--9—
Shanika's POV
Birthday ng anak ni Miss Segun Silv. Nag-invite siya ng dinner with the other pilots and staffs. Nirentahan niya yung Bars and Melody restaurant for the whole night. Hindi makakapunta si ate dahil may flight siya bukas patungong Dubai kaya heto ako loner. Just kidding. Party ito!
Angcute-cute nung anak ni Miss Silv. Ayaw bumitaw sa kanya e.
"Tahimik natin ngayon ah."pansin ni Axel. Invited din siya dahil dati naman siyang katrabaho at feeling close siya. haha! Ininvite niya sarili niya nung nalaman na dadalo ako. "Lonely I'm miss lonely ang drama natin."
"baliw. Masama bang tumahimik? Miss ko na rin kasi magpalipad no. Two week pa yata."
"Two weeks na lang. excited. Oh de ang gawin mo sa natitirang two weeks na super free ka i-stalk mo si Precious. Haha!"
Tiningnan ko siya nang masama. "Hoy nagagandahan lang ako pero wala sa isip ko ang i-stalk siya. Saka hello naman wala pang 2018 para gawin ko yan."
"Hoy din! Plano ng mga magulang kong ipagbuntis ako ng 1992 pero pinanganak na ako ng 1991." May yabang na sabi nito.
"Oh tapos?"
"Tapos?" kunot noo pa siyang hindi makapaniwala sa reaksyon ko. "Ang ibig ko lang naman sabihin hindi porke nakaplan na yang 2018 mo e susundin mo na. Papaagahin mo lang naman yung getting to know her e. Kasya gulatin mo siya isang araw. Hello ako ang fiancé mo. Surprise." Pag-acting pa niya. "Nakakatanga kaya yun. Kung ako si Precious ipapatapon kita sa ilog."
Tinawanan ko lang siya. "Mali kung ikaw ang sasabihan ko nun baka dalhin mo agad ako sa huwes para ikasal tayo! Haha. Patay na patay ka kaya sa akin."
"Nek nek mo. Hindi no. nandito yung ultimate kras ko keye." Hinawi pa niya ang buhok niya sa likod ng tainga niya. "Angcute niya no? saka si Baby Eiyh-Gee. Lam mo kapag kunin niya akong yaya ng anak niya kahit libre papatusin ko na e."
"Baliw! Malandi ka talaga. Teka may tanong ako. Dapat masagot mo to kasi kras mo si Miss Silv."
"s**t alam ko mga detalye sa buhay niya. Kras ko yan e."
Hahaha! Seryoso siya sa sinabi niyang yan! Ako nga may files sa kanya e.
"Birthday?"
"Basic! April 24, 1981."
"Warm up lang yon." biro ko sa kanya. "Ilang silang magkakapatid?"
"Lima. Wala bang mas mahirap?"
"Okay. Ito. Bakit Eiyh-Gee ang pangalan ng anak niya?"
Hindi siya agad nakasagot. Haha!
"5...4..."
"wait lang. nireremember ko siya. s**t to."
Hindi ako tumigil sa pagbilang.
"2...1.. Times up...hindi mo alam no?" natatawa kong sabi sa kanya.
"Kainis. Hindi ko naresearch yon!"
Tinawanan ko na lang siya. "Simple lang naman ang sagot. Hindi ka siguro nakapasa sa chemistry mo nung HS no? haha!"
Confused siyang napatingin sa dako nina Miss Silv na nakikipagkwentuhan sa ibang bisita.
"Lima silang magkakapatid. Yung second name nila lahat puro kulay. Lavender, Silver, Auburn, Rose and Gray."pagpapaliwanag ko. "Ano ba ang symbol ng Silver?"
"AG." Sagot niya. Saka lang naliwanagan ang mukha niya. "Bueset. Angsimple pala. teka paano mo alam yan? Crush mo din siya no?"
"Slight." Sagot ko. "pero wala na. don't worry wala kang kaagaw."
Bigla siyang nataranta. Hindi alam kung iinom pa ng tubig ko aayusin ang buhok o ano? Magreretouch?
"Eh meheged. Megende ne be eke. Pepelepet seye gurl."
Promise! Napapangiwi ako habang sinasabi niya yan. Papalapit nga sa amin si Miss Segun. Karga-karga niya si Eiyh-Gee.
"Hi girls. Okay lang kayo dito?"
"Opo."sagot ko. "hindi pala nakadalo si ate. May flight siya bukas e."
Umatras yata ang dila ni Axel. Nakatanga lang e. haha! Walanghiya! Oh de mas lalo siyang matutuod dahil naupo pa si Miss Silv. Sa tabi ko pa! Si Eiyh-Gee parang gusto magpakarga naman. Kanino?! Sa akin?!
Ouch! Bibi! Bakit mo ako kinakagat sa balikat?!
Natawa lang si Miss Silv. "Gusto kang i-friend ni Eiyh-Gee."
Fine! Kinandong ko na siya. "okay baby. Laro tayo kakain si mommy mo."sabi ko dito. "Gusto mo kay tita Axel? Look. Clown yan."
"Clown mo mukha mo."
"Sumali ka din pala nun Speed Prix. Sumali din pinsan ko dun. Si Jassy. Team Skipbeat."
Salazar din pala tong si Miss Silv. Akala ko kaapilyedo lang pero naconfirm ko lang nitong nakaraan sa mga pictures nila.
Tumango ako. "Talo e."
"Okay lang yan. May next time pa. Akala ko nga si Precious ang makikipagkarera nun e. Excited kasi yon. Nag-eensayo pa nga kami sa Pampanga kasama sina Tres at Quartsy e. First time sana niya na magsolo. Na-baby na naman ni Nikee."
"Talented talaga kayo Miss Silv."sabad ni Axel. Mukhang nakabawi na sa awkward moment. "May mga bagay ba kayong hindi alam gawin? Nakakabilib na kasi masyado."
Natawa si Miss. "Naimpluwensyahan lang kami nina Precious. Sila itong laging active sa mga sports. Wala silang makalaro madalas kaya kaming magkakapatid ang hinihila nila. Lalo yung tatlong nakababata. Sila talaga ang madalas kapustahan nung apat."
"So dapat sa kanila ako bumilib?" natatawang sabi ni Axel. "Pero true. Halos kaedad ko lang sila pero angdami na nilang naachieve. Pero angbaby ni Precious no? Baby face." Makahulugan ang tingin nito sa akin. Tusukin ko kaya ng tinidor ang mga mata niya?
"Iyakin din." Natatawang dagdag ni Miss.
Baby naman. Nakikinig ako sa kwento tungkol kay shorty is subo ka nang subo ng melon sa akin. Ano ba yan. Tapos tatawa. Hay may topak tong batang to.
"Baby talaga nila yon si Prey."Napatigil siya sa pagkain. "Wait." Hinugot niya ang phone sa bulsa niya. May tumatawag yata.
Anglikot ni Eiyh-Gee! Nakakahiya naman kay Miss kung hindi niya matapos ang pagkain niya. Tumayo na muna ako. Kunwari ninan mo ako Eiyh-Gee. Dun tayo sa ibang bisita.
"Uy san ka punta?"kabadong tanong ni Axel.
"Dun. Ikaw na bahala kay Miss." Kinindatan ko siya. Then I mouthed good luck. Haha! Bahala siyang umurong ang dila niya. haha!
Kilala ko naman by face yung mga kapatid ni Miss Silv kaya sa table nila ako lumapit. Medyo nangangawit na rin kasi ako.
"Ikaw ba yung new girlfriend ni ate?" tanong ni Tres. "Malapit na sayo si Eiyh-Gee. Maganda yan."
"Ha? Hindi."tanggi ko agad. "Ano wala. Kawork lang."
Ngumiti ito. "Alam mo hindi basta-basta nakikipagkwentuhan si Ate sa kawork lang. hindi niya ipagkakatiwala sayo si Eiyh-Gee kung kawork ka lang."
Angjudgmental. Kasalanan ko ba kung bait-bait ni baby girl at gusto niya ako? Awkward tuloy. Napasama pa ako sa picture taking e parang mga family members lang ang kasama.
"Uy ate! Lika dito bilis!" napalingon ako sa direksyon na tinitingnan ng bunso nilang kapatid. Si Gray.
Papalapit sa amin si Miss Silv kasama siPrecious at Axel! Whattahell?! Angpogi ni Prey ngayon.
Nakablack and white stripes na shirt, jeans at naka-talikod yung ball cap niya. Na-emphasize masyado yung kilay niyang almost perfect. Hindi ko agad naalis ang tingin ko sa kanya kung hindi pa kinurot kurot ni Eiyh-Gee ang pisngi ko. naku baby! Bakit feeling ko jejealous ka? Huh?
--
Kasama na kasi namin sa table si Prey. Pinuno ni Gray ang plate niya ng pagkain.
"Oh hindi ako marunong kumain niyan! Bakit mo nilagyan?!" reklamo ni Prey. Yung malalaking hipon ang tinutukoy niya.
"Problema ba yon? Paghimay kita." Kinuha ni gray yung mga hipon saka nilagay sa plato niya.
Nakakaloko ang ngiti ni Axel sa akin. Tinaasan ko siya nang kilay saka ako sumubo ng cake. Ibuhos ko na lang sa cake ang boredom! Nagpatugtog ng sweet song. Ano to?! Debut?
"Uy sayaw tayo." Yaya ni Gray. "Mamaya ka na kumain para pumayat ka naman."
Pinalo siya ni Prey sa braso pero pumayag din naman. So in almost 20 minutes na magkaharap kami parang hindi niya ako nakikita. Parang sila lang ni Gray ang magkasama. Sumakit yata ang batok ko ha.
"Ano na girl? Hihintayin mo pa ang 2018? Hoy! Yung fiancé mo pinopormahan ng poging Salazar!"
"Mahal mo pa ba ang trabaho mo?" sabi ko dito nang may pagbabanta.
Gets naman na niya ang ibig kong sabihin dun. Panakot ko yan sa kanya e. Tsk. Kapag ako napikon dito talaga pababawasan ko ang raket niya sa Persona.
Marami na rin ang sumasayaw. Magsama-sama silang sweet! Hay! Makapag-cr na nga lang bago umuwi.
--
Hindi pa kami umuwi. Gusto ko munang mag-bar. Namimiss na rin ng katawan ko ang party all night. Though galing naman kami sa party pero iba pa rin yung ganito. Alak! Music! Alak!
May shoot siya bukas. Sabi ko naman kahit umuwi na siya kaya ko namang umuwi. Siya tong mapilit e. nakalimang shots na rin ako.
"May tanong ako sayo..." baling ko sa kanya pagkababa ng baso. "sagutin mo ako nang maayos ha? Ipapatanggal kita sa trabaho kapag hindi."
"Ahy grabe siya. mapagbanta. Oh ano yon? dapat matinong tanong din yan."
"Anong gagawin mo kapag isang araw sabihin sayo Miss Axel, may expiration po ang mga mata niyo. Mabubulag na po kayo in a span of one year." Sinalinan ko ang baso niya ng alak. "So? Anong gagawin mo?"
"Simple lang no. Magtratravel ako girl. Isasama ko yung super crush ko! Magpipicture kami sa lahat ng pupuntahan namin. Tapos aakitin ko siya. haha. Tapos pipicturan ko siya ng nude.hahaha!"
"Tangina. Manyak mo talaga."
Nag-inom lang kami. Hindi naming pinapaunlakan ang mga gusto kaming isayaw. Angdami kasing gumugulo sa isip ko ngayon. Sa sobrang dami ayaw ko nang isipin!
"Shot Axel! It's on me!" itinaas ko ang bote. "Order ka pa. Yung gagapang ka sa kalasingan!"
Fuck! I can't lose my job! Pangarap kong makapagpalipad ng international flights!
"Girl, may problema ba? Hoy! Pag-usapan natin to." Pag-alo niya sa akin habang pinipilit niyang kunin ang bote ng alak.
Winaksi ko ang kamay niya. Umiling ako. "Okay ako. Just go and order ka pa. Kaya ko pa to."
Kaya pala ganun na lang mag-alala si ate sa kalusugan ko. Kung ituring niya ako ay parang batang laging nangangailangan ng pangangalaga at paggabay. I am not strong as what I thought. Para akong salamin na madaling mabasagAraw-araw kong binabalikan ang mga sketches. Unti-unti kong napagdurugtong ang ilang bahagi ng akin gala-ala..
Pero may kulang pa. Bakit sa panaginip ko nandun si Precious. Kahawak kamay ako pero pakiramdam ko hindi ako yon! Dahil nung magtama ang aming mga paningin ay ibang pangalan ang binanggit niya.
Angel.
Sino ba yong Angel na yon?
"Girl, pasundo ka na ha? Kailangan ko nang umuwi e."
Hindi ako umimik. Bahala siya kaya ko namang umuwi mag-isa. Hinugot ko ang phone ko. tatawagan ko yung driver namin. Oh s**t! Deadbatt pa!
Pinakita ko ito sa kanya. "Deadbatt. Geh na. alis ka na. Kaya ko umuwi."
"hindi naman pwede yon tanga to."
Whatever. Tinalikuran ko siya. Pinanood ko na lang ang mga party goers na nagsasayawan. Makisayaw na rin kaya ako kaso baka limang hakbang pa lang matumba na ako. Nakakahiya! Haha! Si Shanika?! TKO? f**k!
Inalalayan ako ni Axel. Narinig kong sabi niya sa VIP area ako maghintay. Iiwan talaga ko ng babaeng to! Pakakaltasan ko to kay ate Ingrid!
"hindi ka pa naman lasing. Hindi ka pa nagrarap e."
Hindi ako umimik. Hindi pa ako lasing na lasing. Kaunti lang. Ramdam ko pa ang pagtakap ko sa sahig e! Pinaupo niya ako.
"Pakiss nga girl.."natatawa nitong sabi habang nilalapit ang mukha sa akin.
Sinalubong ko ito ng kanang palad. "Gago. Hindi ako lasing. Wag mo akong manyakin!"
Tatawa-tawa lang siya. Nakapikit lang ako. Sino ka ba kasi Angel? Bakit ganun na lang kung makatingin sayo si Precious? Bakit parang puno ng pananabik? Bakit?!
"Oh ito na pala ang sundo mo e."
"Anong nangyari diyan? Bakit ako ang tinawagan mo? May pamilya naman siya ah."
Fuck? Nananaginip ba ako ng gising ang diwa? Si Precious yon! Accurate! I have this sensitive sense of hearing na kahit pinapamaliit detalye ng timbre ng boses kaya kong marecognize kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yon basta narinig ko na at nakilala yung tao.
"Deadbatt phone niya. de ikaw na tinawagan ko. Ikaw na bahala diyan. Maaga ako bukas." Nuyugyog ako ni Axel. "Uy girl mauna na ako. Si Precious na maghahatid sayo."
Tinaas ko ang kanang kamay ko. "Babye!"
Minulat ko ang kanang mata ko. Nakapameywang si Precious. Nag-iisip siguro to paano niya ako aakayin e angliit niya hahaha! Tinatapik-tapik ko ang space sa tabi ko.
"Sit down muna baby."
Haha! Natatawa ako sa reaksyon niya. Nangunot ang noo e. "Mukha mo. Tumayo ka diyan. Ihahatid na kita."
--
Prey's POV
Nakakainis! Bakit pa tinawagan ni Axel si ate Silv. Ako tuloy ang pinapunta dito sa bar para sunduin tong si Shanika. Nakailang alak ba to? Parang hindi na to makalakas nang maayos e.
Kaya ka nga tinawagan dahil lasing. Hindi kayang magmaneho!
Tinapik-tapik pa niya yung espasyo sa tabi niya. gusto niya akong umupo doon. Anong akala niya sa akin? Babaeng mababa ang lipad? Pwedeng i-table? Anglabo nito!
"Mukha mo. Tumayo ka diyan. Ihahatid na kita."
"Waiter!" sigaw niya. "Isang whisky nga! No ice!"
"Yes maam."sabi nung waiter.
Bahala kang mag-inom. Papanoorin lang kita. Umayos siya ng upo. Hay! Yung neck line na naman niya! Itong jacket na pinahirap na lang ni ate Silv ang ipapasuot ko sa kanya.
"Suot mo to." Iniabot ko sa kanya.
Pero walanghiyasiya dahil hinila niya ako! Napasubsub tuloy ako sa kanya! Sa dibdib niya! Bueset! Hindi ako makagalaw! Dahil niyakap niya ako.
"s**t naman!" Pinilit kong kumawala sa yakap niya. "Shanika! Ano ba?! Hindi ako makahinga!"
At nakakainid! Dahil dumadampi ang labi ko sa balat niya habang nagsasalita ako!
"Angsarap-sarap mong yakapin Precious. Parang teddy bear lang."
"Hindi ako makahinga." Sabi ko nang malumanay.
Naawa siguro siya dahil lumuwag ang pagkakayakap niya pero imbes na pakawalan ako, umayos siya nang pagkakaupo para makaakbay sa akin. Wala talaga siyang balak na pakawalan ako dahil nakayakap na siya sa beywang ko habang nakapatong ang baba niya sa ulo ko. Leche!
Pero yung amoy niya. Perfect mint and prescripto 88. Hindi precious love! But exactly the mixture of the scent I smelled during our social experiment in Davao!
"Lasing ka na."sabi ko dito.
Umiling siya. "hindi. Kilala pa kita. Ikaw si My Precious."
Bueset! Ganun pa rin sa Lord of the rings ang pagpronouce niya!
"Iiwan kita dito! Umayos ka!" sabi ko nang pinaghahalikan niya ako sa may buhok.
She giggled. "Naniniwala k aba sa poreber Precious?"
"Hindi! Kaya tumigil ka na diyan. Marami ka nang nainom!"
Shit?! HInawakan niya ako sa magkabilang balikat sa kainiharap sa kanya. s**t! Anong plano niya?! Nakapikit siya. free na ba ako para titigan siya?
"Don't move."sabi lang niya.
Yung mga kamay niya hinaplota ang balikat ko. Leeg. Dalawang tainga ko. Umabot sa pisngi hanggang sa ilong. Anong problema nito?! Napapangiti siya hanggang sa umabot sa mga mata ko.
"Angkapal ng kilay mo..."sabi niya.
Medyo nanlamig ako nang dumapo ang kanang hintuturo niya sa labi ko. Gusto ko siyang pigilan pero may kung ano sa isip ko na nagsasabing hayaan ko lang siya. ilang beses niyang hinaplos ang labi ko.
Bumalik sa balikat ko ang mga kamay niya saka siya ngumiti. Bago niya ako kinabig para akbayan niya lang ulit. Anglakas ng trip niya!
Her touches seem not so stranger for me!
"Ikaw muna chix ko ngayon my Precious."sabi niya habang hinahaplos-haplos ang buhok ko.
Pinilit kong inaabot ang bote ng alak. Iinom na rin ako dahil naiinis ako sa sarili ko! Hindi ko siya pinigilan sa pag-envade ng personal space ko e!
"hep! Bawal kang uminom! Baby ka pa!"sabi niya. "Baby shorty kita!"
"e tangina! Nabubuset na ako sayo! Iinom ako dahil gusto ko!" sigaw ko sa kanya. Tinanggal ko ang pagkakaabay niya sa akin at ininom ang tira niyang alak.
"Wow! Indirect kiss! Hahaha!" pang-aasar niya. "Direct kiss mo nga ako shorty?"
Pagharap ko sa kanya nakanguso na siya. Palad ko nga ang idinikit ko sa labi niya. "In your dreams!" inis ko siyang itinulak nang marahan.
Nahigit niya ang braso ko saka ako kinabig kaya anglapit-lapit na ng mga mukha namin.
"In my dreams, you're smiling at me but you're calling me angel. That sucks." In split second magkalapat na ang mga labi naming! She's kissing me gently. Tasting my lower lip! Itinikom ko ang bibig ko habang mahigpit kong hinawakan ang wrist niya.
Tumigil naman siya pero tumulo ang mga luha niya.
Itinakip niya ang mga palad niya sa mukha niya. Humagulgol na siya. siya na nga tong nanghalik siya pa ang umiyak? Baliw ba to?!
"Tangina! Sino ka ba sa buhay ko?!"
Ano ba kasi ang ibig niyang sabihin? Hinawi niya ang buhok niya saka pinilit tumayo. "Uuwi na ako." Oh! Tapos matutumba.
"Hindi mo pa kaya. Ihahatid na kita." Ipinatong ko ang braso niya sa balikat ko.
Konsensya ko pa to kung may mangyari sa kanya pauwi. Ako ang huling nakitang kasama niya.
Shit?! Sabi ko ihahatid ko pero pagkasakay niya sa kotse nakatulog naman agad! Paano na to?! No chice Precious! Ihahatid mo siya sa bahay nila!
--
Naghihilik pa siya nang makarating kami sa bahay nila. Namula na nga ang pisngi niya sa pagtapik ko e! gigiwang-giwang pa rin siyang maglakad kaya minabuti kong iangkla siya sa balikat ko.
Ang-awkward! Si Mauren ang sumalubong sa amin!
"Uhh... naparami siya ng inom."sabi ko lang.
"Dun..." amoy alak Shanika! Nakakainis! "Dun ang kwarto ko shorty."
Tutulungan sana ako ni MAuren pero pinigilan siya ni Shanika.
"Ate I am strong. Kaya ko to." Actually pinipilit niyang kumawala pero mahigpit ang pagkakahawak ko sa kaliwang braso niya para hindi siya matumba.
"Umayos ka nga!" sigaw ko dito. "Anglaki-laki mo kapag natumba ka sa akin maiipit ako!"
Tumawa naman siya. Bueset! Nagrarap siya ng stupid love hanggang makarating kami sa kwarto niya.
"Alis na ako." Paalam ko pero nahigit niya ang braso ko.
"Anong oras na. Dito ka na matulog."Sabi niya pero nakapikit naman.
"Tama siya. Late na. Dito ka na magpalipas ng gabi."sang-ayon ni Mauren. Bumaling siya kay Shan. "Maaga akong aalis bukas. Shan, dito ka lang sa bahay bukas ha? Magpahinga ka."
Tumango si Shanika. "Ingat sa flight."
Hinalikan siya ni Mauren sa noo.
"Ikaw na muna ang bahala sa kanya. Alam mo naman ang pasikot-sikot dito sa bahay. May mga damit siya diyan hiramin mo na lang."
Hindi ako umimik. Gusto ko siyang kausapin tungkol sa amin. Ngayon na mismo! Pero tumalikod na siya agad.
"Hoy uuwi na ako. Kaya mo naman. Huwag kang maglasing-lasingan." Winaksi ko ang kamay niya.
Mabilis siyang bumangon para maupo sa gilid ng kama. Walang anu-ano ay kinabig niya ako kaya napababaw ako sa kanya.
She immediately flip us over.
"Angdaldal mo. Kanina pa kita gustong patahimikin!" she pinned my wrist over my head with only her left arm.
Fuck! Para akong nahihypnotize sa mga tingin at sa scent niya!
"Pero pasalamat ka kasi antok na antok na ako." Isang halik sa ang dumampi sa labi ko ska siya umayos ng higa pero ginawa niya akong parang teddy bear sa pag-angkla at pagkayakap niya sa akin.
Shit! Matutulog kami nang walang ligo! Yakap-yakap niya ako na kung haharap ako sa kanya ay mapapasubsob ako sa dibdib niya! Tangina!
Tatalikod na lang ako! Pilit akong pumihit para talikuran siya. Lumuwag ang pagkakayakap niya pero iniayos lang pala niya ang pag-unan ko sa braso niya. Hinawi pa niya ang buhok ko pataas! Leche siya! Nakatalikod nga ako! Yung hininga naman niya dumadampi sa batok ko! Ano bang trip nito?! Fertile ba siya at inaakit niya ako? Dahil s**t! Kung hindi lang mainit ang dugo ko sa kanya baka bumigay na ako sa ginagawa niya! Nararamdaman ko ang pareact ng katawan ko sa bawat pagdampi ng balat niya sa akin! Bahala na akong umalis nang maaga at pagtaguan siya habang buhay!
Baka ginagamit lang ako nito para makalapit siya kay Chloe! Baka all these time may masama siyang balak para paghiwalayin yong dalawa at ako ang susi sa mga masasamang balak niya!