakas ng aircon mo cal , naramdaman ko yung hangin umabot pa ata sa likod" pang aasar na tugon nito
"Hahaha kayo talagang dalawa , matagal na maganda yan si ria nuh" tawang saad ni cal
"Ewan ko sa inyo ako lagi nalang kayo mag kakami, hindi kona kayo bati" nakangusong saad ni kai
"Tss.." mahinang sinhal ko, sa kaartehan ni kai
Hindi na sumagot pa si cal , bumungisngis nalang ito habang nakatuon sa daan ang mata't nag mamaneho, maya maya pa't nakarating na kami sa bar na pagmamay-ari ng kaibigan ni cal
Sa pag pasok palang namin madami nang nagsisipulan at nakatingin saming tatlo, hindi nalang namin ito pinansin at nagtungo nalang kami sa table na nireserve samin ng kaibigan ni cal
" hey calla,good to see you again" ngiting bati ng lalaking biglang sumulpot sa gilid ng table namin, exclusive tong area namin dahil may konting privacy pero rinig at kita parin ang gitna ng dance floor 'sadyang malaki lang ang bar na ito'
" oh alvin" ngiting bati ni cal sabay beso sa pisngi nito, hindi namin mapansin na may mga nakasunod palang lalaki sa likod nito, sabay kaming napatingin ni kai sa likuran ng binatang kausap ni cal ' gwapo! Ang gwagwapo! Maka laglag p**ty yung mga muka ng mga mokong na to, mukang mayayaman, pero mukang mga playboy...'
"Hi ladies hi calla " ngiting bati ng lalaking nangunguna sa kanilang dalawa 'yes tatlo sila! kasama na yung alvin kuno' napangiti lang ako ng pilit ng mag sa ngiti ng matamis tong mga mokong na to!
"Oh, hi"gulat na tingin ni calla na napatakip pa sa bibig, ng makabawi ay ngumiti ito ng matamis habang nakangiti sa apat na lalaki "by the way this is Kaia Alliana and Aria Sophie my bestfriends" ngiting saad nito habang tinuturo kami ni kai
"Hi alvin" nakipag kamay pa ito kay kai at sa akin, matamis na ngiti namang tinanggap ito ni kai ganun nalang din ang ginawa ko.." and this is noah and ethan my best buddy" ngiting dagdag nito na tinuturo ang mga kaibigan nya
" hi" sabay na sabi namin ni kai at nakipag kamay, matamis na ngiti naman itong tinanggap ng dalawang lalaki na sinabayan pa ng kindat
Babalik na sana kami sa pag kakaupo ng may magsalita " oh.. Ian, here!" Malakas na sigaw ni noah napalingon naman kami ni kai sa kinakawayan ni noah, nanlaki ang mata ko sa nakita isa bulto ng lakaking tinatawag niyang Ian!
' yes wala nang ibang Ian kundi si adonis na masungit!' Tss.. ang liit nga naman ng mundo nag iwas nalang ako ng tingin ng mapansin kung lilingon na ang binata sa gawi namin
" bakit ang tagal mo pare" nakakalokong saad ni noah na makaakbay aang braso sa balikat nito at tintapik tapik balikat nito.
" baka umiscore muna" nakakalokong ngisi ng titatawag na ethan
" hey bro, how is it?" Tawang saad ni alvin at nakioag bro hug pa sa bagong sulpot na lalaki
"Tss..I have a hard time getting rid of tiffany psh" naiiritang pagdadahilan nito, ng lumingon sya samin tinignan nya lang kami ni kai at bumaling sa gawi ni calla " calla good to see you, wheres carlo? Bakit hindi mo ata sya kasama ngaun?" Nagtatakang saad nito
" busy sya and we just want to unwind, you know girl bonding?" Nagaalangan ngiti tugon ni calla rito
"okay, just dont drink a lot" mahinahong saad nito, napatingin naman ako sa kanya kung paano nya kausapin si calla malumanay hindi katulad ng pakikitungo nya sa babaeng kasama nya sa resto'tss.. bipolar ata to e'
" yes sir!" Matamis na ngiting tugon nya rito
" wait, why dont we join them? The more the merrier right? And we will watch over them too? What do you think calla?" Magiliw na sabi ni noah, habang tango tango naman ang dalawang si alvin at ethan samantalang si Ian na masungit seryoso lang naka tingin samin
"Ahm its okay but.." naputol ang sabihin ni cal ng biglang singit ni kai
"Ayos lang sakin " masayang sabi nito natinaas pa ang isang kanay sabay tumingin sa akin, ganun din si cal may pagtatanong ang tingin at ganun din ang apat na lalaking kaharap namin ' may choice paba ako?'
Pilit na ngiti ang binigay ko sa kanila sabay tumango upang sumangayon sa kanila "yeah , lets have some funnnnn!!!!!!" Magiliw na hiyaw ni noah na nag pailing sa mga kaibigan nito "Oh we haven't introduced Ian yet, bro kaia and Aria, cal's bestfriend and this is Ian our bestfriend" dagdag na aniya
Tumango lang ako na may pilit na ngiti ' alam ko namang hindi nya aabotin ang kamay ko kung makikipag shake hands pako sa kanya' nilingon ko ang kamay na nagaabang na abutin ito si kai na gusto makipag kamay sa binata, ngunit sa kasamaang palad tumango lang din ang binata, 'see masama talaga ugali nyan ' napahiyang ibinaba nalang ni kai ang kamay nito
Naupo nako sa gitna nila cal at kai habang ang apat naman ay nasa tapat namin katapat ko ang masungit na mokonh tss..
Inilapag na ng waiter lahat ng order namin, 'gusto kung mag lasing at makalimot kahit unting sandali'.. "CHEERS" magiliw na hiyaw ni noah , napapailing nalang mga kaibigan nito, nag inom na din kami medyo maingay na si kai dahil lasing na si calla ay hindi masyado nag inom dahil 'bawal daw', ako may tama na din
'Tita..' ng dumaan sa isip ko ang tita ko bigla ako nakaramdam ng pag iisa sa mundong kinalakihan ko, 'pagod nako kahit ngaun lang' kinuha ko ang bote ng alak sinalinan ko ng puno ang baso ko, sabay lagok ng tuloy tuloy na parang tubig.
"wooawh" rinig kong saad ni noah, alam kung bantay lang talaga sila samin tatlo kasi hindi nila halos naubos yung isang bote sa harap nila, ilang beses ko inulit ulit ang pag inom ng ganun kadami
Naramdaman ko nalang ang kamay ni cal na nasa likod ko, nilingon ko sya ng maramdaman kong nakatingin sya sakin, kita sa mga mata nya ang pag aalala.
" okay lang ako cal " pilit na ngiting pinakita ko sa kanya at nag isa pang lagok ng alak..
"Psh.. Aria Sophie...*hik* hmmm ito hahaha NBSB pa tong bff ko *hik* sino sa inyo ang available huh?! Jowain*hik* nyo na to... *hik* para maging masaya na sya!! *hik* hahaha Aria... Aria.. Aria... *hik* "Tuwang tuwang saad ni kai, na ikinailing naman ng mga binata sa harap namin
" kai.. lets go home na kaya ?" Nag aalangan saad ni cal, tumingin pa sya sakin dahil ako lang naman ang makakapag patigil kay kai pag lasing na
"Pwede *hik* mamaya na lang cal ..." pilit na ngiting saad ko sa kanya , alam nyang may problema ako kahit hindi ako mag sabi sa kanila..
"Okay , i just call carlo so he can take you home okay? Stop drinking pls ria?" Nagaalalang saad nito, tumayo na sya at pumunta sa hindi masyadong maingay sa sulok ng bar
Hindi kuna ito sinagot at nag salin muli ng alak at tinungga ito, ramdam kong nakatingin ang apat sa akin, samantalang si kai ay nakatulog na sa tabi ko sa sobrang kalasingan
Tumayo ako, nakaramdam ako ng hilo kaya napahawak ako ng mariin sa table namin para hindi tuluyang matumba.
"woawh.. you okay?" Rinig kung sabi ni alvin, hindi ko na ito sinagot, matagal kong pinakiramdam ang sarili ko bago nag simulang maglakad papuntang CR, madami akong nababangga pero wala akong pakialam..
Sinuka ko lahat, halos hindi ko na din naisara ang pinto ng cubicle " eww my gosh, disgusting" rinig ko pang saad mg babae nakasabay ko.
bumukas at sumara nanan ang pinto, umalis na ang babaeng kasabay ko, naupo naman ako.. isinandal ko ang ulo ko sa divider ng cubicle, ang pwesto i nakagilid ako naupo sa tapat ng toilet bowl..
Nahimasmasan naman ako kahit papaano dahil sa pag suka ko ng lahat ng laman ng sikmura ko, nakaramdam ako ng lungkot.
naging emotional ako, napahikbi ako at naiyakap ko ang dalawang braso ko sa aking mga tuhod 'hindi kuna kaya parang mag isa nalang ako sa mundo, pati yung isang taong natitirang pamilya ko kinuha pa sakin' iniyak ko ng iniyak ang nararamdaman ko, halos hirap na akong huminga dahil sa sobrang hikbing nagagawa ko
Bigla akong nagulat at napahinto ng may kamay na pumatong sa likod ko, tinatapik tapik nito ang likod ko na para bang sinasabi nitong hindi ako nag iisa... mas lalo akong naiyak hindi kuna napigilan ang mga luha ko , ni hindi ko magawang mahiya sa kung sino mang taong sinamahan ako saking pag iisa, ibinuhos ko ang lahat ng nararamdaman ko