Kasama ni Jacob ang mayordoma sa isang mahalagang transaksyon nila sa isang kilalang negosyante rin tulad nila at habang nasa kotse ay kinompronta ng mayordoma si Jacob ukol pa rin sa pangyayari ng nakaraang araw. "Anong plano mo kay Stella? Nakita kita kagabi na doon ka natulog sa silid ni Stella, kung ano man iyang binabalak mo huwag mo ng gawin at ibigay mo na lang si Stella sa akin," seryusong saad ng mayordoma. Kumuha ng isang stick ng sigarilyo si Jacob at sinidihan ito, at binuksan nito ang bintana ng sasakyan malapit sa kanya para sa usok ng sigarilyo. "Masyado mo naman yata akong kilala manang para mabasa ang nasa isip ko. Wala pa akong balak kay Stella, sa ngayon gustong gusto ko pa na makasama siya sa kama bukod doon wala na. Mukhang first time kong makarinig buhat sa iyo

