Ms Dy EP 21 . . Bago mag 4 pm ay lumabas na kaming tatlo para magbike. Hindi ko muna tinanggal ang training wheels para masanay muna siya sa pagsakay. Nung una ay itinutulak ko pa siya para makausad. Pero nun tinuro ko sa kanya kung paano mag pedal ay mabilis naman niyang nakuha. "Mom look!" tawag niya ke Diana na busy magpicture sa amin dalawa. "Good job, baby! Keep on moving!" sagot niya dito. "Tito, kaya ko na. You can let go of me na.." sabi nito. "Okay! Just keep pedaling!" sabi ko naman. . Dirediretso na siya sana kaso pagdating sa dulo ay huminto siya. "Tito help! I don't know how to turn!" sigaw niya kaya tumakbo ako palapit sa kanya. "Ganito lang oh, use the handle bars to turn.. Like this oh.. Basta dahan dahan lang para hindi ka matumba.." paliwanag ko sa kanya.

