Chapter one

1016 Words
napangiti si Yanna habang papasok siya sa building nila ng isang subject niya. maaga pa. hindi pa siya huli. agad niya binawi ang ngiti na yun dahil hanggang ngayun naiisip parin ni Yanna ang nangyayari sa kanya noong isang araw. hindi niya mapigilan ang sarili niya sa ngiti dahil pakiramdam niya mabilis parin ang t***k ng puso niya. naikasal na kasi noong isang araw sa lalaking matagal na niyang lihim minahal. "miss Yanna pinatawag kayo ng Donya sa living room" agad pinuntahan ni Yanna si Donya Isabell. habang papunta siya umusbong ang kaba sa dibdib niya. naisip niya baka may nagawa siya kasalanan o nalaman ni Donya Isabell na pumupunta si Clyde dati sa kwarto niya. napailing siya. binuksan niya ang pinto, nakaupo si Donya Isabel sa isang upuan na malaki na may tungkod. ngumiti ang donya sa kanya. kinabahan ng husto si Yanna dahil bihira lang magpatawag si Donya, yun may mga usapan tungkol sa kumpanya. "maupo ka hija" sabi ni Donya Isabel na agad naman sinunod ni Yanna. "lumapit ka pa hija" lumapit pa si Yanna sa Donya. "apo, may hihilingin sana ako sayo" hinawakan nito ang kamay ni Yanna. apo narin ang turing ni Donya Isabel kay Yanna kahit hindi kadugo. "apo, alam mo naman siguro ang nangyayari ngayun sa pamilya namin" putol ni Donya. tsaka bumuntong hininga ng mabigat. "papakasalan mo ang apo ko na si Clyde" sabi ni Donya na para bang nahihirapan siya magpaliwanag kay Yanna. "Ho? ako? bakit ako Grandma?" nagtatakang tanung ni Yanna. hindi niya maintindihan. ngumiti ng kaunti ang Donya at tumuwid ng upo. "ikaw lang ang pwede, ikaw lang Yanna ang mapagkatiwalaan ko. halos buong linggo na ang balita sa hindi pagdating ni Chelsy noong lunes sa kasal nila ni Clyde. ayoko maapektuhan ang negosyo ko, ang kumpanya ko kaya kung pwede lang" saka tinititigan siya ni Donya Isabel. napabuntong hininga si Yanna at naiisip niya ang dati niyang kalagayan. kung hindi dahil sa Cuevas Family, wala siya ngayun sa kinaroroonan niya, wala siya sa malaking bahay siguro nasa kalsada siya ngayun. malaki ang utang na loob ni Yanna lalo na kay Donya Isabel dahil pihikan ito, strikto, pero mababait ang 'Pamilya Cuevas sa mga katulong nila'. "paano sila Tito Ronaldo at Tita Elena. alam ba nila?" napangiti si Donya Isabel. "oo naman bago kita kinausap sila ang kinausap ko muna" sagot ng Donya ng biglang bumukas ang pinto. pumasok ang mag asawa at ang dalawang kapatid ni Clyde. "ano ma pumayag na ba siya?" naupo sila sa magkabilang upuan. "papayag na ho' ako malaki rin utang na loob ko sa inyo kahit salamat ng ilang beses kulang pa" pinisil ni Yanna ang paa niya. "Yes finally ate Yanna sister inlaw na talaga kita. ah hindi sister inlaw kundi kapatid" masiglang sabi ni Hilary na hindi siya tinuring na ibang tao. "simula ngayun hija dapat itawag mo samin, Mommy and Daddy" agad sila nagtawanan. si Tobey na pangalawa "welcome sa pamilya Cuevas Yanna" tsaka nagman sign si Yanna at Tobey. "salamat apo" napangiti si Donya Isabel dahil kahit alam nilang lahat ng buong pamilya niya anak lang si Yanna ng simpleng tao na katulong nila dati pero tinuring parin nila itong anak lalo na kay Donya Isabela na tinuring din niyang apo si Yanna. sa mata sa labas, masyadong matikuloso, strikto si Donya Isabela. Yan ang pagkilala sa kanya sa mundo ng negosyo. agad inasikaso ang wedding gown ni Yanna. kaunti lang din inimbita nila dahil ayaw nila mabahiran naman ng tsismis ang gagawing kasal. kinabahan si Yanna na nakahawak sa puting rosas na isang bugkos na maliit na naglakad siya sa gitna ng aisle. nakita niya si Clyde na tahimik at malamig naghihintay sa kanya sa Altar. ng makarating siya tahimik kinuha ni Clyde ang kamay ni Yanna at sabay na sila umakyat sa Altar. pagkatapos ng ceremonyas ng kasal nila at picture taking lumapit si Donya Isabela na nakasuot ng Pilipinyana na gown. at may hawak na pamaypay. nilapitan niya ang photographer "pakikuha sa kanilang dalawa ang picture" sabi niya sa photographer kaya agad pumwesto si Yanna at Clyde. tuwang tuwa ang Donya sa nakita niya. pagkatapos pinaalis na sila ni Donya Isabela para sa honeymoon nilang dalawa dahil nakahanda na ang private airplane nila. ng makaalis sila tahimik parin si Clyde na naka upo sa gilid ng bintana masyadong malalim ang iniisip niya. walang nakakaalam kung ano nasa isip niya. tinititigan siya ni Yanna. gusto man niya tanungin si Clyde pero hindi niya magawa walang boses niya lalabas sa bibig niya. kaya ngumiti nalang siya ng hindi abot tenga. ng makarating sila sa isang luxury hotel. dumiretso si Clyde sa banyo ng hindi nagsasalita. "galit ba siya?" tanung ni Yanna sa isip niya. maya maya bumukas ang pinto sa banyo at lumbas si Clyde na nakatuwalya lang ang kalahati ng katawan nito. naghahalungkay ng gamit sa maleta. hinayaan lang siya ni Yanna at pumasokq na si Yanna. pagkatapos ng minuto lumabas na si Yanna nakabihis na at nakabihis narin si Clyde nakaupo sa gilid ng kama nakaharap sa laptop nito. napatingin siya ni Clyde na hindi parin nagsasalita simula kanina hanggang dumating sila sa hotel. busy si Clyde sa pagtype ng mga paper works niya. napabuntung hininga si Yanna humiga nalang siya na nakatalikod kay Clyde. "bukas dito ka lang sa hotel, may seminar ako annual meeting" nakikinig lang si Yanna ng nararamdaman niya humiga narin si Clyde. "pwede ba akong sumama? bored kasi dito. tsaka promise magbehave ako doon" agad humarap si Yanna kay Clyde. tahimik lang ang lalaki na nakatingin sa kisame. hindi kay Yanna. "wag nalang, wala pala akong formal na susuotin. okay lang" saka tumalikod ulit siya sa lalaki. at pinikit na niya ang mata niya. napatingin si Clyde sa likod ni Yanna at bumuntung hininga pinikit narin niya ang mata niya. maaga nagising si Yanna, bumangun siya at nagtinungo ang banyo. si Clyde tulog pa. umupo si Yanna sa sofa at pinanuod ang mga building na matataas. "maligo ka na at magbihis pupunta tayo sa mall" napatingin siya kay Clyde na kagigising lang at bumangun deritso sa banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD