Elena's Pov
DAHAN-dahan akong bumangon at sinulyapan ng tingin ang mahimbing na natutulog na si North alas-singko na pala ng umaga at unang beses itong nangyare dahil hindi ko naman gawain na matulog katabi ng aking nakakatalik at lalo na't napa umaga pa ako, dahil agad naman akong umaalis pag natapos na ang aking trabaho, pero iba ngayon na para bang gusto ko pa na makasama ng matagal ito, at hanggang ngayon ay sariwang sariwa pa din sa akin ang mga mainit na nangyari kagabi. Palihim naman akong napangiti, mayamaya pa ay bumangon na ako at kailangan ko na munang maligo.
Nang matapos na akong maligo ay agad na akong lumabas upang mag bihis, pag labas ko ng banyo agad akong tumingin sa kama upang makita kung gising naba ito, subalit ng makita ko ay wala na ang lalaking kanina lang ay natutulog agad akong nakaramdam ng lungkot dahil hindi man lang ito nag paalam.
Hays... Ano ba Elena sa tingin mo ba ay may ganong magaganap?
Agad naman akong napailing sa aking naiisip, ayoko ng isipin ang lalaking iyon tutal tapos na rin naman ang trabaho ko rito. Mayamaya pa ay nag bihis na ako upang makauwi dahil alam ko na nag hihintay na ang mga kapatid ko sa ospital. Nang maka bihis na agad kong tinali ang mahaba kong buhok tapos na din ako mag bihis mag susuot na sana ako ng sandal ng biglang may nag salita sa likuran ko.
"Good morning Magdalena, how's your sleep?"
Agad akong napalingon ng makilala ang boses na iyon, napaawang ang aking mga labi dahil tama nga ang aking hinala si North nga ang nasa harapan ko ngayon. Hindi ko lubos maisip na narito pa pala ito akala ko pa naman naka alis na ito agad namang akong napangiti ng maisip na mali ang aking akala.
Nakasuot ito ng white t-shirt at black jeans ang gwapo nito sa kanyang suot.
Hmmm.. sexy
Napansin ko din na may hawak itong tray na nag lalaman ng pagkain.
"Ikaw pala yan Mr. Dmitri akala ko'y nakauwi kana." diretsong sabi ko na hindi naka tingin sakanya para kasing may ibang kiliti akong nararamdaman kapag tinitignan ko ang gwapo nitong mukha.
"Do you think that I can just go home without saying good bye to you? Wag mo sabihin na nakalimutan mo ang sinabi ko kagabi?" seryosong sabi nito at diretsong nag lakad papunta sa kama at duon niya inilagay ang hawak niya na tray.
Agad naman akong namula sa sinabi nito.
Jusko Magdalena wag kang assuming!! baka may kailangan lang itong itanong sayo nakakaloka ka! At ano ba yung tinutukoy niya?
"Talaga ba Mr. Dmitri ano ba ang gusto mong pag usapan natin? pasensya na wala kasi akong naalala na sinabi mo kagabi alam muna busy tayong dalawa at wala dun ang attensyon ko." malanding sabi ko sabay tingin sakanya.
Nakita ko itong napalunok sa sinabi ko at tumikhim na muna bago mag salita ulit.
"I have an offer to you but you need to eat first then after that we will talk about it and please stop calling me Mr. hindi mo naman siguro nakalimutan ang pangalan ko? or maybe you want me to do something so that you can call me by my name? Is that what you want honey?" makahulugan niyang sabi habang malagkit itong nakatitig sa akin.
Bigla naman akong nag iwas ng tingin at baka kung saan pa mapunta ito napakagat labi na lamang ako sa naiisip pero tama din naman siya kailangan ko na muna kumain nagugutom na din kasi ako.
Gusto ko sana tanungin kung nakakain naba siya pero mas pinili ko nalamang na tumahimik at itinuon sa pagkain na agad ko namang kinuha ang tray na nasa ibabaw ng kama may laman itong fried egg, tocino, apple at sandwich meron din itong gatas na kasama.
Unang beses na may gumawa sa akin nito infairness mabait din naman pala ito dahil hindi ko talaga lubis akalain na maiisipan niya pa akong dalhan ng pagkain, napangiti nalang ako sa naiisip.
Nang mag simula na akong kumain ay agad naman akong tumingin kay North na ngayon ay titig na titig sa akin.
Kung nakakatunaw lang ang tingin kanina pa siguro ako nalusaw.
"May dumi ba ako sa mukha? At kung makatitig ka wagas." sabay irap ko sakanya.
"You look good while eating, so I can't help but stare at you." sabi niya ng hindi inalis ang tingin sa akin.
Hindi ko naman maiwasan na kiligin sa sinabi nito, kaya hindi ko nalamang ito pinansin at nag focus nalamang ako sa aking kinakain.
Nang matapos na akong kumain agad akong tumingin sakanya na ngayon ay naka kunot ang noo na nakatingin sa cellphone nito.
"Tapos na ako kumain, ano ba ang pag uusapan natin?" pukaw ko sa kanyang attensyon.
Agad naman itong tumingin at lumapit sa akin at saka nilagay sa bulsa ang hawak nitong cellphone. Nang makalapit na ito ay may kinuha siyang nakatuping papel sa gilid ng vase at ibinigay ito sa akin.
"Ano yan?" nag tataka kong tanong sakanya.
"Read it and after that gusto ko malaman ang iyong sagot pag nabasa muna ang nilalaman niyan." seryosong sabi niya.
Irap na lamang ang sinagot ko sakanya at sabay bukas ng papel.
I NORTH DMITRI WILL PAY A ONE- MILLION EVERY MONTH AND OF COURSE YOU WILL STAY AT MY HOUSE FOR GOOD. I PROMISE TO GIVE YOU ALL YOUR NEEDS FOR ANY TIME OR DAY YOU WANT.
OUR CONTRACT WILL ONLY END WHEN I WANT IT. I HAVE ONLY TWO RULES
1.NO FEELINGS A TOUCH.
2.DONT FALLING INLOVE WITH ME.
BE MY SLAVE MAGDALENA,
Nang matapos kong itong mabasa ay agad akong tumingin sakanya na may halong pag tataka.
"What can you say?" agad nitong tanong sa akin. "Kung kulang pa ang isang milyong piso tell me and name your price," dagdag pa nito.
Kalamdamo at kampanteng sabi nito habang hindi inaalis ang tingin sa akin.Hindi parin ako makapaniwala rito.
Gaano ba kayaman ang lalaking ito?
Napara bang wala lang sakanya ang halaga ng kanyang binanggit sobrang laking halaga na iyon at para bang gusto niya pang taasan kung depende sa ninanais ko na halaga! Nababaliw ba siya at ang tanga ko na kung hindi ko pa ito tatanggapin malaking tulong na ito para sa amin. Huminga na muna ako ng malalim bago mag salita.
"Okay na ito akin na ang ballpen at pipirmahan ko" walang pag dadalawang isip na sabi ko habang seryoso ng nakatingin sakanya.
Bigla naman itong ngumiti sa sagot ko at tumayo papalapit sa akin.
"I'm suprised that you are not difficult to talk to, okay sign it." sabay abot ng ballpen sa akin.
"And remember my rules once you break it tapos na ang contract dahil wala ng saya kung ipagpapatuloy pa." seryoso na sabi niya.
"Wag ka mag alala North hindi mangyayari yun." nakakasigurong sabi ko.
"Good mas mabuti ng nag kakaintindihan tayo."
Hindi ko na ito pinansin at napailing na lamang sa sinabi niya. Pagkatapos ko pumirma ay agad naman niya akong niyakap at hinalikan sa pisnge. Hindi na ako nagulat sa ginawa niyang iyon dahil nasa isip ko na kasama iyon sa contrata.
Hindi rin iyon nag tagal at tumingin na ulit ito sa akin pero ngayon ay seryoso na ito.
"I have to go because I still have work to do, and I want you to know that tonight you will move to my house I will pick you up later so give me your number para ma contact kita mamaya and by the way may iniwan akong cheque sa ibabaw ng table see you later." malamig nitong sabi.
Nang maibigay ko na sakanya ang aking cellphone number ay agad itong umalis ng hindi man lang ako nililingon. Nabalot na ng katahimikan ang paligid.
Elena sana tama ang ginawa mong desisyon...
Tumayo na ako at lumapit kung nasaan ang cheque agad ko naman itong binuksan at hindi na ako nagulat kung magkano iyon mayamaya pa ay nakatanggap ako ng text galing kay madam kaya kinuha ko na ang lahat ng gamit at saka umalis.
Nandidito na ako sa labas ng opisina ni madam dahil para kunin ang pera na binayad ni North sa pag kuha sa akin bonus ko daw iyon nang makapasok na ako ay agad naman niya akong nakita at binigyan ng malawak na ngiti.
"Kamusta Magdalena? Napa umaga ka yata unang beses itong nangyare" may halong kahulugan ang pagkasabi niyang iyon.
"Oh eto na pala ang perang binigay ni Mr. Dmitry wag ka magugulat sa halaga nito dahil sabi ko pa naman sayo ay maswerte ka rito." patuloy niyang sabi sa akin ng hindi inalis ang kanyang ngiti sa mga labi.
Binuksan ko naman ka agad ang sobre na binigay ni Madam sa akin. Nang makita ko ang halaga ay napanganga ng kaonti ang aking mga labi dahil cash pa talaga ito at nag kakalaman pa ng kalahating milyong-piso. Ang laki nito at halos kalahati din ito ng ibinigay niyang cheque kanina at sapat na ito na mabayaran ang dalawang buwan ni Tatay sa ospital.
Sino ka nga ba Daniel Monteverde at gaano kaba talaga kayaman??
"Nagulat kaba Magdalena? Ganyan din ang naramdaman ko ng makita ko iyan dahil unang beses pa lamang itong nangyari at talagang maswerte ka dahil ikaw ang napili nito." agad naman akong napatingin sa sinabi ni Madam.
Hindi ko na lamang iyon pinansin at dali kong inilagay sa bag ang sobre na hawak ko.
"Salamat madam alis na po ako." tipid na sabi ko sakanya.
Nakita ko naman itong tumango kaya agad na akong tumalikod rito. Papunta na ako ngayon sa dressing room upang mag palit ng damit dahil sa ospital na ang diretso ko.
SA GUILLERMO HOSPITAL lang po, sabi ko kay manong driver dahil nakasakay na ako ngayon sa taxi at ngayon palang ay hindi na mawala sa isip ko ang kasunduan namin ni North.
Tama nga ba ang ginawa kong desisyon? Sino nga ba talaga si Daniel? Ano kaya ang kanyang trabaho? Gaano ba ito kayaman?
Mga tanong sa aking isipan na kailangan ng sagot hays mayamaya pa ay tumigil ang aking pag iisip ng biglang mag salita si Manong driver.
"Nandidito na po tayo ma'am." sabi nito.
Agad naman akong nag bayad sakanya at bababa na sana ako ng tawagin niya ako ulit.
"Ma'am sukli niyo po." pahabol na sabi nito.
"Keep the change po manong." nakangiting sabi ko.
"Maraming salamat po ma'am." masayang sabi niya sa akin.
Tanging tango na lamang ang aking sinagot at nag patuloy na ako sa paglalakad papasok pa lang ako ng ospital ng makasalubong ko si Dr. Aravena sabihin na nating isa ito sa nag ba balak ligawan ako. Napairap na lamang ako ng makita ito.
"Good morning Elena." agad na bati niya sa akin.
"Morning." tipid na sabi ko.
"Kailangan ka pala hindi busy? Aanyayahan sana kitang lumabas kung pwede sana? nahihiyang sabi nito.
Hay nako! Kailan kaya ito titigil ayoko pa naman sa lahat yung makulit!
"Pasensya kana Dr. Aravena may gagawin kasi ako mamaya e." agad na sabi ko ng hindi tumingin sakanya.
"Ganon ba akala ko pa naman hindi kana busy." malungkot na sabi nito.
Para naman akong nakonsensya sa sinabi nito, si Dr Aravena kasi yung klase ng lalaking hindi agad sumusuko, oo makulit pagdating sa akin pero sa pag kakaalam ko ay mabait ito at maalaga sa bawat pasyente niya kung sa itsura naman ang basehan wala akong masabi dahil sobrang gwapo din nito pero kung i kukumpara ko naman sa kagwapuhan ni North ay mas gwapo pa ito kumpara sakanya.
Hoy Elena! Bat naisip mo ikumpara ito sa lalaking iyon! Baliw kana talaga!
Agad naman akong napahilamos sa aking mukha ng maisip iyon.
Ano bang nangyayari sa akin?
"Mauna na ako Doc bibisitahin ko pa ang Tatay ko." ngiting sabi ko sakanya.
Mukha yata itong nagulat ng ngumiti ako sakanya dahil dito ay ngumiti din siya pabalik sa akin.
"Okay take care!" masayang sabi niya.
Ngiti na lamang ang sagot ko rito at ka agad na umalis natatanaw ko na rin mula sa kinatatayuan ko ang silid kung saan naka confine si Tatay. May liver cancer ito nag simula lamang nung nakaraang buwan, kaya may parte sa isip ko na malaking bagay na sa akin ang offer ni North alam kong kapalit non ang katawan ko pero wala na akong paki dahil trabaho ko naman iyon. Ang mahalaga sa akin ngayon na masigurado na kompleto lahat na kailangan na gamot at therapy ng ama ko.
Mayamaya pa ay nasa labas na ako ng pintuan dahan dahan ko naman iyon binuksan. Nang makapasok na ako sa loob agad kong nakita ang dalawa kong kapatid na lalaki. Si Zyle ay nag babalat ng mansanas disi-otso na ito. Si Jacob naman ay kinse anyos at abalang nag aayos ng mga gamit ni Tatay ng makita nila akong papasok ay agad naman nila akong nilapitan.
Unang lumapit sa akin si Jacob at agad niya akong niyakap kahit malaki na ay hindi parin ito nahihiyang mag palambing sa akin. Masayahin kasi ito at madaldal hindi katulad ni Zyle na seryoso at tahimik lang pero sobrang maalahin ito.
"Kamusta ka ate? Bakit natanghali ka ng dating may nangyari ba?" agad na tanong niya sa akin na may halong pag aalala.
"Natanghali lang kasi ako ng gising." sabay gulo ko sa buhok niya. "Ikaw talaga miss mo ba agad ang ate? natatawang sabi ko dito.
"Oo ate at saka hindi ka kasi nag rereply sa mga text ko akala ko kung ano ng nangyari, balak nga sana kitang puntahan kaso hindi ko naman alam kung saan ka nag ta-trabaho bakit kase ayaw mo sabihin sa amin?" seryosong sabi nito sa akin.
Agad naman akong natahimik sa tanong niyang iyon.
Sorry Jacob ayaw lang ni ate na malaman niyo ayokong mandiri kayo sa akin dahil sa trabaho ko.
Hindi ko na mabilang kung pang ilang beses niya na itong tinanong sa akin. Agad naman akong tumingin kay Zyle na ngayon ay nakatingin din sa akin pero agad naman itong nag iwas ng mag tama ang mga mata namin kaya binalik ko na lamang ang tingin ko kay Jacob.
"Hay nako Jacob ang importante ay nandirito na ako at walang nangyaring masama sa akin okay?" agad naman itong napasimangot sa sagot ko. Agad naman akong nilapitan ni Zyle at sabay halik sa aking pisnge kaya nabaling ang attensyon ko rito.
"Ate narito na ang bill ni tatay rito sa ospital at pati yung mga kailangan na bilhing gamot binigay ito ng nurse kani-kanina lang." sabay abot niya sa akin.
"Sige salamat Zyle" agad naman akong napatingin kay tatay na ngayon ay mahimbing na natutulog. "Kanina paba si tatay tulog?" agad na tanong ko.
"Kani kanina lang rin ate maaga kasing nagising si Tatay dahil akala niya maaga ka makakauwi kaya lang dinalaw na rin siya ng antok dahil sa itinurok na gamot sakanya kaya minabuti naming ipag pahinga na muna siya." agad na sabi ni Jacob.
"Ganon ba mabuti naman." tipid na sabi ko at lumapit sa hinihigaan nito.
Nang mahawakan ko ang kamay ni Tatay ay may namumuo ng mga luha sa gilid ng aking mga mata pero pinigilan ko na lamang ito dahil ayokong makita ako ng mga kapatid ko sa ganitong sitwasyon ni minsan kasi hindi ko pinakita sakanila na umiiyak ako o nanghihina dahil ayaw kong mag alala sila sa akin kaya palagi kong pinapakita sakanila na matapang ako sa lahat ng bagay pero sa loob loob ko ay sobrang hina ko.
Tay mag pagalin ka po wag mo sana kaming iwan hindi ko pa/namin kaya gagawin ko po ang lahat maging maayos ka lang.
"Zyle mag ba banyo lang ako, nga pala may pagkain akong dala kainin niyo muna yun." sabi ko sabay alis.
"Sige po ate." sabay nilang sabi.
Nang makalabas na ako ay dire-diretso ang aking pag lakad papuntang banyo dahil hindi ko na mapigilan ang mga luhang lumabas sa aking mga mata kaya dahil rito hindi ko na namalayan na may nabangga na pala ako.
"Fuc-
Hindi na tinapos ng lalaki ang sasabihin ng mag salita ako.
"Sorry po sorry po pasensya na talaga." sabi ko nang hindi tumingin rito at agad na akong umalis.
Nang makapasok na ako ng banyo ay agad na akong umiiyak ng umiyak. Sobrang nahihirapan na ako pero kailangan kong lumaban para sa mga kapatid at ama ko.
Gumaling ka lang tay titigil na ako sa trabaho ko gumaling ka lang pangako....
Pinahid ko na ang mga luha sa aking mga mata at sabay lumabas ng banyo at tignan ang sarili ko sa salamin kitang kita sa aking mukha ang bakas ng aking pag iyak kung kaya mabuti naman ay may dala akong pouch lalagyan ng mga make-up ko. Kumuha ako ng concealer at inilagay ko iyon sa ibaba ng aking mga mata pag katapos ay nag lagay na ako ng konting pulbos at lipgloss upang hindi mahalata na galing ako sa pag iyak. Nang matapos na ay napag pasyahan ko na rin na bumalik.
"Ate may kanina pang tumatawag sa iyo unknown number iyon, pero nung sinagot ko na iyon agad niya itong pinatay." agad na sabi sa akin ni Sting ng makapasok ako sa loob.
Agad ko naman kinuha ang cellphone ko para tignan kung sino iyon. Tama nga ang kapatid ko unknown number ito. Kaya agad ko tinignan ang mga text nito sa akin.
~unknown number.
Nasaan ka ngayon?
Fuck! why are you not answering my call!?
It's me North.
Agad naman akong napatigil ng malaman na si North iyon hindi ko na lamang ito pinansin at inoff ko nalamang ang aking cellphone. Wala din ako sa mood para makipag usap pa rito.
Naisipan ko din na umidlip na muna saglit bumaling ang attensyon ko sa dalawang kapatid ko na ngayon ay nakatingin pala sa akin.
"Ate pahinga ka muna alam namin na pagod ka kami na bahala kay tatay gigisingin kana lang namin pag gising na ang tatay." nag aalalang sabi ni Zyle.
"Okay sige salamat Zyle"