Chapter 1 - meeting you

3652 Words
ARIA POVs "Mahal kita, mahal na mahal  kita!"    Sabi ng hindi ko maaninag na lalaki ngunit base sa kanyan katawan, gwapo sya sobrang gwapo nya, katawan palang yummy na. ngunit kanino nya sinasabi ang mga katagang iyon, bakit parang ako ang kinakausap nya ngunit hindi ko naman sya kilala. Biglang lumiwag, nakakasilaw at pag mulat ko ng aking mata nakita ko  ang isa pang lalaki, na hindi ko parin maaninag ang muka pero base sa knyang hubog ng katawan para syang model no.. no.. higit pa dun, para syang greek god  ang laki ng katawan kahit na simple lang ang kanyang suot na v neck gray shirt na hapit na hapit sa kanya ay malalaman maganda ang nakapaloob doon ngunit sino to... " i dont fvcking love you!!! Get lost! You b***h, how  dare you hurt my girl!? Huh!!!?" Malakas na sigaw nito na nagpupuyos sa galit.. What?!  Sino ba to! kung mangbintang kala mo naman ginawa kong manakit, hindi nga ako marunong magsinungaling e.. sino ba to at base sa tono ng boses ay galit sa akin, nakakatakot ang boses nya na parang lion. Ng biglang naaninag ko  ang kamay nya na akmang sasampalin ako, natakot nalang ako at naipinikit ko nalang ang mata ko para hintayin ang sampal nya sakin... BEEP**** BEEP** BEEP*** Napabalikwas  ako ng gising ng marinig ko ang tunog ng aking alarm clock.. "ugh.. akala ko totoo na at may  sasampal sakin" aniya ko napatihaya ako ng higa  tumingin sa kisame para alalahanin ang panaginip ko.. naparang totoo.. sino ba yun at bakit hindi ko makita ang muka blured ang muka ng lalaking galit na galit sya.  Sya din ba ang lalaking nag sabi ng 'mahal kita' pero bakit nagalit sya na ... aisst !...   ewan .. mukang hindi naman yun tototoo !! Tama.. tama... may kasabihan na lahat ng panaginip kabaliktaran ...aiisst ! Makabangon na nga. Bumangon  ako at inayos ang aking higaan.. ako nga pala si Aria Sophie Relish, 18 years old . Ang ganda ng pangalan ko hindi ba.. ang  sabi ng akin tiya isabell ang pangalan ko daw ay kinuha from the italian form of ariel meaning 'lioness of God' a strong girl..  well matibay naman talaga ako sa edad kung 18 years old ay wala na akong magulang, matagal na silang nawala namatay sila sa isang accident na hanggang ngaun hindi pa din nabibigyan ng hustisya.. ganun naman talaga siguro dito sa pilipinas  pag mahirap ka kahit gano kabigat ang kaso e hindi naman agad nabibigyan ng aksyon, kaylangan pera pera..  pag mapera ka mabilis nakukuha ang suspect at nabibigyan agad nila ng aksyon .. Anyway.. nakikitira lang ako sa aking tiya.. tita ang tawag ko sa knya dahil sya  ang nag alaga sa akin. simula mamatay ang mga magulang ko 1years old palang ako ng iwan na nila ako, kwento sa akin ni tita isabell. nakasakay daw kami sa isang sasakyan ng  bigla  may bumangga sa amin nung parating na kami sa crossing pero ang sabi nya e  mabagal naman ang pagpapatakbo ni daddy noon pero mukang sinadya ang ngyari ang sabi sa media ay aksidente daw ngunit  may kaunting nakitang ibedensya na nagsasabing sinadya ang ngyari dahil sa  natagpuan sa bakanteng lugar ang kotse sumadya umano na banggain ang sasakyan namin at tumilapon.. nag dead on arrival ang mga magulang ko sa hospital.. naiwan ako sa hospital at binabantayan ako ng police  para madala sa ampunan dahil wala ng ma trace na kamag anak sila mommy at daddy.. iyak ako ng iyak nun at bigla daw ako lapitan ni tiya  nag tanong sya sa police kung ano ngyari sakin at sya na ang kumuha sa akin. mukang nakonsensya ang police at sinabi sa nakakataas at pinagbigyan na si tiya ampunin ako..  pinapirma sya para  maiprocess ang pag ampon nya sa akin.. tinulongan  nya ako  ng malaman nya ang ngyari sakin sya ang tumayong pangalawang magulang ko ... kaya sobrang mahal ko ang tiya ko dahil sa kabutihan nya pinapakita sakin sana hindi nya rin ako iwan katulad ng pagiwan sakin ng magulang ko.. Ng matapos ko ang pag ayus ng aking higaan pumunta naku sa Cr para gawin ang aking morning routine.. naligo na ako, nag toothbrush, at nag bihis na ako pang pasok simpleng black reap jeans  at white V neck shirt na pinatungan ko ng  black cardigan. isinuot ko na din ang  ng iisang alaala naiwan ng aking magulang isa syang kwentas,  infinity style with diamond on the center  may nakaukit na hindi ko masyado mabasa sa likod nito siguro ay pangalan ng aking magulang  dahil hindi na rin naitanong ni tiya ang pangalan ng aking magulang kaya wala ako masyadong alam sa kanila pero ang sabi nya ay itong kwintas ang nasa akin simula pa nung nakuha nya ko kaya lagi ko itong suot..para kahit papaano palagi kong kasama ang magulang ko.. Tok** tok** tok** " ria anak, bangon na dyan.. mag agahan kana para makapasok kana.. anong oras na baka malate ka"  sambit ni tita isabell. "Opo tita, baba na po" may ngiti sa labing turan ko.. nagtataka siguro kayo kung bakit hindi nay o mom ang  tawag ko kay tita isabell.. actually ayaw nya kasi magpatawag ng ganun dahil dalaga pa si tiya  ayaw nya magpatawag baka daw tumanda sya  natatawa ako pag naalala ko kung ano reaksyon nun ni tiya .. Nag lagay na ako ng  powder at liptint hindi ako masyado nag aayos  dahil nakakasira ng beauty kapag araw araw  nag lalagay ng chemical sa muka.  'kaya sapat na sakin ang powder at liptint dahil na mana ko na ata ang natural beauty sa totoo kung mommy..'napangiti ako sa naisip ko. Kinuha kuna ang aking bag at lumabas na  sa aking kwarto para bumaba na pagkababa ko ay nakita ko na si tita isabell na inaayos ang ang mga pagkain sa dining table. Hindi mayaman si tita sapat lang para sa amin dalawa hindi rin naman kami mahirap tama lang  ang bahay may maliit kaming sala.. sa likod ng sofa ay may malaking  cabinet na pinapatungan ng mga vase at photo frame,  at sa likod nun  ay  dining table   na pang apat na tao, sa gilid  ay may lagusan  papunta sa dirty kitchen  sa gilid nun at ang  laundry area, dalawang  palapag  ang bahay ni tita  kaya sapat na sa aming dalawa. ako lang talaga ang parang anak ni tita pero dahil nga ayaw nya mag patawag na nanay o mommy ay  sinunod kuna, si tita ay isang manager sa isang sikat na  5 star restaurant, dahil sa tagal nya na ngtratrabaho dun at sa kasipagan ay na promote sya sa pagiging manager, sa sobrang sipag ni tita sa pag tratrabaho hindi na nya  na nga naatupag ang kanyang lovelife.. ' sana magkaron din ng lovelife si tita para hindi sya mag isa balang araw lalo na pag ako naman ang mag asawa' turan  ko sa isip .. " good morning tita" sabi ko sabay  beso kay tita , nakakagutom ang mga pagkain na hinain ni tita egg, hotdog, at toyo, nag luto din si tita ng fried rice pero syempre hindi ganun kadami dahil dalawa lang naman kami.. " ang sarap naman po nitong almusal natin tita" dagdag na sabi ko. " naku anak,  nag grocery kasi ako at madami ako instock sa ref natin  kakasahod ko lang kasi"ngiting sabi ni tita " tara na kain na tayo baka malate ka mamaya pa ang pasok ko kaya mauuna kana" dagdag pa niya. " sige po tita" ngiting sabi ko, kumain na kami ni tita at   nag kwentuhan kami kahit papano nag tanong sya patungkol sa pag aaral ko, '2 yrs nalang ay gragraduate na ako sa kursong finance na  kinuha ko, nakapag aral ako sa Emory University dahil sa scholarship,  pangarap ko makapag trabaho sa pinakakilalang company pinagiigihan ko ang pag aaral ko, para makatulong kay tita  isabell sa mga gastusin sa bahay para hindi sya masyado mahirapan'. Pag katapos namin kumain ni tita, nagpaalam na ako sa kanya para pumasok, lumabas na ako ng bahay naglakad ako ng kaunti hanggang makapunta sa sakayan ng jeep, pumara nako at sumakay  hanggang sa makarating na ako sa EU. EMORY UNIVERSITY Papasok na ako ng gate ng emory university, monday ngaun at wala masyadong  gagawin dahil may program at pinapatawag ang lahat ng student  dahil may bisita daw na darating ngaun araw, pumasok muna ako sa klase ko dahil after lunch pa naman ang program....Nag lalakad na ako sa hallway ng building namin malaki tong university na napasukan ko, may ibat ibang  building  kada kurso  madami din nag aaral dito at mas madaming mayaman na laki sa kilalang pamilya ng bansa.. kakaunti lang kaming mga mahihirap dito. dahil  pag mahirap ka, ibig sabihin isang ka sa mga scholar ng school, libre lahat at my allowance,  pero kaylangan mong i maintain ang grade sa lahat ng subject, dahil  matatanggal ka sa pagiging scholar at mapipilitan ka mag bayad ng higit sa daang libong  tuition fee.. kaya maswerte ako at nakapasa ako dito.. nag nalalakad ako ng may biglang tumawag sakin.. " oiii bes, bes Ria... "  sigaw ng babaeng nasa likod ko na tumatakbo, nilingon ko ito dahil sa lakas ng sigaw nya, sya lang naman ang  babaeng bestfriend ko, Kaia  Alliana Garcia,18years old, ang bestfriend ko simula bata pa, childhood friend ko sya inaanak ni tita isabell, katulad ko din sya na isang scholar ng school na ito, matalino, maganda, matakaw kaso nga lang ay malakas at matinis ang boses nitong babaeng to tsss.. " oh kai, ang aga aga nag sisigaw ka nanaman "  ngiting bati ko sa kanya sabay beso na rin. " tss.. ang bilis mo kasi mag lakad  halos mag kasunod lang tayo dumating ii.." nakangusong turan nya.. "Hindi ko napansin sorry" sabi ko sabay ngiti.. " tara na  baka malate pa tayo " dagdag na sabi ko.. " okay lang.. sige tara na" ngiting turan nya, nag lakad na kami papunta sa classroom namin  para sa first subject klasmate ko  din si kaia kaya  hindi rin ako  palaging mag isa at masaya din akong pumapasok sa klase dahil same kami ng kurso at kada enrollment halos sabay kami kaya kung ano ang subject ko ganun din ang kanya.. " mamaya daw Ria may program aA.. may bisita daw tayong dadating, balita pa nga  sobrang gwapo daw nung bisita yiiiiiiie... hindi naku makapag hintay " kinikilig na sabi niya.   " tss.. ayan ka  nanaman sa kaka ganyan mo.. mag aral nalang tayo " sabi ko  napapailing nalang ako sa kaharutan ng bruha na to ... " hay naku bes ang kj mo talaga  kaya NBSB ka pa din e, masyado ka tutok sa pag aaral baka magaya  ka kay ninang isabell nyan" natatawang sabi ni kaia.  Tumahimik nalang ako at na pa paiiling nalang ako sa kalokohan ni kai, 'wala pa talaga akong balak mag boyfriend dahil  gusto ko makatapos ng pag aaral,  pero kung sakling dumating ang magpapatibok ng puso ko bakit hindi'.. napangiti nalng ako sa naisip ko.. Ng makarating kami sa classroom ay tumambad samin ang mga klasmate namin na nagkwekwentuhan " hey , ria, kai.. goodmorning " ngiting bati samin ni Calla Mariel Smith sabay beso saming dalawa.. isa din naming bestfriend, actually apat kaming mag kakaibigan mas BFF ko lang talaga  si kai dahil childhood friend ko sya.. ang dalawa naman na si calla at carlo  na friend namin ay nakilala namin dito sa school kambal silang dalawa, sobrang yaman nilang dalawa , ang pamilya nila ang may ari ng iilang 5 star hotel dito sa bansa.. may mga negosyo din sila sa  ibat ibang bansa   isa sa mga kilalang pamilya ang pamilya nila, mabait silang dalawa magkaiba nga lang ang kursong hilig ng dalawang kambal kaya si calla lang halos palagi naming kasama.. "Hi good morning cal" ngiting bati ko  sabay beso sa kanya.. " goodmorning bes" ngiting bati ni kai kay cal at bumeso rin.. "later let's go to the program together" ngiting sabi ni cal..maganda si cal sexy, matalino mahaba ang buhok na kulot ang dulo na hanggang bewang, kaya madaming manliligaw tong bruha na to kalog din minsan pero mabait... Ginantihan ko sya ng tango sabay ngiti..  bumukas  na ang pinto at iniluwa ang instructor namin.. bumalik na kami sa kanya kanyang upuan.. at nakangiting makikinig sa  discussion DISCUSS . . . . . DISCUSS  . . . . . . DISCUSS   . . . . . . . . *BELL*BELL*BELL* Tumunog na ang bell na hudyat na lunch break na natapos na namin ang mga subject na dapat namin pasukan nag liligpit na kami ng gamit nila kai at cal para maka pag lunch na dahil after lunch daw ang  program..     " ohh, right carlo will be joining us" ngiting sabi ni cal.. na wariy  naklimutan nyang bangitin kanina .. Napalingon kami ni kai at nag thumbs up kay cal.. natawa naman sya  sa pagkasabay namin ni kai ..  " lets go" ngiting sabi ko sa kanila. Nag lalakad na kami papunta ng canteen, ng may sumalubong samin na lalaki.. gwapo at may matamis na ngiti kita sa mga mata nya ang pagka miss " hi good to see you again ladies, i miss you" sabay beso at yakap samin  "specially you kai and ria" dagdag na aniya .. sya lang naman si carlo  anderson smith ang kambal ni calla same age pero ibang kurso ang kinuha nya kaya halos hindi kami magkaparehas ng oras at hindi madalas magkasama.. hiwalay din sya  ng tirahan sa kambal nyang si cal dahil dun sya nag stay sa sarili nyang condo at ganun din si cal.. " hi miss ka din namin ang tagal natin hindi nagkita sobrang busy ka na ba" ngiting bati ni kai  kay carlo  sabay yakap  at beso.. napangiti naman si carlo at gumanti ng yakap bumitaw din agad..   " hey bro" ngiting bati ni cal sa kambal nya sabay  beso at yakap  na tinapik lang ang likod ng kambal at bumitaw rin agad   "  hey carlo how are you we miss you too " sabay beso at yakap ngumiti naman si carlo ng matamis at gumanti ng yakap ng mahigpit sa akin pero bumitiw rin agad.. ramdam sa kanyang yakap na namiss nya kami antagal din namin syang hindi nakita dahil sobrang busy nya na  sa kurso nya at dahil graduating na din sya . " lets go ill treat you guys, para makabawi naman ako sa inyo" masayang sabi ni carlo..lumakad na kami papuntang canteen hindi rin naman kalayuan ang canteen dahil may elevator ang building namin kaya nakarating agad kami sa  canteen pag ka pasok namin ay nag bubulongan na ang mga tao sa canteen .. "Guysss... si carlo ohhh .. ayiie ang gwapo nya talaga..." "Oo nga nakaka inlove kasama nya ngaun ang kakambal nya.." "Hala e may kasama nanaman silang kambal na mga dukha..." "Eww.. sayang kagwapuhan ni fafa carlo ..." "Oo nga tss.. bakit ba kasi nagtanggap pa ng dukha sa school natin e.." Yan lang naman ang palaging maririnig pag papasok na kami ng canteen dahil dito nag sasama sama ang ibat ibang student ibat ibang course..  dahil nga puro mayaman sila ay mas madami talagamg mapanglait sa kanila, na para bang diring diri sa mga  scholar .. at lalo na sa mahirap malalaman naman kasi nila kung mahirap ka o hindi dahil sa kasuotan.. ang mga suot nila ay mga kilalang brand na sobrang mamahal, kaya mahahalata naman talaga kung tatabi ka sa kanila kung galing lang ukay ukay ang damit mo o galing tyangge..  " dont mind them " ngiting sabi ni cal, sa amin dahil alam nya na kami ang pinapatamaan ng  matapobreng mata ng mga tao sa canteen.. buti nalang talaga at mabait itong si cal, kaya nakagaanan namin ng loob ni kai dahil hindi sya tulad ng ibang mayaman, na ng mamata down to earth sya.. Nag punta na kami sa available na table naupo na kami.. nilagay na namin ang bag namin  sa upuan.. para mag order sana dahil lagi naman naiiwan si cal sa table para mag bantay,   ng mag salita si carlo" hey just stay, ill treat you guys remember ? " nakangiting turan ni carlo " wait for me here " dagdag nito at umalis na para mag order ng pagkain.. hindi na sya nag tanong kung ano gusto namin, dahil alam nya na ang mga paborito naming pagkain at pag sinabi ng isang carlo smith na libre nya ibig sabihin package o set of meals ang oorderin nya... Natapos na kami kumain.. at umalis na sa canteen para tumambay sa favorite place namin na  park dito sa loob ng school dahil may garden ang school nato malawak na landscape may malalaking puno at ibat ibang flowers na pag tinignan mo marerelax ka talaga dahil sa likod ng garden na to ang field kaya malawak talaga at masarap ang simoy ng hangin.. nag kwentuhanlang kami ng kunti dahil hininhintay namin ang  oras para makapunta na sa program na gaganapin sa gymnasium .. Papunta na kami sa gymnasium para makahanap ng malapit na uupuan dahil itong si kai e gustong gustong makita yung gwapo na guest ng school  kaya naupo kami sa unahan  kung san kitang kita ang stage malawak at malaki ang pag dadaungan ng program dahil isang billionaire at kilala ang guest kaya itong pinaka malaking gymnasium ang ginamit.." ayiiieeeee ... waaaaaa... makikita na natin yung sinasabi nilang hot and sexy bachelor ayiiee" kinikilig na sabi ni kai...." yeah i cant wait to see him" matamis na ngiting sabi ni calla  "  hey kai, am i not enough, im hot and sexy too" natatawang sabi ni carlo kay kai para mapalingon si kai sa knya na naka kunot noo "what!?" Tawang  tanong  ni carlo kay kai.. " what ka dyan??! Hot and sexy ?!! In your dreams !! " pang aasar na sabi ni kai kay carlo ... " pssh.. feeling talaga tong lalaking to kala mo hot and sexy gwapo lang naman!" Bulong ni kai na may pang aasar.. " what are you saying ?! Na hindi ako hot and sexy at gwapo lang ?? Look, wanna see may greek god body huh!" Tawang tawang sabi ni carlo na balak pa itaas ang tshirt na suot nya.. " aba't..bakit hindi mo itaas ng makita ko!! pa greek greek god body  pang nalalaman dyan sa payat mong yan!ni abs wala ka baka nga buto makita dyan hahaha"  pang aasar na turan ni  kai kay carlo " pssh.. hinahamon moko! Give me your hands then feel it young lady ", ngising sabi ni carlo kay kai na hinawakan ang kamay at ilalapit na sa kanyan tyan para iparamdam kay kai ang sinasabi nyang abs.. " yaaa!!" Mahina sigaw ni  kai sabay bawi ng kamay nya na hawak ni carlo.. natawa naman si carlo sa pag sigaw ni kai dahil sa pag ka pula ng pisngi nito.. " ikaw!!! "  nagtitimping sabi ni kai na hinampas ang braso ni carlo natawa naman si carlo sa pagkaasar ni kai "  tss ang pervert mo!!!" Mahinang sigaw ni kai kay carlo na tawa ng tawa sa pag ka asar ni kai.. natawa naman kami ni calla  sa inaasal ng kakulitan ng dalawa.. hindi talaga sila nag kakasama  na mawawala ang aasaran sa isat isa.. " hey.. hey.. hahaha easy young lady hahahaha your blushing  " tawang tawang turan  ni  carlo.. sa pagkukulitan ng dalawa ay hindi namin napansin na madami dami na palang tao sa kinaroonan namin  halos mapuno na ang gymnasium.. kaya halos madaming nakatingin sa dalawang nag kukulitan na si kai at carlo.. hindi mawawala ang ng bubulungan dahil sa pagkaingit. "Eww.. ang landi talaga  ng mga dukha na yan tss si fafa carlo pa talaga ang hinarot" "Yea so cheap " "Hay naku Kung hindi lang nila friend yan si calla baka matagal na yan binully dito " "Yea right  sa itsura palang nila  for sure madaming ayaw sa kanila sa school na to..." "Tss.. " singhal ko na pa kuyom ako ng mga palad ko sa mga bulong bulongan narinig ko.  porket  mayaman  lang sila.. pera lang meron sila pero yung mabuting puso wala pssssh.. " hey dont mind them" nakangiting sabi ni cal at hinawakan ang kamay kung nakakuyom.. ' ang bait talaga ni cal '  bulong ng isip ko  nginitian ko nalang sya at tumango .. Maya maya pa ay nag uumpisa na ang program may mga dance trope na sumayaw.. at kumanta .. may mga announcement din sinabi ang mc .. about sa mga darating pang event ng school na dapat salihan.. " alright everyone let's all give, around of applause for our guest for today. he is the alumni graduate in our  university and despite of his age of 20 he become the richest bachelor of asia, MR. IAN MATTHEW DAVIS " magiliw na sabi ng mc sabay hiyawan ng mga taong nanunuod .. CLAP **CLAP** CLAP**CLAP** " hi,  good afternoon everyone" cold and sexy voice na pagkakasabi ng guest namin..  nag palakpakan at naghiyawan naman ang karamiha  ngumisi ang binata na makalaglag puso kaya mas lalong naging maingay ang pagtitipon..'natulala ako sa nakita ko ang gwapo nya sobrang gwapo na para syang walking greek god parang pakiramdam ko nakita ko na sya'. kitang kita sa pwesto namin kung gano ka gwapo ang  bisita ngaun.. malamig at lalaking lalaki ang boses nya.. boses na kahit tinig nya   maiinlove kana, maputi, na may magandang hugis na muka,  may makapal na kilay, mapupulang labi,  matangos na ilong, at asul na mga mata, samahan mo pa ng sexy adams apple nya na gunagalaw pag nag sasalita sya..   dahil malapit kami sa stage nasa pinaka una kami  at nasa tapat namin sya mismo naka pwesto dahil nasagilid kami banda at nasa tapat namin ang pwesto ng mic.  kung san sya nag sasalita, ang isang kamay nya ay nakapasok sa bulsa nya, habang ang isa ay nka hawak sa maliit na mic,  ng tumigil na ang karamihan nag salita na sya, pero wala akong maintindihan,  dahil na tulala ako sa angking kagwapohan nya maya maya pay,. pinalibot ng lalaki ang kanyan  paningin na parang titignan nya ang lahat at sabay mag thankyou na  para sa huling salita nito upang makaupo na, ngunit nag tama ang paningin namin, nang madako ang mata nya banda sa pwesto namin, nag katitigan kami na parang bang kilala namin ang isat isa.  walang kang mababasang kahit ano ekspresyon sa mata nya, yung mala asul nyang mata na parang dagat ay blangko.  natulala lang ako sa mga mata nya, na parang may paru paru sa  sikmura ko na hindi ko maintindihan kung ano yun..  pero bumaling na din ang binata nag paalam na at tinapos na ang sasabihin nya sa stage, nasundan ng mata ko ang binatang umupo na sa dati nitong upuan, nagtama nanaman muli ang paningin namin ng bigla sya lumingon sa gawi ko pero nagising ako sa kahibangan ng biglang pumalakpak sa muka ko si kai na nasa tabi ko napalinga linga ako ng tingin.. na parang ngaun ko lang napansin natulala pala ako na parang huminto na ang mundo ko ng sandaling yun... 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD