"Thank you logan " pasasalamat ko kay logan ng mahinto ang kotse nito sa tapat ng mansyon ni Ian. Sa buong byahe ay hindi sya nag tanong ng sabihin kong ihatid ako rito ay nag-aalala nya lang ako tinignan. Hindi sya umiimik at alam kong nag hihintay sya ng paliwanag. Kaibigan ko sya at alam kong dapat akong mag paliwanag pero hindi pa ako handa na manggaling mismo sa bibig ko ang mga narinig ko kanina. " sorry pero hindi pa ako handa " malungkot kong sabi. " okay pag kaylangan mo ng makakaramay andito lang ako ria Im always here for you" ngiting sabi nya ngumiti nalang din ako ng pilit at tumango. Bumaba na sya sa kotse para pag buksan ako. " thank you logan good night " nginitian lang ako nito at tumango hinintay ako makapasok ng gate bago sumakay ng kotse at kumaway. Kung pwed

