--19.1-- SHANIKA's POV Tanghali na kami nakarating sa venue ng reunion. Isa itong resort na pagmamay-ari din ng isa sa mga kamag-anak namin. Balik-bayan ang pamilya nina Tito Danilo kaya sila ang naghost ng reunion. Maliban kay tito Danilo, galit sa akin ang pamilya niya. Siguro ay dahil sa nangyari kay Clareth. "MaeCrisanne Resort." basa ni Coreen sa signage. "Anglaki ng nilago nito ah." Inunlock niya ang pinto. "Okay. Let's go." "Ayoko na. Uwi na lang tayo." "Sayang naman yung pinagdrive ko para umuwi lang tayo no."sabi ni Coreen. "Gisingin mo na yang si Babs." Niyugyog ko si Precious. Namimikit-mikit pa siyang tumingin sa akin. "Bakit?" "Nandito na tayo." Umayos siya ng pagkakaupo. Humikab saka ngumiti. "Tara..." "Paano mo namamanage na maging maganda kahit bagong gising?" "Pa

