Kabanata 12 (Kabutihan)

1645 Words

A V A S A N T I L L A N Napasaubo ako sa pagiging leader kunwari ng team namin. Pakiramdam ko ay pinapahirapan kami, lalong lalo na ako ng unggoy na Otep na iyon dahil deadline na susunod na araw. Akala mo naman ay madaling gumawa ng disenyo, drafting at lay outing pa lang ay kulang-kulang na isang buong araw. "Kung magaling ka nga, ipakita mo," aniya nang umalma ako. "Sus, kung 'di ka lang guwapo!" sabi ko sa sarili habang pinapaypay ang poster niya. Natanggal kasi ito kanina kaya kinuha ko para idikit sana ulit, pero naisipan kung gumanti sa paraang ako lang ang may alam. "Ngayon Marco Montefalco, pagsilbihan mo ako!" dagdag ko pa at malakas na pinaypay iyon sa aking leeg. Nagsitawanan ang lahat. Sa totoo lang ay inaaliw ko lang sila dahil alam kong pagod na rin ang mga kasam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD