32 SHANIKA's POV "Hindi ka na naawa kay Precious." Komento ni Axel. Nagbilang siya sa daliri niya. "Tatlong araw nang cold treatment ah. Hindi mo na ba mababago yang toyo mo? Minsan lang atakehin pero napakasobra naman." "Hindi mo naiintindihan e. Nakalimutan niya akong sunduin tapos badtrip pa yung panaginip ko. Sumama ba naman siya sa ibang babae. Nakakabueset yon ah!" "Ewan ko din sayo. Naaawa na ako talaga sa kanya." Susuyuin ko na nga siya mamaya. Maghahanap na muna kami ng isusuot namin sa kasal nina Louise at Jassy. Sa hinahaba-haba at sa napakaraming pagsubok na dumaan sa buhay nila ay sa kasalan din ang tuloy. Mabuti naman. "Uy Shan, kumusta yung mata mo?" Ngumiti ako. "Milagro." Sagot ko. "Alam mo yung parang milagro na hindi na nanlalabo ang mata ko. Hindi na kumikirot an

