Mommy. Where are we going?” tanong ng batang babae na nakaupo sa tabi ni Ariah, habang lulan sila ng taxi nakangiti siyang tumingin dito saka ito sa tabi niya ng mas malapit. “You said you wanted to go to the mall di ba?” kaagad na sumilay ang ngiti sa labi nito, nagsimula na gumalaw galaw ang mga paa nito habang nakaupo. Kilalang kilala niya ang anak gumagalaw galaw ang mga paa nito kapag hindi nito maitago ang saya. Niyakap niya ito at muling inayos ang nakapusod nitong buhok. It’s been almost five months ng mag desisyon siya na bumalik ng Pilipinas, ngunit hindi pa niya naipapasyal ang anak sa takot na makita sila ni Red sa takot na makita sila ng mga magulang niya na nakailang tawag na sa kanya na makipag-kita siya sa mga ito. Alam na ng mga ito na nasa Pilipinas siya, ngunit hindi

