MAYUMI "ANO?" gulat at mahinang bulong ko kay Crispin na nakapoker face lang. Nasa starbucks pa rin kami at sa relief ko'y di jumoin ang mag-irog na si Danica at Kara sa amin, pero nasa kabilang dulo naman sila na kitang kita rin sa kinauupuan namin. Grr. Grabe na ‘to, selos na selos na ako. Syanga pala, dumating na rin si Mara na hindi ko maintindihan kung bakit ang lovey dovey kay Kara. Gosh, ang hilig hilig talaga sa polygamy. Grr! Muntik ko ng makalimutan. "Nakita mo ba kung paano tumingin si Dani dito?" sabi ni Cris at humigop sa kape. Nagnakaw naman ako ng sulyap na nahuli ng probinsyana, na kung makatingin nga ay parang nag-aalab sa galit. "Bakas na bakas ang selos sa mga mata nya, Yum. And look at Kara and Mara, sila ang magsyota at hindi si Dani. Ano ka ba." Hindi ako sumago

