Nag uusap kami nila kai kasama na sila logan at carlo dito sa park ,dito na rin kami ng lunch nag latag kami sa ilalim ng puno at bumili ng set of meals, we enjoy eating habang mag kwekwentuhan
" bakit parang may bago sayo ria?" Makahulugang tanong ni kai sakin, nakatinginan naman ang iba namin kasama at tumingin kay kai tapos bumaling din sakin
" what do you mean kai?" Nagtatakang tanong ni carlo
" yea, whats wrong with ria?" Naguguluhang tanong ni logan
Biglang kumabog ang dibdib ko sa tanong ni kai, hindi ko alam anong napapansin nya pero sa kasuloksulokan ng utak ko alam ko ang mga tanong nya!..Tinitignan ko lang sila na nagtataka 'anong klaseng bago?' Hindi ako nagpapahalata na medyo may kaba akong nararamdaman
"W-What?" Mahinang tanong ko
"I agree,I noticed that earlier" makahulugang sabat ni cal, nilingon naman sya namin tatlo ni carlo
"What sis?.. whats wrong with ria?" Naguguluhan saad ni carlo
"Hmm..."panimula ni kai na tinitignan ang kabuohan ko, nilingon naman sya nila logan at nag aabang ng susunod na sasabihin nito
" you look blooming" sabay na sabi ni kai at cal
Kumabog ang dibdib ko sa sinabi nila,pakiramdam ko alam ko ang sinasabi nilang dalawa..
Pinilit kung ibahin ang reaksyon ko para hindi nila mahalatang kinakabahan ako" w-what do you m-mean b-blooming?" Mahinang saad ko na nauutal
"Ano kaba ria sabi lang namin blooming why are you blushing ? Whats wrong with you?" Mapanuyang tanong ni kai, napatingin naman ang ibang kasama namin sakin
Hindi sila nag sasalita pero ang mga mata nila nag tatanong.. ' hindi nila pwede malaman ang ngyari samin nakakahiya!' " ah..eh.. w-wala naman saka hindi naman ako b-blooming!" Napapakamot ulong saad ko
"Psh.." mahinang singhal ni kai, 'kahit kaylan walang sekretong hindi matatago sa babaeng to! Hindi ko nalang sya pinansin
"Now they said it, i agree you look blooming today ria" nakangiting saad ni carlo, sumangayon naman si logan na tumatango tango pa
" w-wag na natin pag usapan!, masarap lang tulog ko ngaun at hindi ako umiyak kagabi, sa sobrang ka lasingan naka tulog agad ako at umaga nako nagising,hindi tulad nung mga nakaraan na nakakatulog ako sa pag iyak" mahabang paliwanag ko para tigilan na nila ang topic na to!
" sabi mo e!" Makahulugang sabi ni kai, i roll my eyes at her kahit kaylangan talaga to! Buti sana kung siya lang baka sabihin ko pa pero si cal kasi friend kilala nya yun!
Nag kwentuhan pa kami lima habang pinagpatuloy ang pagkain tawa dito tawa dun ang saya namin, itinigil na ni kai ang pagtatanong pero pag nakatingin sya sakin at titingin ako sa kanya naiilangan ako binibigyan nya ako ng tingin na mag kwento-ka-mamaya look, hindi ko nalang ito masyado pinansin
Pumasok na kami ng marinig namin ang bell hinatid pa muna kami nila carlo bago sila pumunta sa subject nila...
Ng matapos na ang last subject namin nila cal ay sabay na kami umuwi nauna na si cal na nag mamadali may dadaanan pa daw sya at ako naman at si kai ay mag kasama
" ria, may tinatago ka sakin" mahinang sabi nito ng hindi nakatingin sakin
'Ang lakas talaga makiramdam ng babaeng to' tinignan ko naman sya at bumuntong hininga, "gusto ko mag salita sayo kai pero hindi pa pwede" napalingon naman ito sakin agad naguguluhan ang mga mata
" gusto ko mag salita kai,ang dami kong gustong sabihin" makahulugan saad ko , nalulungkot ako nararamdaman ko ang pag iisa ko sa mundo kahit nasa tabi ko sila parang wala pa din kasama dahil sa dami kung kinikimkim
" hindi mo pwede sabihin sakin? Alam mo naman na nakakapagtago ako ng sekreto, pinipili ko lang ang lumalabas sa bibig ko ii" malungkot na saad nito
"Kung pwede lang kai matagal kuna gusto ng karamay" malungkot na saad ko na hindi nakatingin sa kanya, pakiramdam ko may sumusubaybay sakin kaya hindi ko magawa mag salita
" e yung kagabi, kwento sakin ni cal umalis ka daw na hindi ka nya naabutan nung tinawagan nya si carlo , napansin din ni cal na wala yung si mr guest ng school natin yung sobrang gwapo " mahabang saad nito hindi matago ang kilig sa naalala nya
Kinabahan ako bigla sa tanong nya ' hindi naman siguro masama ikwento sa kanya' "ah.. eh.."panimula ko kaya napahinto sya sa paglalakad, hindi ko naitago ang kaba sa boses ko
Nginisian ako nito at hinawakan sa kamay nauna na sya mag lakad at kinaladlad ako para sumakay sa jeep.. kahit nakasakay kami ay hindi nya pa din binibitawan ang kamay ko pilit ko hinahatak pero hinihigpitan nito, titingin at ngingisi sakin
" bitawan muna kaya ako! Baka pagkamalan pang jowa kita susme kaia alliana!" Saad ko , tinignan ako nito ng nakangiti
" hindi may pupuntahan tayo baka makatakas kapa !" Naeexcite na saad nito
" saan ba tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko,hindi kuna pinilit pang makawala sa kamay nya tss.. kilala ko to pag may gusto hindi talaga bibitaw
" basta" nakangiting na aniya
Nagtataka ako ng bumaba kami sa village nila kai, nakakunot noo ko itong tinignan 'ano naman balak ng babaeng to para kaladkarin ako sa bahay nila' tss..
" kai ano ginagawa natin dito?" Kunot noo kung tanong sa kanya
" malamang teh bahay ko to papunta tayo sa bahay ko!" Taas kilay na saad nito, habang binalingan lang ako saglit ng tingin at tuloy tuloy naglakad habang hawak pa ang pulsuhan ko
" e ano nga gagawin natin dito ?!" Naasar na sabi ko, minsan talaga ang hirap kausap ng bruhang to!
" nag bobonding? Mag kwentuhan? Kakain!," seryosong saad niya, ng asa tapat na kami ng bahay nila huminto sya at lumingon....." dito ka matutulog ngaun bes!" Nakangiting dagdag nito
" what?!" Gulat na saad ko.., dito matutulog naloloka na ba sya ni wala nga ako dalang damit pamalet!tss
"What what kapa dyan wala na dito kana tara na pasok! Pag tinakasan moko friendship over na tayo!!" Sigaw na saad nito
What..the.. h*ck! Napanganga ako sa turan sinabi nya 'So kinaladkad nya ako dito para patulogin dito!' Psh.. napapailing nalang ako na sumunod sa kanya
2 storey din ang bahay ni kai same sa status ng buhay namin ni tita, ang papa nya ay ofw ang mama naman nya ay elementary teacher sa isang public school, dalawa lang silang mag kapatid panganay si kai at bunso naman si ken.. kilala din ako at close sa pamilya ni kai dahil madalas din kami ni tita dito nung bata pako
nakita ko itong nanunuod sa sala ng basket ball, hindi nya na pansin ang pagpasok ko kaya pinisil ko ang pisngi nito " hi baby ken!" Bati ko sa knya ng nakangiti, 16 yrs old na sya nagbinata
Nagulat sya at Nilingon ako nito at ngumiti ng matamis " ate ria ! Kamusta kana ate !" Gulat na bati nito Sabay yakap sakin, ginantihan ko naman ito ng yakap namiss ko itong baby namin ni kai
Bumitaw na din ako agad at hinarap sya " okay lang ako ikaw ba?Binata kana aa!" Ngiting saad ko na ginulo pa ang buhok nito, mas matangkad na sya sakin hanggang noo nalang ako
" okay lang din ate namiss po kita bakit ngaun ka lang dumalaw? Tagal mo hindi nagpakita samin pati si mama na miss kana po!" Masayang saad nito
" sorry baby ken,busy kasi si ate e graduating na kasi madami ginagawa sa school" saad ko na pinipisil pa ang pisngi nito ang cute talaga ni ken, gwapo din sya maganda kasi ang mama at gwapo naman ang papa nila kai kaya same sila may itsura
" hoy tigilan nyo na yan hindi kayo mag jowa! Kung umasta talo pa asawa na angtagal naghiwalay!" Sigaw na saad ni kai
"Tss" singhal ni ken sa ate nya, natatawa talaga ako sa kanila dalawa parang aso't pusa
" akyat kana sa kwarto ria mag palit kana ng damit, mag luluto lang ako ng dinner natin" sigaw na saad ni kai, nasa kusina ito at nag aasikaso
" sige " sigaw na tugon ko rito, at bumaling ulit kay ken "akyat muna ako baby ken " pinisil ko pa ang pisngi nito bago umakyat sa kwarto ni kai, bumalik na din sa panonood si ken ng tv
Natapos nako mag ayos ng sarili ko bumaba na rin ako para tulungan si kai mamaya pa uwi ni tita amara ang mama nila kai, nakita ko si kai na nag hihiwa hiwa
" bruha tulungan na kita" bungad ko rito ng makapasok ako sa kusina
" wag na bwesita ka dito kaya ko na to" mapangasar na sabi nito
" sige na wala din naman akong magawa" sabi ko kumuha ako sandok at ibinigay sa kanya inagaw ko naman ang knife na hawak nya
" sige ikaw bahala, ang sipag mo talaga kaya ka nbsb e puro sipag walang landi" natatawang saad nito
Tumahimik nalang ako baka mag tanong pa hindi pako masyadong ready para ikwento nakakahiya..ng matapos kami mag luto nag umpisa na kaming kumain
Bumukas ang pinto ng sala nila at inuluwa si tita amara, lumapit dito si ken at tinulongan ang mama nya para kunin ang dala nito
" good evening tita" tumayo ako sa kinauupoan at bumeso
" oh.. iha good evening din , andito ka pala kamusta kana! Naku namiss kita ngaun ka lang napadalaw dito" bumeso ito at yumakap saglit saakin, may ngiting gumihit sa labi ko ' namiss ko ang yakap ng nakaktanda sakin namiss ko si tita isabell' nalungkot ako bigla ng maalala ko si tita, bumitaw na ito sakin at kinamusta ako habang kumakain
" ohh ito kumot mo bes" saad ni kai, habang inaayos ang kama
andito na kami sa kwarto nya, ng matapos kaming kumain kanina ng kwentuhan lang kami sa sala nila tita amara at ken, kinamusta nila ako ng tanong about kay tita, wala ako magawa kundi magsinungaling na busy lang kaya hindi napadalaw
" umpisahan muna ria daliii" kinikilig na turan nito
" ang alin ba kai" pilit na ngiting ganti ko rito
" lahat!" Seryosong saad nya, bigla syang sumeryoso alam ko na kaylangan ko sabihin lahat pero 'natatakot ako'..
Walang gustong umiik samin dalawa naghihintay lang si kai ng sasabihin ko, alam kung hindi sya matutulog at hindi iimik ng hindi ako magsasabi ganyan ugali nya..
Nag isip muna ako at napabuntong hininga... ilang beses ako bumuntong hininga bago mapagpasyahang ikwento sa kanya ang lahat...