Chapter 31

751 Words
Tinabig ko ang kamay nito to compose myself. "stop being cheesy I'm mad, you should do what you promised."ingos ko. His lips twitched. "I know, sorry na Celestine napikon lang ako, he can insult me but not you I won't let him."napatingin ako dito ng sabihin nito 'yon. He gave me a warm smile. "still, I'm glad to hear your rants, very unfamiliar but soothing.."napairap na ako sa sinabi nito. I know he's teasing me. Kaya ng makita kong nakangisi na ito ay halos batukan ko ito pero naputol ang gagawin ko ng lumapit sa amin si Rick. "sorry lovebirds pero kailangan sa dug-out si captain."he teasingly said. Napairap ako sa kanila. "kunin mo na 'yan at inaasar lang ako!"ani ko sabay talikod sa kanila para bumalik na sa upuan ko. Sinalubong ako ng tawa ng tatlo. "God Tin! Hindi ko inakala na puputak ka ng ganoon sa court!"si bakla. "oo nga! Imagine the terror on your mom's face kapag nalaman 'to!"segunda ni Jinky dito. Kaya naman nilingon ko na si Gela tutal ay siya nalang naman ang wala pang nasasabi. Nailang ito sa tingin ko bago nagsalita. "a-about your mom, alam ba niya na may boyfriend ka?"hindi iyon ang inaasahan ko mula dito kaya medyo nagulat ako. "oo pala! Naku Tin.."nag aalalang kinawit ni Jinky ang braso niya sa akin. "dad will be there naman kaya hindi ako masyadong aawayin ni mom.."simpleng sagot ko sa kanila pero kahit ako ay palihim na nagdadasal na sana ay hindi malaman ni mom ang mga nangyayari sa school. Nanalo sila Art sa unang game nila at bukas na ang next game kaya nang matapos sila at makapagbihis na ay sinamahan nila kami na maglibot sa mga booths. "parang nakakailang sumubo ng malaki kasi ang daming pogi.."bulong ni Jinky sa akin habang kumakain. "gaga, iyon nga ang inaalam nila kung hanggang saan ang kaya mong isubo.."napangiwi kami sa bulong na 'yon ni Diego. "hoy Didi tantanan mo nga kami, ikaw nalang tutal ay may butas kami ikaw ang wala."sita ni Jinky dito. "babae tingin mo sa pwet ko sarado?"si Diego uli na hindi nagpapatalo. Natawa naman si Gela sa kanila habang ako ay naiilang sa usapan nila. Malapit lang sa amin sila Art at baka marinig sila. Ano kayang iisipin ng team kung marinig ang usapan ng mga kaibigan ko. Nakakawalang dangal naman kasi ang bibig ni bakla. "nga pala Tin game ka ba mag overnight next week?"kumunot ang noo ko sa tanong ni Gela. "wala nanamang ideya ang gaga, birthday ni Diego diba isusurprise natin sabi mo last year."naninimbang na sabi nito. Nawala sa isipan ko ang bagay na 'yon pero ayoko namang aminin na nakalimutan ko. "hindi pa ako nakakapagpaalam pero iniisip ko kung saan ang venue."sabi ko nalang. "oo nga e, kahit ako walang maisip na magandang lugar na hindi magdududa ang baklang' yon."napakamot ito sa noo ng sabihin 'yon. Nakahinga naman ako ng maluwag na nalusutan ko ang naninimbang nitong tingin kanina. Pauwi ay nag alok na si Art na ihahatid ako at as usual pinagtulakan ako ng mga tunay kong kaibigan sumpa man. "do you have any activity this coming week?"napalingon ako kay Art sa tanong nito. "sa school wala, malamang wala pang klase dahil sa events this week kaya next week ang mga prof naman ang may ganap.."tumango ito sa sinabi ko bago nagsalita uli. "can I invite you then?" "saan?"tanong ko dito. "sa victory party sa resort namin."natawa ako sa narinig mula dito. "victory party? Bakit sigurado ka ba na mananalo kayo at kayo ang magchachampion against other schools?"nanunuyang sambit ko dito. He gave me a smirk na bihira ko nalang makita mula ng maging kami. "matalo man kami sa laro alam ko naman na panalo ako sa'yo."natawa ako sa banat nito. "sigurado ka na panalo ka sa akin?"nang aasar na wika ko dito. Nagsalubong naman ang kilay nito sa tanong ko. "for me you won my heart as I've won yours, its illegal Celestine to tease me with things like that."bumulalas na ako ng tawa sa seryosong boses nito. "yes, you have me at your best.."I said teasingly. "and you will have me at your worst.."ang ngisi ko ay nabura ng marinig kong dinagdagan nito ang sinabi ko. This time ito naman ang ngumisi sa akin. "Art.."bulong ko dito ng hawakan nito ang isang kamay ko habang ang isa pang kamay nito ay nasa manibela. He gently kissed my hand. "you have a small hands yet this tiny soft fingers are part of my world, you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD