"Ang kulit mo Alexis, diba paulit ulit kong sinasabi sa iyo na huwag mong lalapitan at kakausapin si Stella? Bakit ginawa mo pa rin?" Itinulak ng bahagya ni Jacob si Alexis ng puntahan niya ito sa silid nito sa may basement. "Relax... Ano sasapakin mo ulit ako ng dalawang beses? Langya Jacob sa tagal nating magkasama ngayon mo lang ako nasaktan ng dahil sa babae ah. Akala ko ba wala lang sa iyo si Stella? Eh, bakit parang selos na selos ka?" tinulak din ng bahagya ni Alexis si Jacob. Kaya naman napabunot ng baril si Jacob at naitutok ito kay Alexis. Kaya napabunot din ng baril si Alexis. "Ano Jacob, magpapatayan tayo ng dahil sa babae? Bakit hindi mo pa kalabitin iyan!?" singhal ni Alexsis. Kaya naman nagpaputok ng ilang beses si Jacob sa sahig ng ilang beses na naging dahilan upang

