Ms DY EP 10
.
.
After dninner ay pinagtulungan na namin magligpit at maghugas ang pinagkainan namin. Tapos ay bumalik kami sa sala para dun mag stay.
"Ayaw mo sa labas? Sa garden tayo mag tambay. Ganda buwan ngayon, full moon.." suggestion ko.
"Gusto ko sana, kaso sa nangyari kanina, malamang naka abang mga marites jan sa paligid. Baka pati ikaw, kabago bago mo dito, magkaron ka na ng kwento. Hahahaha.." sagot niya.
"I see.. Okay. So what do you want to do? Nood ulit tayo TV?" tanong ko.
"HHhhhhmmmmm.. Pwede naman.. Or mag sounds na lang tayo tas kwentuhan..
I know! Di ba marunong ka maggitara? Turuan mo na lang ako. Me gitara jan." nakangiti niyang sabi.
"Sure! Sige labas mo, gitara tayo." sabi ko.
Parang batang excited naman siyang tumakbo para kunin ang gitara.
.
.
Habang paalis ay pinagmamasdan ko siya.
Hindi ko talaga alam kung ano meron sa kanya pero parang ayaw ko nang umalis sa tabi niya.
Parang gusto ko na siya laging kasama.
Hays.. Sana nga siya na..
.
.
"Medyo luma na to, pero mukhang ayos pa naman. Marunong ka ba magtono? Sobrang tagal na di nagagamit to e." sabi niya pagbalik.
"Lika, check natin. Basta okay pa naman ang strings at di sira ang neck, okay pa yan." sagot ko sabay abot ng gitara.
.
So chineck ko na nga. Okay pa naman ang strings, di pa naman kuba ang neck. Medyo maalikabok lang talaga. Kung sino man gumamit nun dati ay marunong dahil linuwagan niya ang strings bago itinago yun gitara.
Kaya sinimulan ko na rin magtono. Dahan dahan hinihigpitan ang bawat string.
Habang nagcoconcentrate ako sa pagtotono ay napansin kong ang tahimik niya. Paglingon ko ay nakatitig lang siya sa kin at nakangiti.
.
"Hey! Bakit?" tanong ko.
"Wala, basta magtono ka lang jan." maikling sagot niya.
Tinuloy ko ang ginagawa ko.
"Bakit ba?" natatawa ko nang tanong sa kanya dahil nakatitig pa rin siya sa akin.
"Natutuwa lang ako kasi parang pareho kayo ni Tatay ng mannerism sa pagtotono ng gitara. Sa kanya kasi yan, mahilig kami magkantahan dati nun dito pa sila nakatira.." sagot niya.
"Namimiss mo sila no? Dapat ata, sumama ka na lang sa kanila sa outing para mas nagenjoy ka." sabi ko.
"Hhhhhmmmmm.. Kasi nga, nagparty tayo. Ang plan ko talaga is susunod ako dun sa kanila today, para sabay na kami umuwi dito bukas nila Cloude. E kaso andito ka. Kaya sinabi ko na lang na sila na lang muna." paliwanang niya.
"Gusto mo samahan kita bukas, sunduin natin sila. Pag drive kita." alok ko.
.
"Talaga, okay lang sayo? Hindi naman sobrang layo, mga 3 hours lang na drive yun." masaya niyang sabi.
"Oo naman! Sige, samahan kita bukas pagsundo sa kanila. Matagal na rin ako hindi nakakalayo dito sa Manila e. Maeenjoy ko for sure ang sceneries." excited ko ring sabi.
"Yehey! Thank you!!" parang bata niyang sabi.
.
Nang matono ko na yun gitara ay nagsimula ako magtipa ng mga simple chords para icheck. Masarap sa tenga dahil classical guitar yun kaya hindi kasing tinis ng typical na acoustic guitar. Mas trip ko kasi yun soft lang ang tunog, hindi maingay.
"Magaling ba mag gitara si Tatay mo?" tanong ko sa kanya.
"Well, I wouldn't say na magaling as in pang banda, pero he can easily cope kung ano gusto namin kantahin," sagot niya.
"Ahhhh... Pareho nga kami. Hindi naman ako magaling, just well enough para makapag kantahan tayo ng me tunog. Hahahaha.." sabi ko naman.
.
"Ano gusto mo kantahin?" tanong ko ulit.
"Hhhhhhhmmmm... Ikaw muna, ano fave mo tugtugin?" balik tanong niya sa kin.
"Hhhhmmmm.. I wouldn't say favorite, but ito mga kanta na to usually first ko tinutugtog pag matagal ako hindi nag gitara. Huling el bimbo, himala saka sampip. Simple chords kasi saka alam ng marami kantahin." sagot ko naman.
"Sige himala.. Kantahan mo ako.. Pag ako hindi nagandahan jan, ipapalo ko sayo yan gitara. Ang tagal tagal mo mag tono.. Hahahaha.." biro niya sa kin.
Natawa naman ako sabay simula na tumugtog.
.
"Ang galing! Ang ganda ng boses mo ah, in-fairness. Di ko inexpect. Hahahaha.." puri niya.
"Hahaha.. Wala sa itsura no? Sorry ah, ganyan talaga kaming mga pogi, akala niyo lagi di marunong kumanta. Hahahaha.." tugon ko.
"Ang sarap mo pakinggan kumanta.. Isa pa, please?" request niya.
"Ang daya mo, dapat ikaw naman kumanta. Tutugtugan kita." sabi ko.
"Isa na lng, tapos ako naman.. Please..." pacute niyang sabi.
"Sige na nga.." sabi ko sabay pisil sa ilong niya.
.
Haist.. How can I say no to this gorgeous angel in front of me?
.
Nagsimula ulit akong tumugtog..
"Come a little closer
Flicker in flight
We'll have about an inch of space
But I'm here, I can breathe in
What you breathe out
Let me know if I'm doing this right
Let me know if my grip's too tight
Let me know if I can stay all of my life
Let me know if dreams can come true
Let me know if this one's yours, too
'Cause I see it
And I feel it
Right here
And I feel you right here
The vacuous night
Steps aside to give meaning
To Gemini's dreaming
The moon on its back
And the seemingly
Veiled room's lit
By the same star
And I feel it right here.
And I feel you right here."
.
.
"Ang ganda! Thank you! Alam mo bang favorite song ko dati yan Gemini.." sabi niya.
"Favorite ko rin yan, kaso di ko pa nakikita yun pag aalayan ko ng kanta.. Parang ngayon pa lang.." nakangiti kong sabi sa kanya.
Napangiti naman siya at at parang kinilig.
"Wag ka na nga jan! Papogi ka na ng papogi sa paningin ko! Hahahaha.." biro niya.
At sabay kaming natawa.
.
"Oh, ikaw naman.. Anong gusto mo kantahin?" tanong ko.
"Ode to my family, alam mo?" request niya.
"Cranberries? Wag ka na nga malungkot, sasamahan kita bukas para makasama sila.. Gusto mo maghabulan pa tayo sa daan para mas nostalic.." biro ko naman.
"Hahahaha.. Siraulo ka talaga. Fave ko rin kasi yan, lakas makabalik ng mga memories ng kabataan.." sagot niya.
"HHHmmmmm.. Parang ang lalim ah.. Ganun ba kabigat ang pinagdaanan mo?" tanong ko.
"Hindi naman siguro kasing bigat ng pinagdaanan ng iba. Pero para sa kin, oo. Kanya kanya naman tayo ng burden na dinadala e" sagot niya.
.
"Sabagay.. Sabi nga, we all live in the same paradise. We just have to deal with our own hells," tugon ko.
"Wow! Parang mas malalim pinagdaanan mo ah! Hahaha.." tumatawa niyang sabi.
"You have no idea, Diana.." sabi ko naman.
"HHhmmmm.. Maybe you'll let me know someday. Sabay nating tahakin yang hell mo" nakangiti niyang sabi sabay kindat.
.
"Hahaha.. Bat bigla ka atang naging positive? Kanina lang emo emo ka ah.." asar ko sa kanya.
"Hahahaha.. Di ko rin alam. Nun narinig kong malungkot ka, bigla ko gustong magpakapositive para matulungan kita. Di ba nga sabi mo, kung hindi man ito mag end sa romantic relationship, at least we will be friends until the end.. Kaya nagpapractice na ako sir.. hahahahha" magiliw niyang sagot.
Natuwa naman ako sa sinabi niyang yon.
"Thank you. You have no idea what this means to me," seryoso kong tugon.
"Game na nga, kanta ka na, baka magkaiyakan pa tayo dito.. Hahahaha.." sabi ko sabay simula nang tumipa.
.
.
"Wow! Ang ganda pala ng boses mo! Bat di ka nakikikanta sa party??!" Gulat kong tanong pagkatapos niyang kumanta.
"Mahiyain kasi ako sa mga ganyan. Mapapakanta mo lang ako pag family ko kasama ko.." sagot niya.
"E ba't kumanta ka ngayon?" nakangiti kong tanong.
Tumitig lang siya sa kin saka nag smile din.
"Bakit ayaw mo ba? Wag ka na marami tanong. Tigilan na natin to" kunyaring sungit niya.
"Hahahaha.. Ang cute mo no? Yan ganyang side mo ang ngayon ko lang nakikita. And I'm loving it.. Gusto ko pa yan makita ng mas malalim" tugon ko.
"Be careful what you wish for.. Baka lumayo ka pag nakilala mo na talaga yung totoong ako.." sabi niya na sobrang seryoso ang tingin sa kin.
.
Walang emosyon. Blangko lang ang tingin. Walang ekspresyon.
"Ano kaya nangyari dito, parang sinasapian ng masamang espiritu!" sa isip ko.
Sabay bigla niya akong dinamba.
"RAAWWRRR!!! hhaahhahaah" sigaw niya na kinagulat ko.
.
.
"You're crazy, Diana. Aatakihin ako sa puso sayo.. Hahahaha.." tumatawa kong sabi.
"Ganti lang yan.
Inaatake mo rin kasi ang puso ko. BOOOM!!!
Hahahaha.." tawang tawa niyang tugon.
"Baliw to.. Halika na nga dito, akala ko ba magpapaturo ka tumugtog?" natatawa ko ring sabi.
"O sige game na. Totoo na, promise.." sagot niya sabay lapit na sa kin.
Itinuro ko muna sa kanya ang mga basic chords, kung saan ang pwesto ng mga daliri.
Ang ganda ng mga daliri nitong babaeng to..
Parang gawa sa kandila..
.
"Huy! Tapos, pano pag ililipat na?" pukaw niya sa kin.
"Ahhhmm.. Ganun lang din. Bagalan mo lang muna para masanay ka. Yun mabilis na paglipat, kusa mo na magagawa yun pag sanay ka na sa chords."
"Eto naman, may tinuturuan, kung ano ano yata iniisip.. Mag focus ka nga! Hahahaha.." asar niya.
"Naka focus ako. Naka focus ako sa ganda mo." tawa ko sa isip ko.
.
"Bat ganun, parang hindi katunog?" tanong niya.
"Hindi mo kasi naiipit ng maayos yun strings. Kailangan lapat na lapat sa frets para mabuo yun tunog" sagot ko.
"AAhhhhh.. ganun pala yun.." sabi niya sabay try ulit.
"Oo nga, mas maganda tunog pag madiin.. Kaso masakit sa daliri! Di ba magkakalyo daliri ko dito?" tanong niya.
"Actually, yun nga ang goal. Ang magkakalyo ka sa daliri para hindi na masakit moving forward" sagot ko.
"Seryoso?? Edi papanget ang daliri ko? Hahahaha.." tumatawa niyang sabi.
.
"E ganun talaga, ginusto mo yan e.. Lahat talaga ng bagay, dapat pinahihirapan muna. Pag nakakatugtog ka na ng mga gusto mong kanta, di mo na iindahin yan kalyo mo sa kamay" nakangiti kong tugon.
"Ganun ba? O, ikaw na lng muna ulit. Masakit na agad daliri ko e" inabot niya sa kin ng gitara sabay check sa daliri niya.
"Ano, napudpod ba? Hahahaha.." asar ko sa kanya.
"Hindi, pero masakit.. Sa susunod na ako ulit mag-aaral.." sabi niya.
"Patingin nga.." sabi ko sabay kuha sa kamay niya.
"Namula nga.. Pero mabilis lang mawala yan. Practice ka ulit bukas para masanay ka kaagad" sabi ko sabay kiss sa mga daliri niya.
Napangiti naman siya.
.
"Kantahan mo pa ako ng isa.." request niya.
"Ano gusto mo?" tanong ko.
"Kahit ano. Ikaw na pumili. Gusto lang kita marining kumanta ulit" nakangiti niyang sabi.
"Sus, gusto mo na naman kiligin.. Tigilan mo ako, Diana. Alam ko na yan.." asar ko sa kanya.
Pinagkukurot naman niya ako.
"Ang pogi mo rin eh no?! Bilisan mo na, kanta ka na kung ayaw mong masaktan.." ganting biro niya.
Tinugtugan ko siya ng "Somewhere Only We Know".
"Aaawwe.. Ang galing mo.. Gusto ko na lng makinig sa yo.." malambing niyang sabi.
"Wow, me personal songer ka? Wag mo sabihing maganda ka, wala nang libre ngayon. Dapat me bayad.." biro ko.
"Hahahaha.. Magkano ba?" sakay naman niya sa biro ko.
"Anong magkano? I don't need your money! I need you!" natatawa kong tugon.
"Ang mahal naman nun.. Wala bang tawad? Hahahah.. Sige kantahan mo pa ako, massage kita mamaya. Deal?" malambing niyang alok.
"DEAL!" mabilis kong sagot.
"Hahahaha.. Ang bilis kausap ah.." masaya niyang tugon.
.
Kinantahan ko pa siya ng mga madali lang tugtugin.
20 million by Rivermaya, Secret Smile ng Semisonic, KLSP ng Spongecola, With a smile, Harana, Alipin ng Shamrock...
Sumasabay siya sa mga alam niyang kanta.
.
Nakangiti. Masaya.
Nangungusap ang mga mata..
Parang ang sarap lang niyang samahan sa kung ano man ang iniisip niya..
Sana ganito na lng kami lagi.. Masaya..
Sana nga siya na..
"Huy! Tulala ka na naman, nakangiti ka pang magisa jan! Hahahah..
Ano na next song natin.. Bilis ginaganahan na ako" masaya niyang sabi.
"Mag request ka na, wala na ako maisip e.. Haahahaha.." sagot ko.
"Ano ba gusto mo? Hindi ko alam e.." tugon niya.
"Ikaw." sabi ko.
"Ikaw, yun ke Yeng? Di ko alam yun.. hahahah.." sabi niya.
"Hindi, ikaw ang gusto ko" seryoso kong sagot sa kanya.
Napatigil naman siya. Napatitig sa akin habang nakangiti.
Bigla niya kinurot ang magkabilang pisngi ko.
.
"Alam mo ikaw, lakas mo magpa fall e.. Siguraduhin mo muna yang feelings mo bago ka magpacute jan.. Masyado na tayong matanda para magkasakitan pa ng damdamin.. Hahahaha.." sabi niya.
Nakitawa na lng din ako sa kanya..
.
Ilang kanta pa ay medyo sumasakit na rin ang daliri ko. Hindi na rin kasi sanay sa matagalang pagtugtog.
"Ikaw naman, Diana. Yun madali lang. Tulungan kita. Masakit na daliri ko e." sabi ko.
Pinaupo ko siya sa harap ko habang siya ang may hawak ng gitara. Siyet ang bango niya. Langhap na langhap ko siya mula dito sa likuran.
"Eto 'When you say nothing at all' madali lang to. Wag ka na lang mag pluck." turo ko sa kanya sabay lagay ng mga daliri niya sa mga chords.
"Ganito ba?" tanong niya.
Nilagay ko ulit sa tamang kwerdas yun daliri niya.
.
Naamoy ko rin ang hininga niya dahil sa lapit ko sa kanya..
Napakabango.. Parang laging bagong sepilyo..
Pati ang buhok niya laging amoy shampoo..
"Sige gets ko na. Kanta ka. Di ko masundan pag ako pa kakanta e.." sabi niya.
"Okay. Sundan kita." sagot ko.
.
"The smile on your face lets me know that you need me
There's a truth in your eyes, saying you'll never leave me
The touch of your hand says you'll catch me wherever I fall
You say it best, when you say nothing at all."
.
"Yehey! Nabuo natin!" masaya niyang sabi.
"Thank you sa pagtuturo! Tutugtugin ko kina Tatay yan pag nagkantahan ulit kami. Papakitaan ko sila. Hahahaha.." siya pa rin.
Ibinaba na niya ang gitara sa kahoy na center table at humarap sa akin.
"Maaga pa, gusto mag wine habang nagkukwentuhan tayo?" offer niya.
"I just want to stay right here with you," sabi ko sabay halik sa kanya.
Tinugon naman niya ang halik ko.
"Hhhhhhhhhmmmmmmm...." mahina niyang anas habang nimanamnam ang tamis ng aming halikan.
Napakasarap halikan ng malalambot niyang labi..
Napakatamis..
.
At dahan dahan ko siyang inihiga sa sofa habang hindi bumubitaw sa magkadikit naming labing uhaw na uhaw..
Sinalikop ko ng kamay ko ang mukha niya saka inangat ng bahagya ang aking mukha para matitigan ang kanyang ganda..
"Napakaganda mo, Diana.. Hindi ako magsasawang halikan ka.." malambing kong sabi sabay halik ulit sa kanya.
Iniyakap naman niya ang mga kamay niya sa ulo ko..
Parang iginigiya na halikan ko pa siya..
Sa ibang parte naman ng katawan niya..
.
Pinagapang ko ang halik ko sa pisngi niya..
sa tenga.. saka sa leeg niya..
"Oooohhhhh...." ungol niya.
Habang ang aking kamay ay humihimas sa makinis niyang hita..
Paangat sa kanyang likuran..
Hanggang ang kanyang pwetan ay mahawakan..
Ibaba ko pa sana ang aking halik pero pinigilan na niya.
"Wait lang.. Mamaya na yan.. Please.." malambing niya pakiusap na pinagbigyan ko naman.
Hinalikan ko na lng siya ulit na kanya namang tinugunan.
"Good breaks.." nakangiti kong sabi pagkatpos ng halik.
"I'll get the wine.." nakangiti niyang tugon sabay pisil sa ilong ko.