Ms Dy EP 26 . . Sunday came.. Maaga ko sinundo sila Diana dahil mas gusto daw niya makarating kami sa kanila nang mas maaga para makapahinga pa ako bago yun game. Mga 6:30 am pa lang ay nasa kanila na ako. "Good morning, Hon! I missed you.. Di kita nakita kahapon.." lambing niya. "HHHmmmmmm.. I missed you too.. Gising na ba sila?" tanong ko. "Pinapaliguan si Cloude.." sabi niya sabay nguso. . Hinalikan ko rin naman siya agad at niyakap. "Miss you too.. Parang ang bagal tuloy ng oras kahapon.." sabi ko sa kanya. "Oo nga e. Nagungulit kaya si Cloude na pumunta sa inyo dahil miss na daw niya mga kalaro niya dun." kwento niya. "Hahahaha.. Sila Aries din hinahanap siya, akala ata every weekend na kayo sa bahay.." kwento ko naman. "Hhhhmmmm.. pwede naman siguro yun hon.. Para ma

