PREY'S POV Nasa isang restaurant kami ni Blythe. Hindi daw kami uuwi hanggat hindi niya nailalabas ang galit niya sa akin. "Angtanga mo! Sobra! Tangina ka e! hanggang kailan mo uunahin si ate Silv? Wala kang utang na loob dun para magparaya ka!" panenermon niya. "At kahit may utang na loob ka hindi tamang balewalain mo ang nararamdaman mo para sumaya siya." Hindi na ako umimik. Hindi ko na kasi makain ang mga pinagsasabi niya. "Hay! Kung malaman to ni Nikee babatukan ka rin nun e." "Huwag mong sasabihin. Mag-aaway tayo pag ginawa mo yan." "E ano tong ginagawa natin? Hindi pa ba tayo nag-aaway?" inirapan niya ako. "tangina talaga yung effort natin iba ang nakinabang." Sabay inom ng juice. "Ulitin mo pa yun talaga Prey. Isang-isa na lang." Napangiti ako. Tumayo ako saka siya niyakap m

